Nagwagi ang dinorado—isang rice variety na na-develop sa Pilipinas—ng silver award sa ginanap na World’s Best Rice 2025 Awards.
Iniulat ito ng Facebook page na Turismo Central Luzon ngayong November 13, 2025.
Pumangalawa ang dinorado sa mga variety ng bigas mula sa Vietnam at Cambodia sa ginanap na World Rice Conference sa Phnom Penh, Cambodia, mula November 7 to 9.

Hinusgahan ang mga kalahok na rice varieties batay sa kanilang aroma, taste, texture, and grain shape.
Naging punong hurado si Chef Robert Nieto, mas kilala bilang Chef Buttercup at kasalukuyang “Lord of Rice.”
Ang dinorado o ang PhilRice-bred NSIC Rc 218 SR (Mabango 3) ay nanalo dahil sa malambot nitong texture, mabangong kalidad, at magagandang butil.
Read: What should be sauteed first: onion or garlic?
DINORADO IS LOCALLY DEVELOPED
Sina Thelma F. Padolina at Emily R. Arocena ang nag-develop ng binhi ng dinorado sa Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice).
Noong 2009, pormal itong inaprubahan para sa commercial cultivation.
Isa ang dinorado sa katibayan ng mahigit 40 years na commitment ng PhilRice na maka-develop ng high-yielding, quality, and climate-resilient rice.
Read: Why Malunggay is called the Miracle Tree
CHARACTERISTICS OF DINORADO RICE
Paboritong itanim ng mga magsasakang Pilipino ang dinorado dahil nakakapag-ani sila ng hanggang walong toneladang palay kada ektarya.
Maaari na rin itong anihin makalipas lang ang 120 days.

Ang ibang variety ng palay ay inaabot ng 150 days bago anihin.
Tumataas ito nang hanggang 106 centimeters, mas mataas kumpara sa ibang rice varieties kaya mainam itanim sa mga lugar na prone sa pagbaha.
Ang butil nito ay maputi, mahaba, makinis, at makintab.
Kapag isinaing, malambot, medyo malagkit, at masarap nguyain ang dinorado.
Manamis-namis din ito at mabango na parang may hint ng hinog na mangga.
Masarap itong kasabay ng iba’t ibang Filipino dishes.
Mainam ding gawing fried rice ang bahaw na dinorado.
Read: Which makes grilled food taste better: charcoal or gas?
DINORADO TO TAKE THE TOP SPOT IN FUTURE COMPETITIONS?
Isinumite ang dinorado sa kumpetisyon ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), ang promoter ng locally produced premium rice sa global markets.
Ayon kay PRISM founder Rowena Sadicon: “It shows that the Philippines is not only a rice importer but also capable of producing world-class, sustainable, and export-quality rice.”
Umaasa ang grupo na makukuha ng dinorado ang top spot sa mga susunod na kumpetisyon.
Noong isang taon kasi, nasa ikatlong puwesto ito.
Ang kumpetisyon ngayong taon ay bahagi ng 17th World Rice Conference na inorganisa ng The Rice Trader.
Ang rice varieties ay pinili mula sa mahigit 30 entries mula sa iba’t ibang bansa na kinabibilangan din ng Thailand, India, at Australia.
Read: Which country is the biggest consumer of instant noodles?
