Naging nostalgic ang netizens matapos mag-announce ng Serg’s Chocolate, isang local chocolate brand na sikat na sikat mula '50s hanggang ‘90s, na magbabalik ito sa market this 2026.
Taong 2019 pa nag-announce ang kumpanya via a broadsheet, pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari—tulad ng pandemic at baha—naantala ang plano.
“2026 will be our restart year,” parte ng pahayag ng Serg’s Chocolate via Facebook post nitong January 26, 2026.
Nakasaad pa rito (published as is): “To All Batang Serg's, We meant it when we said ‘Serg’s is coming back’ in a Nov 2019 Inquirer article.
“COVID-19 changed everything. The 2024 Carina floods hit our warehouse that houses our machinery, delaying our small-batch setup.”
Nakaranas din daw ng “uncertainties” ang kumpanya kung kaya’t pinag-isipan pa nitong maigi ang planong pagbabalik.
Hindi man tiyak kung kelan mailalabas muli ang products, pero ang target relaunch ay third quarter ng 2026.
May request ang brand: “Share stories and memories with the younger generation about Serg's Chocolates.”
Hindi naman ito nabigo.
NETIZENS' NOSTALGIC MEMORIES OF SERG'S
Nagbalik-tanaw ang mga netizens sa magagandang alaala nila tungkol sa kinalakihang chocolate.
Ang kuwento ng isang female netizen: “My father always brings Sergs Chocolates as pasalubong after work. I still remember it, that was 50 plus years ago.”
May mga naalala ang kani-kanilang lolo:
“This was the chocolate that my grandfather used to give me whenever we came to visit him when he was still alive. The moment he sees me, for sure he’s gonna hand me a Serg’s.”
“My lolo was a jeepney driver late ‘70s. I remember waiting for him to pass by every afternoon in front of our house and aabot na niya sa akin yang Serg’s. It was always exciting to wait for him every day. Pag nakita ko na jeep niya, alam ko nang may chocolate na ako.”


Suki naman ang nag-comment nito: “My fave since elementary days.”
May nagkuwento rin na ang araw-araw na suhol sa kanya ng mga magulang tuwing papasok sila sa trabaho ay Serg’s chocolate para hindi siya umiyak.
At dahil dito, “I lost most of my front teeth..."
Hanggang mag-daycare daw siya at mag-nursery “it was part of my baon pack.”

SERG'S NEW-GEN FANS
Samantala, kabilang sa misyon ng Serg’s sa pagbabalik nito ay ang ipakilala ang chocolate brand sa bagong henerasyon.
Comment ng isang batang netizen: “Hindi ko naabutan yung chocolates po ninyo pero I’m excited to try as new gen."
Sagot ng Serg’s: “We will innovate to bring products for the next generation.”

Sabi ng isang older netizen: “I really loved this when I was a child and I want to pass the same simple yet pure source of joy through a bite of chocolate to my daughter. For sure, she’ll love this Serg’s chocolate too the way we loved them."

REQUEST ABOUT SERG'S COMEBACK
Yun nga lang, yung mga batang paslit noon ay tumanda na kaya bawal nang masobrahan sa matamis.

Dahil 1954 nang magsimula ang Serg's, kabilang sa henerasyon na nakatikim nito ay mga Baby Boomers, Gen X, at Millennials.
Read: How this raketero saved PHP386,000 in 2025 with alkansiya
Komento ng isang netizen: “Ikaw pa rin talaga, pero sana, maglabas din kayo ng sugar-free versions, kasi matatanda na ang mga original fans ninyo. Bawal na ang matatamis.”
Sagot ng Serg’s: “Yes we will align our products to health and wellness.”

Marami ang sumang-ayon sa mungkahing maglabas ng sugar-free variant.
Ang iba ay nag-suggest ng dark chocolate na healthier version.


Susog ng maraming netizens:
“Special request. Gawa sana kayo ng sugar-free chocolates.”
“Dark chocolate plssss, for us diabetics hehehe”
“We plan to join the health and wellness market after launching our core chocolate products.”

“I was about to suggest this also. Tama kasi yung mga iba na lumaki sa Serg’s ay mga seniors na at nag-iingat na din, pero gusto pa din mag-induldge sa kinalakihan nilang Serg’s chocolate bar."

Meron ding nagmungkahi na gumamit ng healthier alternative sweeteners gaya ng Stevia.
Isang netizen na diabetic ay hindi alintana ang tamis, basta ibalik lang daw ang paborito niyang chocolate.
“Diabetic ako. Bring it on! Hahahaha.”
Reply ng Serg’s sa comment, “Will a Serg’s chocolate bar with Stevia work?”
Sunud-sunod ang sumang-ayon sa suggestion na ito.

Bukod sa planong maglabas ng healthier version, plano ring hindi na palitan ang nakasanayang wrapper.

Excited ang isa pang parokyano na nag-suggest kung paano ibebenta ang Serg’s chocolate.
Sabi nito: “Thank God. Yes, start small. You have hordes of loyal customers. Promise. Open a Lazada or Shopee shop. We don’t’ care. Just sell us Serg’s.”

Ang Serg’s Chocolate ay itinayo noong 1954.
Kalaunan, nakilala ito bilang local chocolate brand at naging parte ng childhood ng marami.
Subalit natigil ang manufacturing noong 2001 dahil tinamaan ang kumpanya ng financial crisis sa Asya noong late ‘90s.
Kabilang sa mga sikat na produkto nito ay Serg’s, Moonbits, Egg Chocolate, Colin’, pati na rin ang chocolate powder drink na Choco Real.
