Isang Harvard-and Oxford-trained researcher si Nick Norwitz.
At 30, kilala siyang dalubhasa sa metabolic health.
Isa rin siyang educator na nakabase sa Boston.
Sa ulat ng news website na Fox News last December 2, 2025, sinubukan ni Nick na kumain ng 1,000 sardines sa loob ng isang buwan.

Gusto niyang subukan kung ang nutrient-dense fish ay kayang gayahin ang epekto at benepisyo ng fasting gaya ng pagkabawas ng mga taba sa katawan nang hindi naaapektuhan ang muscles at lakas.
Paliwanag niya: "If I had to eat only one food, it would be sardines.
"When eaten whole, they're nearly complete nutrition: bioavailable protein, quality omega-3, and loads of micronutrients.
“They're also among the lowest mercury fish. You'd need to eat 77 servings of sardines to equal the mercury in one serving of swordfish."
Read: Are canned sardines good for you? Here’s how much to eat
MAN HAS BEEN EATING CANNED SARDINES DAILY SINCE OCTOBER
Ang all-sardine diet ay sinimulan ni Nick noong October.
Araw-araw, kumakain siya ng isang maliit na lata na may lamang tatlo hanggang limang isda.

Ini-record niya ang kanyang timbang, ketones, omega-3 levels, at ang performance niya sa pagwo-workout.
Nitong December ay ini-upload ni Nick sa YouTube ang video ng kanyang journey.
"Sardines—skin, bone, and all— they're nature's protein bar and multivitamin in one.
"I wanted to see if they could deliver the benefits of fasting without the drawbacks.”
Inihambing niya ang pagkain na isda bilang isang “metabolic Swiss Army knife.”
Read: Pokwang addresses people who are "diring-diri" of sardines
MAN ADDS OLIVE OIL TO HIS SARDINES DIET
Sinimulan niya ang diet na sardines lang talaga ang kinakain niya.
Kalaunan ay nagdagdag siya ng olive oil and MCT oil—isang fast-burning fat na mula sa coconut or palm oil.
Karaniwang ginagamit ang MCT oil para ma-boost ang metabolism, at para hindi makaramdam ng panghihina ang isang nagda-diet.
Nagdagdag din siya ng asin para sa electrolytes at mapanatiling hydrated ang katawan.
Paraan din ito upang ma-replenish ang nawawalang sodium sa kanya habang nagbu-burn ng fats at para magkaroon ng energy dahil wala siyang carbohydrate intake.
"Honestly, adding that oil made a world of difference.
"It's been four days since I started adding that olive oil to my diet, and I just feel like night and day more energetic.
"My blood looked more dolphin than human."
Read: PEP Celebrity-Approved Noche Buena dishes
MAN FEELS LIGHTER AND STRONGER WHILE ON SARDINES DIET
Sa panahon ng kanyang all-sardine diet, sinabi ni Nick na pakiramdam niya ay gumaan siya pero lumakas.
Hindi umano siya halos nakakaramdam ng pagod kapag nagwo-workout.
Araw-araw siyang nagba-barrass at manhik-manaog sa hagdanan ng kanyang apartment na may 37 steps.
Sa huling linggo ng kanyang experiment, nabawasan siya ng six pounds.
Ang resulta ng kanyang blood test ay nagpakita na mataas ang kanyang omega-3 readings, which is okay para sa heart health.
Read: Judy Ann Santos recommends 12 festive meals for Christmas
OTHER HEALTH BENEFITS OF EATING DAILY SARDINES
Sa kabuuan ng kanyang all-sardine diet, natuklasan ni Nick batay sa kanyang personal experience na ang sardines ay nagkakaloob ng high-quality protein, omega-3, at nutrients gaya ng creatine at CoQ10 para sa boosted energy.
Nagbu-burn din ito ng fats at nape-preserve ang muscles.
Nati-trigger naman ang ketosis at metabolism para ma-boost ang hormone na FGF-21,na nagreresulta sa pagbaba ng timbang.
Naging mas focused din umano si Nick sa kanyang mga ginagawa sa araw-araw.
Read: Kitchen hacks that fix dishes that turn too sour
MAN OBSERVES HE SMELLS LIKE FISH IN THE MARKET
Maganda man ang naging resulta para kay Nick ng kanyang all-sardine diet, may downside daw ito.
Napansin niyang nagsimula siyang mangamoy-isda kahit pa naligo siya, nagsepilyo, at nagwisik ng pabango sa katawan.
Maging ang kanyang kasintahan ay hindi nakatiis sa kanyang amoy.
Puna nito kay Nick, "You smell like you're sweating fish."
Ayaw na rin siya nitong halikan.
Ani Nick: "I tracked [her] kisses as data points.
"So, in a blinded fashion, at least blinded to her, I tracked kiss frequency with an emphasis on the window four hours after I had a meal of sardines.
“And yes, I did brush my teeth and put on cologne.
“And honestly, I stopped tracking for five days because, true to her word, that number plummeted to zero."
Himutok ni Nick: “That was a big downside."
Read: Dinorado wins silver in World’s Best Rice 2025 Awards
MAN CONTINUES HIS SARDINES DIET
At present, sa kabila ng zero kiss mula sa girlfriend, ipinagpatuloy pa rin ni Nick ang all-sardine diet.
Paminsan-minsan ay kumakain siya ng non-sardine dinner kasama ang mga kaibigan.
Pero pinipili pa rin niya ang seafood-heavy and low-carb meals para manatiling consistent ang kanyang metabolism.
Read: TIPS: How to keep peanut butter fresh after opening the jar
SARDINES DIET IS NOT FOR ALL
Paalala naman ni Nick, ang all-sardine diet "might be worth experimenting with" para sa mga taong curious tungkol sa fasting o kaya’y metabolic resets.
Pero binigyang-diin niya na hindi ito para sa lahat—lalo nasa mga sobrang payat na o kaya ay sensitibo sa carb restriction.
Bukod dito, ang sobrang taas na omega-3 levels ay wala pa raw extensive studies at findings tungkol sa epekto sa tao.
Ayon naman sa U.S. National Heart, Lung and Blood Institute, ang epekto ng omega-3 ay iba-iba at depende sa specific type, dose, and individual health factors.
Nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon ang research tungkol dito para madetermina ang extent ng benefits nito.
Batay naman sa 2011 review ng British Journal of Nutrition, bagaman at ang palagiang pagkonsumo ng pagkaing may omega-3 ay generally beneficial, ang sobra-sobrang intake ay maaaring may kaakibat na panganib.
Kabilang dito ang exposure sa contaminants at oxidation ng fish oils.
Read: Tinola now included in Hawaii public schools’ lunches
MAN MIGHT CHOOSE TO SAVE RELATIONSHIP WITH GIRLFRIEND
May mga taong sinusubukan ang all-sardine diet bilang bahagi ng keto-style fasting o kaya’y metabolic resets para ma-boost ang kanilang ketones, makontrol ang sobrang gana sa pagkain, at mabilis na pagbabawas ng timbang.
May mga online accounts bukod kay Nick na nagsasabing kapag madalas silang kumain ng sardines, nababawasan ang kanilang katakawan.
Isa umano itong paraan ng simple dieting.
Pero binabawasan na ni Nick ang pagkain ng sardines.
Baka raw kasi tuluyan siyang hiwalayan ng girlfriend dahil amoy-isda siya.
At kung makipag-break man ito sa kanya, baka wala na ring magkagusto sa kanya dahil sa singaw ng katawan niya—at ayaw raw niyang tumandang single.
Ipinaalala rin niya na bago gayahin ng sinuman ang kanyang experiment, magpakonsulta muna sa doktor o kaya’y sa nutritionist.
