“Tantiya-tantiya lang.”
Ganito ang pamamaraan ng ilan sa pagtitimpla ng niluluto.
Depende ito sa panlasa, at minsan ay napapasobra.
Paano kung todo ang pagka-asim?
May ilang hack na puwedeng gawin.
Read: DTI nanindigang kasya ang PHP500 budget para sa Noche Buena
hackS TO LESSEN SOURNESS of a dish
SUGAR
Ang karaniwang ginagawa ng ating mga nanay ay naglalagay ng kaunting asukal.
Binanggit ito sa Daily Meal, isang beverage at food website.
Kina-counterbalance ng asukal ang asim, but not in all cases.
Hindi rin puwedeng masobrahan ng asukal dahil magiging matamis ang niluluto.
BAKING SODA
Ang isa pang epektibong hack ay ang paglalagay ng kapiranggot o isang teaspoon ng baking soda o sodium bicarbonate.
“This alkalizes the acidity and neutralizes the flavor palate,” ayon pa rin sa Daily Meal website noong 2023.
Pero hindi puwedeng masobrahan ang paglalagay ng baking soda dahil tatanggalin nito nang tuluyan ang pagkaasim ng dish.
Ayon naman sa Tasting Table, isa ring food website, ang ginagawa ng baking soda ay “neutralizing acidity and balancing the pH levels in the food you've cooked.”
Ang hack na ito ay sinubukan ng kilalang Filipino chef at content creator na si Ninong Ry o Ryan Morales Reyes, sa TikTok video na in-upload niya noong December 2, 2025.
Nagluto siya ng menudo na nasobrahan sa tomato paste.
Saka niya binanggit ang paggamit ng baking soda para ma-neutralize ang acidity.
Hinalong mabuti ni Ninong Ry ang nilulutong menudo matapos ilagay ang baking soda.
Nang tikman ang menudo, nabawasan ang asim dahil sa acid-base reaction.
In his recent TikTok video, Ninong Ry added a small amount of baking soda to a menudo dish that had turned too sour to see if it would neutralize the acidity. Photo/s: Ninong Ry on TikTok
Ang acidity ng menudo ay maaaring galing sa tomato paste, na makikita rin sa lemon o suka, at ang nagsilbing base ay ang baking soda.
Kapag pinaghalo ang acid at base ay ninu-neutralize nila ang isa’t isa at nagkakaroon ng acid-base reaction.
Read: Man dresses up like his dead mother to collect her pension
ALSO EFFECTIVE IN BAKING
Lumalabas na ang hack na ito ay epektibo rin sa baking.
Ang advice ng American cooking content creator na si Mary Bryant Shrader sa kanyang YouTube video noong April 15, 2025, magagamit ito sa sourdough.
“If you’re worried that it may have a little too much of that sourdough flavor, you can always add in about a teaspoon or so of baking soda.”
Ibinahagi ni Mary kung kanino niya natutunan ang hack na ito.
“That is something that James Beard, the famous cookbook author and chef, would write about in his book on bread—that if you add in a teaspoon of baking soda, that’ll help counteract the sourness of the sourdough...”
Si James Beard ay isang kilalang American chef, cookbook author, at TV personality noong 20th century.
