PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Which country is the biggest consumer of instant noodles?

No, it's not Japan or South Korea.
by Bernie V. Franco
Published Nov 3, 2025
pancit canton
You think Japan or South Korea is the biggest consumer of noodles? Nope--not according to the World Instant Noodles Association (WINA).
PHOTO/S: Canva

Ang Asian continent ang pinakamalaking consumer ng noodles dahil malaking bahagi ito ng kultura ng China, Japan, South Korea, pati na rin ng mga bansa sa Southeast Asia.

Sa Japan naimbento ng Momofuku Ando of Nissin Foods ang instant noodles.

Inilunsad ito noong 1958 gamit ang brand name na Chikin Ramen.

Ayon sa website ng Nissin, naging popular ang instant noodles sa U.S. noong 1960s, and, eventually, sumikat din sa Pilipinas.

Bukod sa madali kasing ihanda, masarap pa.

Pero sa dami ng Asian countries, kung saan staple ang instant noodles, alin kaya sa mga ito ang nangunguna pagdating sa consumption?

instant noodles
The Philippines is included in the list of the Top 10 countries which are the biggest consumers of instant noodles.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman cries foul over rude treatment by BIR employee

TOP INSTANT NOODLES CONSUMERS

Kung ang top choice ninyo ay Japan o South Korea, nagkakamali kayo.

Dahil ang top country pagdating sa instant noodles consumption for the year 2024 ay Vietnam, ayon sa World Instant Noodles Association (WINA).

Ang WINA ay organization ng instant noodles manufacturers na binuo noong 1997. Nakabase ito sa Osaka, Japan.

Sa website ng WINA, binanggit dito na ang basehan ng poll ay servings eaten per person per year.

Ang top three countries sa listahan ay Vietnam, na may average 81 servings per person kada taon; sinundan ng South Korea, na may average na 79 servings; pangatlo ang Thailand, na may 57 servings per person kada taon.

Nasa pang-apat na puwesto ang Nepal (54) at panlima ang Indonesia (52).

Ang iba pang bumubuo sa Top 10 ay ang mga sumusunod: Japan (47), Malaysia (47), Taiwan (40), Pilipinas (39), at panghuli ang China at Hong Kong (31).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating nangunguna sa poll ang South Korea hanggang 2020, subalit naungusan ito ng Vietnam simula 2021, ulat ng The Korea Times.

Read: A guide to pre-terminating MP2 savings without penalty

THE DANGERS OF EATING INSTANT NOODLES

Samantala, patuloy ang reminder sa publiko tungkol sa sobrang pagkain ng instant noodles.

Una, mataas kasi ang sodium at monosodiun glutamate content ng seasoning sachets nito.

Pangalawa, bilang processed food, sumailalim ito sa deep frying para i-dehydrate ang noodles. Ang "unhealthy oil" na ginagamit sa pagpiprito ang nagiging sanhi ng pagtaas ng saturated fat content, na nagreresulta sa bad cholesterol.

Karamihan din sa instant noodles ay gawa sa white wheat flour na mataas naman sa glycemic index.

Bilang pangontra sa masamang epekto ng pagkain ng instant noodles sa katawan, inirerekomenda ng mga nutritionists ang pagdadagdag ng fiber tulad ng mga gulay.

Nakaugalian na rin ng marami ang paglalagay ng itlog sa instant noodles para mayroong protein source.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakatulong kasi ang additional dietary fiber at protein para pabagalin ang carbohydrate absorption at ma-regulate ang pagtaas ng blood sugar sa katawan.

pancit canton
Nutritionists advise adding dietary fiber and protein to your instant noodles to balance out its harmful effects to the body.
Photo/s: Canva

Puwede ring magdagdag ng toge na mayaman sa fiber at protein.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puwede ring kimchi, na siyang dinadagdag ng mga South Koreans, dahil mayaman ito probiotics, vitamins, minerals, at pati na rin fiber.

Advisable ang pagdadagdag ng fiber- at protein-rich ingredients sa instant noodle lalo na sa mga prediabetic.

Nakakatulong naman ang potassium mula sa gulay para matanggal ang sodium sa katawan.

Pero hindi pa rin advisable na kumain ng instant noodles lagi-lagi.

Eat in moderation pa rin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
You think Japan or South Korea is the biggest consumer of noodles? Nope--not according to the World Instant Noodles Association (WINA).
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results