PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wagyu now being locally produced in South Cotabato

Did you know there’s a farm in Mindanao that raises Wagyu cattle?
by Bernie V. Franco
Published Nov 14, 2025
cow, wagyu
PHILIPPINE-PRODUCED WAGYU BEEF. A farmer in South Cotabato discovered a way to raise Wagyu cattle in a tropical country like the Philippines. Here's how.
PHOTO/S: Great Arch Farm ni Kabakang Arnel on YouTube

Wagyu meat na locally produced?

Sa maniwala kayo at sa hindi, ang Pilipinas ay one-step closer para ma-achieve ito sa ating beef market industry.

Ang Wagyu ay isang uri ng Japanese beef na kilala sa napakamahal nitong presyo.

Ang karne nito ay may marbling o intramuscular fat sa mismong beef, na siyang factor para maging sobrang tender nito.

Bukod sa Japan, ang Australia ay may malaking produksiyon din ng Wagyu.

Ang mga cattles ay kadalasang nagta-thrive sa malalamig na lugar, kaya’t mahirap mag-breedang ganitong baka sa tropical countries tulad ng Pilipinas.

Pero may ilang Filipino farmers na nakaisip ng paraan para maka-survive ang Wagyu cattle sa bansa—via crossbreeding.

Ito ang ginawa ni Arnel Corpuz sa kanyang cattle farm sa South Cotabato.

Ang kanilang mga baka ay crossbreed ng pure-breed Wagyu at pure-breed Brahman, ang local cattle sa Pilipinas.

“...The pure-breed wagyu could thrive in a tropical condition if properly acclimated.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The way we do it in the Philippines is crossbreed it with Brahman, or yung tinatawag nating local cattle, yung native.

"That will give them a very good chance of thriving in a tropical condition," ani Corpuz sa ulat ng One PH.

Sa pag-aalaga ng Wagyu-Brahman crossbred cattle, kailangan ang tamang pamamaraan para maging kalidad ang karne.

Ang mga crossbreeds na ito ay may access sa pagkain 22 hours a day at hindi nawawalan ng inuming tubig.

“Pakainin mo nang maayos. Bigyan mo ng tubig 24/7, it will produce… at least, magkaroon siya ng intramuscular fat, which is the marbling,” ani Corpuz.

“It might be a long shot, but I hope that time will come that the Filipinos will produce same quality of beef at any given time, para naman yung restaurants natin, yung tourism natin, when it comes to food, ay magkaroon ng magandang laban sa imported produce.”

Ibinebenta nina Corpuz ng kanilang beef sa halagang PHP1,500-PHP3,500 kada kilo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang live cattle naman nila ay naibebenta nila ng PHP150,000-PHP250,000.

cows
There is a livestock farm in South Cotabato that houses a mixed breed of Wagyu cattle and Brahman cattle.
Photo/s: Great Arch Farm ni Kabakang Arnel on YouTube

Read: Netizens argue about what should be sautéed first: onion or garlic?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WAGYU BEEF IN SOUTH COTABATO

Idinetalye ni Corpuz ang tungkol sa Wagyu-Brahma crossbred cattle sa YouTube channel ng kanilang farm, ang Great Arch Farm, na located sa Polomolok, South Cotabato.

Bungad ni Corpuz, malaking hamon sa mga food businesses ang paghahanap ng consistent quality beef.

“Nakakalungkot pero aminin po natin, sadyang matitigas ang karne ng baka na napoprodyus po natin sa Pilipinas, dahil nga po dominante po ng ating lahi ang tinatawag nating Brahman,” aniya sa YouTube video noong Mayo 2024.

Ipinakita niya ang kural sa kanilang farm na kinalalagyan ng kanilang Wagyu-Brahman crossbreeds na baka.

Saad pa niya, may perception na hindi puwedeng mag-breed ng Wagyu dahil sa mainit na klima sa South Cotabato.”

Pero nagawa ni Corpuz ang cross-breeding ng pure breed na Wagyu at Brahman.

“Ang kagandahan po ng pag-cross ng Wagyu sa Brahman ay ang strength po sa kanilang genetics, kasi alam niyo po ang Brahman ay lumalaban po iyan kahit gaano kainit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita sa video na ang mga crossbred cattle ay walang silungan, pero nabubuhay, patunay na tagumpay ang crossbreeding nina Corpuz.

Paano nagawa ang crossbreeding?

Sa pamamagitan ito ng genetics ng Wagyu cattle na available sa Department of Agriculture na ipupunla sa female Brahman cattle.

Sabi pa ni Corpuz, ang isa pang paraan ay ang backcrossing, na paraan ng breeding sa pamamagitan ng pagbi-breed ng hybrid offsprings sa recurrent parent nito.

Sa pamamagitan nito, gumaganda ang kalidad ng karne.

“Pag kinross [breed] po natin yung Wagyu sa Brahman ay magkakaroon po tayo ng isang lahi na hindi po natin poproblemahin kung paano po mag-survive,” aniya.

Nadadala rin daw ng kanilang crossbreeds ang pagiging disease-resistant ng Brahman cattle.

“Okay po tayo diyan, hindi po madaling mahawaan ng sakit o magkasakit,” aniya.

Ang tanong, dahil hindi naman purong Wagyu ang kanilang mga baka, ano ang kalidad ng kanilang beef?

Ani Corpuz: “Ang pinakamatigas na karne ng baka ay lahi ng Brahman, at pinakamalambot naman sa buong mundo ay yung Wagyu, kaya ang gagawin po natin, iko-kross ang pinakamatigas sa pinakamalambot… gaganda ang quality.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Corpuz, di hamak na mas maganda ang karne ng kanilang crossbreed sa Brahman beef, pero hindi nito kapantay ang kalidad ng Wagyu beef.

So ang texture raw ng meat ay kaparehas ng sa Angus beef, na kilala rin bilang top quality meat na mayroon ding marbling, saka malambot at masarap.

Yun nga lang, mas mababang klase ito kumpara sa Wagyu na itinuturing na superior quality.

Pagmamalaki ni Corpuz: “Puwede po natin itong ilaban sa Angus ng amerika, yung kanyang quality. Siguro ay hindi pa po natin mapapantayan yung Wagyu meat na napoprodyus ng Australia at Japan, pero ito pong karne na ito ay hindi nalalayo sa Angus galing sa Amerika.”

Si Corpuz ay may karanasan sa pagpapalaki ng mga baka sa Queensland, Australia.

Aminado siyang wala silang teknolohiya na ginagamit sa feedlot o bakahan sa Queensland, pero nakuha niya ang kaalaman sa pagpapalaki ng Wagyu cattle.

“Base po sa aking karanasan I used to manage Goonoo Feedlot, na pagmamay-ari ng Australian agricultural company sa Queensland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napag-aralan ko po doon… yung pagpapalabas ng marbling ay hindi lamang po sa genetics. Sa aking experience, kalahati diyan ay genetics, pero kalahati para lumabas ang marbling ay technique sa pakain. Alam na po natin ang technique na iyan,” sabi niya.

Paliwanag ni Corpuz, isang malaking step na ito pagdating sa cattle industry sa Pilipinas.

Bagamat nakakapag-produce na ng kalidad na beef ay aminado siyang mabagal pa rin ang kanilang produksyon.

Gayunpaman, umaasa siyang mapapansin ng pamahalaan at pati na rin sa social media ang mga initiatives ng kanyang kumpanya para maisulong ang livestock industry.

Nabanggit ni Corpuz na nasimulan na nila ito sa pamamagitan ng pag-a-apply ng ganitong pamamaraan sa Ilocos Norte.

Hangad niyang mas mapalaganap pa ang crossbreeds sa bansa para mas may better access ang Pilipinas sa kalidad na beef.

Read: Architect gives tips on how to make roofs withstand typhoons

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHILIPPINE-PRODUCED WAGYU BEEF. A farmer in South Cotabato discovered a way to raise Wagyu cattle in a tropical country like the Philippines. Here's how.
PHOTO/S: Great Arch Farm ni Kabakang Arnel on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results