PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chai Tanawan: Physics teacher finds success in Silvanas business

This Physics teacher's life changed when she started her Silvanas business.
by Bernie V. Franco
Published Nov 18, 2025
Silvanas
Chai Tanawan (inset, left photo) used to be a physics teacher, but was forced to venture into the food business, making products such as silvanas, to raise money for her child with a health condition. Over time, she was able to earn enough to support her child’s recovery. As a big bonus, her silvanas business flourished and now provides a better life for her family.
PHOTO/S: Biba Cakes and Pastries on Facebook

Sa loob ng 16 years, nagsilbing full-time teacher si Charish “Chai” Tanawan sa isang school sa Maynila.

Maayos naman ang buhay niya at ng kanyang pamilya, subalit dahil sa sakit ng kanyang bunsong anak, kinailangan niyang humanap ng mapagkakakitaan.

Nagtayo siya ng negosyo na ang pangunahing dahilan ay makaipon ng pampagamot sa anak.

Pero ang pagkakataong ito ang naging daan para umayos at guminhawa ang kanilang buhay.

Read: Why 3 guys quit the corporate world and built a business for pets

FROM TEACHER TO BAKER

Nagtapos sa college si Chai sa pamamagitan ng pagkuha ng scholarship sa tulong ng Commission on Higher Education, pagbabahagi niya sa DTI Asenso Pilipino interview noong September 2025.

Pero bata pa lamang siya, nahilig na siya sa pagbi-bake.

“My mom loves to bake, loves to cook. Ako yung anak niya na laging nasa kusina. Mahilig akong kumain, mahilig akong tumikim. So tinuruan niya ako. Nag-help ako sa kanya mag-bake.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang maka-graduate siya sa kolehiyo noong 2000, nagturo na siya ng Physics hanggang 2016.

Ang nag-encourage sa kanya na simulan ang baking business ay ang kanyang mister na engineer at business-minded.

“So sabi niya, ‘Magaling kang mag-bake.’ ‘Tapos gumawa kami ng cake para sa first birthday ng anak namin.”

Sinimulan nila ang business venture sa pamamagitan ng pagkuha ng orders mula sa mga kakilala.

Taong 2010, nabuntis si Chai sa pangalawa niyang anak.

Pero sa eighth month ng kanyang pagbubuntis, na-diagnose na may congenital heart disease ang sanggol: may butas ang walls ng puso nito.

Mas nagpursige sina Chai na pag-igihan pa ang pinasok na negosyo.

Sabi niya, sapat ang sweldo nilang mag-asawa para sa komportableng buhay.

Pero kinailangan nilang mag-doble kayod dahil sa PHP1.5-PHP2 million na gagastusin para sa operasyon ng kanilang anak.

Kuwento ni Chai, kinuwestiyon pa raw niya noon ang Diyos dahil sa naging kondisyon ng kanyang anak. Inalagaan naman daw niya ang pagbubuntis niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa huli, napagtanto niya na paraan ito para ma-realize na mas marami pa pala siyang puwede at kayang gawin.

Nahasa raw ang skills niya sa baking at sa pagde-decorate ng cake.

Pumasok ang kita, subalit nanatiling simple ang kanilang pamumuhay para makaipon sila at maipagamot ang anak.

Sa umaga, Physics teacher si Chai at engineer naman ang mister niya.

Subalit sa gabi ay nagbi-bake at nagde-decorate sila ng cakes.

Binanggit ni Chai na sa kabila ng problema at hirap na nararanasan, malaking bagay na supportive ang kanyang mister.

Sa pagsisipag at pagsa-sideline bilang baker, higit pa sa kinakailangang PHP1.5 million ang naipon nina Chai. Naipagamot nila ang ang kanilang anak.

Silvanas
Chai Tanawan's Silvanas business is thriving
Photo/s: Biba Cakes and Pastries on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FULL-TIME BUSINESSWOMAN

Matapos ang maraming taong pagtuturo, nag-early retirement si Chai at lumipat ang kanyang pamilya sa Morong, Rizal.

Nagtayo sila ng baking supplies store noong 2016, at nagsimulang tumanggap ng customized cake orders.

Pero sa sumunod na taon, nagsara sila. Napagtanto niyang hindi siya marunong magpatakbo ng negosyo.

“Dun ko na-realize na I need mentorship,” pag-amin ni Chai.

Nag-enroll siya sa Department of Trade and Industry (DTI) at kumuha ng crash course para sa entrepreneurship.

Dito natuto si Chai ng entrepreneurial mindsetting, marketing, branding, finance, at iba pa.

Sa crash course, itinuro kina Chai na mag-focus muna sa paggawa ng isang produkto kunsaan sila makikilala.

Naisip niya ang Silvanas, pero alam niyang hindi ito madaling gawin.

Itinuro rin sa kanila na maging “innovative” pagdating sa kanilang produkto.

Sabi ni Chai, “Not necessarily na new product but old-fashioned product, pero gusto ko Filipino-made.”

Ang kanyang Silvana recipe ay mula lamang sa leaflet ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC), na ngayon ay Technology Resource Center, isang government agency na focused sa business and livelihood training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya sa nakitang recipe: “Pinalitan ko lang, ni-revolutionize ko lang. I changed, instead of margarine, I used quality butter. ‘Tapos nagdagdag kami ng mga flavors.”

May kuwento rin siya tungkol sa size ng kanyang Silvanas.

“’Yung staff ko… medyo perfection kasi ako… three inches dapat yung bilog. Nag-pipe siya, out of frustration, ng maliliit.”

Sa halip na magalit si Chai, ipina-bake niya ang mga ito para hindi masayang ang ingredients.

“Dun nagka-moment… na paglabas niya ng oven sabi ko, ‘Uy, puwede. This is it. This is the innovative [product].”

Pumatok ang negosyo ni Chai.

Inakala pa nga raw niyang ang customized cake at resto business ang papatok.

“Not in my wildest dream. Talagang parang feeling ko noon nung nag-restaurant kami doon kami yayaman. Yun pala, hindi. So, manufacturing pala kami. So, dun na kami nag-focus. Then we invented other flavors na for the Silvanas.

Gumawa sila ng iba't ibang flavors, tulad ng cashew, pistachio, coffee hazelnut, caramel walnut, chocolate almond, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang patunay na masarap ang Silvanas products nila, ikinuwento ni Chai na sa kauna-unahang trade fair na sinalihan nila sa DTI, gumawa sila ng 200 boxes para sa tatlong araw. Naubos ito sa maghapon.

Nang i-launch nila ang produkto noong 2019, nakabenta sila ng 11,000 boxes sa loob ng anim na buwan.

Isang restaurant business din ang kinuha sila bilang commissary para sa mga Silvanas ni Chai.

“[In) 2023, Cabalen discovered us after a few days after the national food fair. They contacted me for taste-tesing, and then they told me pasado na for them.”

Binanggit ni Chai ang malaking tulong ng DTI sa kanyang business, tulad ng pagli-link sa iba pang government agencies para matulungan ang kanyang business.

Kabilang dito ang Department of Science and Technology, na tumulong—nang walang interest—sa start-up equipment, tulad ng big ovens, glass freezers, at molds.

Nai-link din sila sa Food and Drug Authority at nakuha ang FDA approval noong 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa negosyong Silvanas, nabayaran nina Chai ang kanilang mga utang, nakapagpatayo ng AirBnB, at solar energy system service.

Silvanas
Chai has come up with a line of Silvanas with different flavors.
Photo/s: Biba Cakes and Pastries on Facebook

Read: Muscle men in Japan now being hired as caregivers

BUSINESS ADVICE

Sa pamamagitan ng direct messaging, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chai ngayong Lunes, November 17, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Chai, 46, nagturo siya ng Physics sa Mapua University (dating Mapua Institute of Technology) mula 2000 hanggang 2016.

Hindi rin overnight ang kanilang success dahil sinimulan nila ang pagnenegosyo noong 2008.

“Madami na din kaming lessons na natutunan through our failures,” sabi niya.

Inamin niyang mas nakaluluwag-luwag na sila sa buhay ngayon.

Nakapagpatayo na sila ng vacation home na may dalawang cabins.

May isa pa silang venture, ang Solarizal, na aniya ay “our solar panel installation, cleaning, and maintenance.”

Nag-aaral ang kanyang panganay sa De La Salle sa Taft, habang ang bunso ay sa San Beda University sa Taytay.

Mayroon din silang isang sasakyan at ang iba pa ay ginagamit para sa delivery needs ng kanilang negosyo.

Ani Chai, “Sa mga gustong magnegosyo, start anyway. Lahat tayo, may doubts, pero you’ll never know your full potential if you don’t take that first step."

Narito ang tatlo pa niyang business advice:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  1. Start it now. Yung business idea mo today—kapag hindi mo sinimulan, someone else might already be working on it. Sayang ang opportunity na para sana sa iyo
  2. Start small. Dahan-dahan pero calculated. Hindi kailangang biglaan o perfect. What matters is consistent, intentional progress.
  3. Ask for help. Seek mentorship. Maraming programs ang DTI—lalo na ang DTI Rizal na talagang nag-aassist sa amin—na sobrang nakatulong at nag-guide sa’kin through KMME, OTOP, linkages to DOST, DOLE, FDA, at marketing venues like the National Food Fairs.

Binanggit din niya ang pag-a-avail sa aid ng local government units para sa mga entrepeneurs.

“Your fears and doubts are valid but always choose to believe in yourself. Your dreams are valid too, don't miss out the opportunity.

“Choose to move forward kahit paunti-unti. One day, you’ll thank yourself for doing it.”

Ang manufacturing facility at store nina Chai ay nasa 489 Bautista St., Bombongan Morong, Rizal.

Available din product nila sa food establishments sa Rizal tulad ng Café Katerina, Moolk Farm, Guev Cafe +More, Tindahang Rizalenyo, Aljens Shell Store, Eli Coffee, Dairy Box Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabibili rin ng mga ito sa Casa Cabalen sa Pampanga; Nappa Food and Crafts Pasalubong Centers sa Bicol International Airport; Sumlang Lake at Quitinday Hills, na parehong nasa Camalig, Albay.

Maaari ring bumisita sa kanilang Facebook page.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chai Tanawan (inset, left photo) used to be a physics teacher, but was forced to venture into the food business, making products such as silvanas, to raise money for her child with a health condition. Over time, she was able to earn enough to support her child’s recovery. As a big bonus, her silvanas business flourished and now provides a better life for her family.
PHOTO/S: Biba Cakes and Pastries on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results