PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What should be sauteed first: onion or garlic?

Pinoys saute garlic first, but Westerners start with onion.
by Bernie V. Franco
Published Nov 12, 2025
onion saute
Which do you saute first: onion or garlic? Comments from netizens reveal that everyone has their own reason for choosing which to saute first.
PHOTO/S: Canva

Ang sibuyas at bawang ay dalawang main ingredients sa paggigisa o sauté sa pagluluto.

Ang dalawa ay pareho ring allium, mga genus plants o magkamag-anak na halaman na kinabibilangan din ng leeks, shallots, scallions, at chives.

Taglay ng mga allium plants ang sulfides na derivatives ng sulfur.

Ang sulfides ang siyang responsable sa masarap na amoy kapag niluluto ang mga ito at ang dahilan kaya nakakaranas ng hapdi sa mga mata. Nagtataglay din ito ng health benefits.

Ang paggigisa ay essential first step sa paghahanda ng maraming pagkaing Pinoy.

Lumaki tayong pamilyar sa mabango at aromatic na amoy ng iginigisang bawang at sibuyas.

Pero ano ba ang unang nilalagay sa kawali—sibuyas o bawang?

Sa artikulong lumabas sa foodfireknives.com, isang network ng culinary professionals sa U.S., binanggit na dapat mauna ang sibuyas.

Ang ibinigay na rason, mas matagal kasing lutuin ang sibuyas para ma-achieve ang pagiging translucent nito, habang mas mabilis maluto ang bawang kaya mas madali itong masunog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bangungot para sa kahit na sinong nagluluto ang masunugan ng bawang dahil nagiging mapait ang niluluto.

Ayon sa artikulo, matutukoy kung luto na ang bawang kapag ito ay naging golden brown. Ito rin ang hudyat para isunod agad ang next ingredient.

Sa isang forum site, tinanong kung ano ang dapat na unang iginigisa, marami ang sumagot ng sibuyas.

Paliwanag ng isa, mas matagal lutuin ang sibuyas upang ito ay mag-caramelize, lumabas ang sweetness, at humalo sa oil.

Kapag nais naman daw unahin ang bawang, bigyan lamang ito ng 10 to 20 seconds para maluto.

May nagsabi namang kung uunahin ang bawang, tiyaking kontrolado ang lakas ng apoy para maiwasan ang pagkasunog.

garlic saute
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DOST reacts to claims Sierra Madre shields Luzon from typhoons

NETIZENS REACT

Sa isang food community sa Facebook, isang member ang nag-post ng same question.

Higit isang libo ang nagkomento at sumagot. Indikasyong simpleng hakbang man ito sa pagluluto, malaki ang kinalaman nito sa kalalabasan ng niluluto.

Marami sa kanila ang nagsabing sibuyas ang unang ginigisa.

onion first comment 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



onion first comment 2
Onion first comment 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Onion first 5

Marami rin ang sumagot na bawang.

Simple lamang ang kanilang paliwanag—ito raw ang nakagisnan nila mula sa mga magulang o nakatatanda.

Tipikal din daw sa panlasang Pinoy ang mabawang na pagkain, na sadyang mas malasa kapag ito ang inunang igisa.

Ang tip ng isang netizen: “Garlic first but don’t let it burn, [followed] by onion just after a few seconds.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito, kapag inuna raw ang sibuyas, hindi nagiging brown ang bawang at hindi lumulutong.

Garlic first 1
Garlic first 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang nagpakilalang chef ang nagkomentong, “I always start with garlic.”

Mas nangingibabaw raw kasi ang garlic flavor kapag ito ang inunang iginisa.

Kung masunog man daw ang bawang, ibig sabihin ay masyadong malakas ang apoy o kaya ay hindi nakatuon ang pansin ng nagluluto sa kanyang ginagawa.

Garlic first 3

Pagdating sa Asian dishes, inuuna raw ang bawang dahil mas mahilig sila, lalo na ang mga Pinoy, sa bawang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isang nagkomento: “Filipinos love their dishes garlicky, it’s usually our main ingredient while [for] others, it can be overpowering to their dishes.”

garlic, onion

May nag-point out na inuuna sa French at Western cooking ang sibuyas dahil ayaw ng foreigners ang strong taste ng bawang.

“Meanwhile… in Filipino and Asian cooking as well as some Latin American, garlic is king.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And Pinoys aren’t afraid of toasting them.”

Sabi pa nito, “[W]hen you choose onion, you don’t get to risk burning the garlic. But the garlic will not turn into that crunchy golden brown favorite.

“If you choose garlic first, you won’t be able to achieve that transparency cooked consistency with the onion. Because the garlic will burn before than happens.”

garlic, onion saute
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan na nagsabing ang nakagisnan nila ay inuuna ang bawang, subalit kalaunan ay naging sibuyas dahil sa impluwensiya ng mga chefs o cooking shows na kanilang napapanood.

switch 1
switch 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroong mga sumagot na sabay nilang iginigisa ang sibuyas, bawang, pati na rin ang luya.

Katuwiran ng netizen: “When I sauté, it’s always with 3 ingredients garlic, onion and ginger all together in hot oil.

“I guess it really does not matter.”

Samantala, ang unang itinuro ng kanyang ina at lola sa isang ginang ay unahin ang bawang.

Subalit kalaunan, may napagtanto raw siya: “But come to think of it, it matters little, just as long as both get cooked well. I’d even saute both at the same time.”

sabay saute 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
saute sabay 2
sabay saute 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sabay saute 4

Sa mga ayaw namang masunugan ng bawang, ibinahagi ng isang netizen na hinahango muna niya ang naigisang bawang mula sa kawali, saka igigisa ang sibuyas.

Kapag luto na ang sibuyas ay isasama niya ulit ang nilutong bawang at ilalagay ang sunod na sangkap.

In the end, depende sa taste preference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alinman sa dalawa ang gusto mong mas malasa, unahing igisa ito.

Kung nagmamadali ka, puwede ring sabay na.

Pero huwag pabayaan ang paggigisa at hinay-hinay sa apoy kung ayaw natin silang masunog.

Read: Why Malunggay is called the Miracle Tree

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Which do you saute first: onion or garlic? Comments from netizens reveal that everyone has their own reason for choosing which to saute first.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results