Isa sa masarap na meryenda ang nilagang mais—lalo na kapag may spread na butter and salt.
Yun nga lang, may kamahalan na rin ito ngayon.
Ang isang piraso ng boiled corn na lako ng ambulant vendor o maging sa puwesto ay nasa PHP40 na—o mas mataas pa.

Mas mura kung bibili ng fresh corn at ikaw na mismo ang magluluto.
Ang isang kilo ay nasa PHP95 hanggang PHP119.
Apat hanggang limang piraso na rin ito.
Katwiran naman ng iba, kaya mas gusto nilang bumili ng corn ay dahil may katagalang lutuin ito.
Pero ayon sa article na inilathala ng website na Healthline last March 22, 2024, mabilis lang maluto ang corn.
Read: What makes this longganisa from Sampaloc, Quezon one of a kind?
FACTORS TO CONSIDER WHEN BOILING CORN
Ang boiling time para sa corn ay iba-iba depende sa pagiging sariwa nito, sukat, uri ng mais, at kung ilang piraso ang lulutuin.
Maaari itong tumagal ng dalawa hanggang 10 minuto depende sa klase ng mais.
Gaano katagal ang pagpapakulo?

Ang sagot ay depende kung gaano ito kasariwa at katamis.
Isaalang-alang din kung gusto ninyong corn ay nasa cob o busil pa rin, nasa husk o may balat pa, o kaya ay nahimay na bilang kernels.
Read: TIPS: Why you should eat a bowl of papaya during breakfast
BOILING TIMES FOR CORN
Ang sobrang pagkaluto ng mais ay nagreresulta sa unpleasant mushy texture at nakababawas sa antioxidant properties nito.
Kaya importanteng lutuin ang corn sa saktong oras.
Hindi rin dapat sobrang dami ng tubig.
Mapapansin na ang inilalakong corn ay halos pinasisingawan (steam) lang ang pagluluto.
Lagyan din ang tubig ng konting asin bilang pampalasa.
Again, huwag kalimutan na ang tagal ng pagluluto ay batay sa freshness, size, type, at kung gaano karami ang lulutuin.
Ang typical boil point ng tubig para maluto ang corn ay 100°C.
Naririto ang usual duration ng high-level boiling para sa iba’t ibang klase ng uncooked corn:
Corn type Boil time
Unhusked fresh corn 10 minutes
Husked fresh corn 2–5 minutes
Frozen corn cobs 5–8 minutes
Frozen corn kernels 2–3 minutes
Read: Tinapang Manok: Culinary tales from Bulacan and Pangasinan
HOW TO BOIL FRESH CORN
Mas maikli ang cooking time ng fresh corn.
Generally, ang sweet corn ay dapat pakuluan nang hindi lalampas sa five to 10 minuto.

Kapag sariwang-sariwa ang corn, mas mabilis itong maluto dahil sa mataas nitong moisture content.
Huwag masyadong dadamihan ang piraso ng mais sa pot para mas pantay o sabay-sabay ang pagkaluto ng mga ito.
Read: TIPS: Health benefits of eating leftover rice
COOKING TIME FOR HUSKED VS. UNHUSKED CORN
Ang isa pang factor na nakakaapekto sa cooking time ng corn ay kung mayroon pa itong husk o balat.
Mas matagal iluto ang mais kapag mayroong husk.

May dalawang paraan ng pagluluto ang unhusked corn.
Una, ilagay ito sa boiling water at hayaan sa loob ng 10 minuto.
Pangalawa, lagyan ng takip ang pot at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto. Sa ganitong paraan, mas tender at malinamnam ang boiled corn.
Kapag naluto na, hayaan munang lumamig bago tanggalan ng husk.
Samantala, kung natalupan na ang mais (husked) na iluluto, ilagay sa boiling water at hanguin makaraan ang dalawa hanggang limang minuto.
Read: TIPS: How to keep peanut butter fresh after opening the jar
HOW TO BOIL FROZEN CORN
Kung marami kang binili na corn, ilagay sa freezer ang sobra para manatiling sariwa.
Kapag iluluto ang frozen corn, hindi dapat lumampas ang pagpapakulo sa 10 minuto.
Laging tatandaan na nagiging soggy ang mga butil ng mais kapag napasobra ng luto.
Para maiwasan ang overcooking, lagyan ng tubig ang hanggang kalahati ng pot at pakuluin.
Kapag kumulo na, ilagay ang frozen corn at mag-set ng timer para eksakto ang tagal ng pagluluto.
Read: Tinola now included in Hawaii public schools’ lunches
HOW TO REHEAT BOILED CORN
Sa pagre-reheat ng boiled corn, balutan ito ng foil, lagyan ng butter, salt, pepper, at isang kutsarita ng tubig o gatas, saka isalang sa oven.
I-bake ito sa oven sa temperature na 350ºF o 176ºC sa loob ng lima hanggang pitong minuto.
Kung walang oven, ipainit na lang muli sa pot sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.
Kung sa microwave, ilagay sa microwave-safe plate ang corn, lagyan ng konting tubig at takpan.
Ilagay ang setting sa high at i-microwave sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.
Read: Tips: How to cook omelet using a microwave oven
HEALTH BENEFITS OF CORN
Masustansiya ang corn kung kakainin in moderation.
Bilang whole grain, mayaman ito sa fiber, vitamins, and antioxidants.
Nakakatulong din ito sa digestion pati na rin sa eye and heart health.
Gayunpaman, dahil isa itong starchy vegetable, napapataas nito ang blood sugar kapag nasobrahan ng kain.
Kaya kahit paborito ito, always eat in moderation.
