Nakapukaw ng atensiyon ang isang Japanese traveler and content creator dahil sa ranking niya ng mga bansang may pinakamasarap na pagkain.
Kinilala siya bilang si Keita.
Mula sa 93 countries na napuntahan na niya, gumawa siya ng ranking base sa sarap ng mga pagkaing natikman.
Sa platform na X, mayroon lamang 1,024 followers si Keita, subalit ang kanyang post kaninang umaga, January 21, 2026, ay nakalikom na ng 1.3 million views in less than. a day.
Tungkol ito sa tier ranking ng Asian countries with the best food.
Maraming netizens na may iba’t ibang nationality ang nag-react.
Maraming natuwa dahil mataas ang ranking ng bansa na kinabibilangan nila.
Marami rin ang kumontra at di sumang-ayon.
Ang vlogger ay gumamit ng apat na tier: S (Superior), A (Excellent), B (Good), at C (Average).
Sa kabuuan, 17 countries ang isinama niya sa list.
THE RANKINGS
Tatlo ang bansang pasok sa S ranking—ang Turkiye, Pilipinas, at China.
A tier: Nepal, Thailand, Laos, Indonesia, Bangladesh, Japan
B tier: India, Cambodia, Taiwan, Sri Lanka, Malaysia
C tier: UAE, Israel, Vietnam
May disclaimer ang vlogger: “This is based on my personal experiences from actually eating my way through the local spots, so there's minimal bias from tourist prices or famous restaurant hype.”
Aniya pa: “If you're a food lover, bookmark this and use it as a reference when deciding your next travel destination.”

Tulad ng inaasahan, maraming Filipino netizens ang natuwa na kabilang ang Pilipinas sa S tier o pinakamataas na rank.
Sabi nila, deserving ang Pilipinas sa puwesto nito, at underrated masyado ang Filipino food.
Ang ilan sa mga umalma sa list ay netizens mula sa Vietnam, Malaysia, at Thailand. Mas deserve raw ng kanilang bansa ng mas mataas na ranking.
Ang iba naman ay nagkumpara kung kaninong pagkain ang mas masarap.
Narito ang ilang comments ng netizens na hindi sang-ayon sa list.




Nag-reply si Keita sa ilang comments, at isa rito ay galing sa kababayan niyang Japanese, na nagsabing dapat nasa S tier, hindi A tier, ang Japan.
Paliwanag ni Keita, “After traveling to 93 countries and sampling the local cuisine, I've decided to give Japan an A..."
Katuwiran niya, “Of course, everyone has different values and preferences. I'd love to hear your opinions, so let me take a survey!”
Read: Kitchen hacks that fix dishes that turn too sour
PH, MOST EXCITING FOOD DESTINATION IN 2026
Kaugnay ng listahang ito, inanunsiyo ng Department of Tourism (DOT) noong January 13, 2026, na pasok ang Pilipinas sa 16 Most Exciting Food Destinations for 2026 ng Michelin Guide.
Ang Michelin ay prestihiyoso at nag-aaward ng stars sa mga restaurants sa iba't ibang bansa.
Kasama sa mga pagkaing Pinoy na napuri ay sisig, sinigang, inasal, at adobo.
Ilan sa mga bansang nakasama ng Pilipinas pagdating sa culinary excellence ay Italy, Turkiye, China, Saudi Arabia, the American South, Florida, Canada, at Poland.
Kung pagbabasehan ito, tugma ang tatlong bansang pinili ni Keita para sa S tier: Pilipinas, Turkiye, at China.
