Tuwing November 1, ginugunita ang Undas o All Saints’ Day sa Pilipinas.
Kinabukasan naman ang All Souls’ Day.
At kaakibat ng tradisyon sa pag-alala ng mga Pinoy sa kanilang mga mahal sa buhay ay pagkain.
Bukod sa pag-aalay ng bulaklak at pagsisindi ng kandila sa mga puntod, naghahanda rin ng pagkain para sa mga patay.
Atang ang tawag ng mga Ilocano, alay sa Tagalog, at halad sa mga Cebuano.
Ayon sa Asianews.com, sa pag-aaral ni Jeff Clyde Corpuz, senior lecturer ng theology at religious education sa De La Salle University, ang atang ay may katulad na tradisyon sa ibang bansa tulad ng Mexico, China, Japan, Vietnam, Indonesia, at Thailand.
Read: Three regrets of other homeowners after construction
FOOD OFFERINGS
Ang mga taga-Ilocos at Cordillera ay naghahanda ng mga pagkaing gawa sa kaning malagkit o giniling na bigas, tulad ng suman, dudul, linapet, baduya, patopat, balisongsong o kaya naman ay busi (caramelized popped rice).
Mayroon ding mga linga (black sesame seeds), malagkit na bigas na nilahukan ng kakang gata, at bagas o bigas na hinulma sa hugis ng krus at nilalagyan ng sariwang itlog sa ibabaw.
Paliwanag ni Cultural Anthropologist Prof. Nestor Castro, PHD, minana pa sa ating mga ninuno ang paghahain ng mga kakanin tuwing Undas, at partikular ang pagiging sikat ng mga kakanin sa ganitong panahon.
“Sa pamamagitan ng pagiging dikit-dikit nito dahil nga malagkit, ay nagkakabuklod-buklod ang naiwan ng mga yumao,” ani Castro sa ulat ni Winnie Cordero sa kanyang TV Patrol report noong 2024.

Read: Vet sheds light on video of aggressive cat attacking fur parent
Food for the "Soul"
Mahaba naman ang hanay ng mga pagkaing inihahanda hindi lamang para sa mga patay kundi maging sa mga buhay.
Ang Undas ay pagkakataon din upang magkasama-sama ang mga pamilya.
Sa ganitong pagtitipon, patok pa rin ang mga kakaning gawa sa malagkit, tulad ng suman, biko, sapin-sapin, kalamay, at palitaw, gayundin ang pansit, lumpiang shanghai, dinuguan at puto, menudo, at iba pa.
Dagdag ni Castro: “Yung iba, hindi lang talaga kinakain sa pagtitipon ito kundi inilalagay pa mismo sa puntod yung mga pagkain, at yung iba naman, nilalagay sa altar.”
Karaniwan ang pag-aalay ng mga pagkaing paborito ng yumao.
Dahil dito ay para na ring reunion ang paggunita sa Undas.
PANGASINENSE'S INLUBI
Ang mga taga-Pangasinan ay may nilulutong itim na kakanin tuwing Undas.
Tinatawag itong inlubi, na mula sa sunog na glutinous rice na deremen.
Inaani ito tuwing Oktubre.
OTHER Undas Traditions
Samantala, may iba't ibang kaugalian din tungkol sa kandila.
Sa mga sementeryo sa Sagada, Mountain Province, nagsisindi ng pine wood, locally known as saeng.
Ito ay ritwal na tinatawag na “panag-apoy," at nagsisimula sa banal na misa, kunsaan binabasbasan ang mga saeng.
Kung bakit pinewood ang ginagamit, ay simple lamang umano ang dahilan: “pinewood can withstand the strong winds in that mountain town,” saad sa isang artikulong inilathala sa Manila Bulletin.
Bukod sa kandila o insenso, mayroon ding naglalagay ng sigarilyo, tobacco, alak, at iba pa.
Ang nasa likod ng mga tradisyong ito tuwing Undas ay ang paniniwalang dumadalaw ang mga kaluluwa ng mga patay sa mundo ng mga buhay.
Nililinis ang kanilang mga puntod, pinipinturahan ang mga lapida nila, at inaalayan ng kandila, bulaklak, at pagkain.
Pagpapahalaga ito sa mga yumao at naiwang alaala, at pagpapakitang mabuti ang lagay ng kanilang mga naiwan.
Main photo courtesy of angsarap.net.