PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tinapang Manok: Culinary tales from Bulacan and Pangasinan

This is not your usual tinapa.
by Bernie V. Franco
Published Oct 13, 2025
tinapang manok
A DIFFERENT KIND OF TINAPA. For Filipinos, tinapa is a familiar dish, typically made with smoked fish. But today, there's also tinapang manok, smoked chicken that's gaining popularity.
PHOTO/S: Rowena Galinato Tinapa Factory on Facebook

Sanay tayong mga Pilipino sa tinapang isda.

Pero hindi na lang isda ang ginagawang tinapa ngayon.

Sa paglipas kasi ng panahon, patuloy ang innovation at evolution ng pagkain.

Alam niyo bang pati manok ay puwede nang gawing tinapa?

Dahil bago, maraming beses nang naitampok ang tinapang manok sa isang barangay sa Bulakan, Bulacan.

Na-feature na ito ng maraming food vloggers at content creators kahit nagsimula lamang ito nitong kalagitnaan ng 2025.

Pero sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mayroon nang gumagawa ng tinapa chicken sa Urdaneta, Pangasinan, noon pang 2019.

Gayunpaman, magkaiba ang kuwento kung paano nila sinimulan ang tinapang manok.

Read: TIPS: How to prevent oil from splattering while frying

TINAPANG MANOK IN BULACAN

Ang Chayong’s Tinapa sa Barangay Pitpitan, Bulakan, ay mina-manage ng mag-partner na sina Mercy de Jeus at Jose George Cruz.

Ang tinapahan o tapahan ay minana nila sa tiyahin na itinayo ito noong ‘70s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang karaniwan nilang ginagawang tinapa ay mga isda, tulad ng bangus, galunggong, tamban, salinyasi, at iba pa.

Ang ipinagmamalaki nila ay nauna silang nagtinapa ng tilapia.

Nagsimula naman ang pagtitinapa nila ng manok nito lamang July. Hindi raw ito sinasadya.

Para sa kanyang kaarawan, nagluto si Jose ng apat na manok bilang handa.

May natirang dalawang manok at nag-isip daw siya kung paano ito lulutuin upang hindi masira.

Naisip daw niya itong pausukan ito sa kanilang tapahan o tinapahan.

Kinabukasan, ipinatikim daw ito sa kanyang kumpare na nasarapan at hinimok si Jose na itinda na rin ito.

Sinabi ni Mercy na ipinatikim ito sa kanilang mga kapitbahay, at pagkatapos ay sa mga kakilala ng kanilang mga kapitbahay.

Positibo raw ang mga komento kaya itinabi ang mga tinapang manok sa mga ibinebentang tinapang isda.

Dahil curious ang mga customers, bumili ang mga ito para matikman.

Doon na raw nagsimulang pumatok ang kanilang chicken tinapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kada piraso raw nito ay nagkakahalaga ng PHP350-PHP400.

Tinapang manok
Just a few months ago, a tinapa business in Bulacan started making tinapang manok, and is now being featured in food vlogs.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube

Sa paghahanda nito, nililinis ang mga buong manok saka titimplahan at ima-marinade ng ilang minuto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkatapos ay ilalagay ito sa kumukulong tubig na may mga sangkap sa loob ng 15 minuto.

Pagkatapos hanguin ang manok, papahiran ito ng pampakulay na may secret ingredients.

Papausukan ito sa tradisyunal na paraan sa loob ng dalawang oras. Ilalagay ang mga ito sa mga drum na may baga sa ilalim at tatakpan.

Nang itampok ito sa Unang Hirit kamakailan, sinabi ng hosts na balanse ang pagka-smokey at alat ng tinapang manok.

Mas toned down din ang lasang tinapa nito kumpara sa isda.

Juicy ito at nanuot ang mga sangkap hanggang sa loob ng karne.

Sabi ni Mercy, nakakabenta raw sila ng tinapang manok mula 60 hanggang 100 piraso kada araw.

Read: TIPS: How to avoid sliced apples and other fruits from turning brown

TINAPANG MANOK IN URDANETA, PANGASINAN

Samantala, naunang ipinakilala ang tinapang manok ng Galinato Tinapa sa Urdaneta.

Sabi ni Rowena Galinato sa RNG interview noong 2024, sinubukan daw niyang gawin ang tinapang manok noong 2018, pero nagsimula siyang ialok ito sa publiko noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2021 ay naitampok din ang produktong sa PTV Pilipinas.

Kuwento ni Rowena, ang kanyang mister ay ikatlong henerasyon na ng nagtitinda ng tinapa sa Urdaneta. Sinimulan ang negosyo ng kanilang pamilya noong 1950s.

Ang Galinato ang kauna-unahan at pinakamalaking tindahan ng tinapa sa Urdaneta, ani Rowena.

Naisipan daw niyang gumawa ng tinapang manok para sa mga customers na naghahanap ng tinapa version para sa karne.

Tinapang manok
A tinapa factory in Urdaneta, Pangasinan, has been selling tinapang manok since 2019.
Photo/s: Rowena Galinato Tinapa Factory on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba rin ang paghahanda ni Rowena sa kanyang tinapang manok, na inilarawan niyang “mas masarap at mas malasa” kumpara sa kanyang tinapang isda.

“Malasa naman yung isda, pero, syempre, yung ibang mga customer, naghanap ng may lasang karne, kaya nag-ano tayo ng tinapang manok.”

Sa paghahanda, paghahaluin ni Rowena ang bawang, asin, soy sauce, oyster sauce, at soda, saka ipapahid at imamasahe sa manok sa loob ng limang minuto.

Pagkatapos ay hahayaan itong ma-marinate sa mixture sa loob ng isang araw.

Kasunod nito ay ilalagay ang manok sa pugon sa loob ng dalawang oras. Kada 30 minuto ay babaliktarin ang manok para maluto nang husto.

Ang mga produkto ni Rowena na bina-vacuum seal sa plastic at dinadala ng kanyang mga customers sa iba’t ibang bansa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A DIFFERENT KIND OF TINAPA. For Filipinos, tinapa is a familiar dish, typically made with smoked fish. But today, there's also tinapang manok, smoked chicken that's gaining popularity.
PHOTO/S: Rowena Galinato Tinapa Factory on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results