Ilang araw na lang at Chinese New Year na.
At kasama ang Pilipinas sa mga bansang nakikisaya sa pagsalubong nito.
Simple man o magarbo ang handa, may mga nakagawian nang i-serve ang mga Pinoy.
Pero masuwerte kaya ang mga ito?
Ngayong 2026 ay Year of the Fire Horse.
Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang feng shui expert na si Johnson Chua, at inisa-isa niya ang mga pagkaing mainam ihanda sa Bisperas ng Chinese New Year.
Ipinaliwanag din ni Johnson kung ano ang kahalagahan at simbolo ng mga ito.
Read: Tips: What the unlucky signs should do in 2026
LUCKY FOODS THIS CHINESE NEW YEAR
Ang bungad ni Johnson, “Sa New Year’s Eve po, puwede tayong mag-display ng mga tinatawag nating lucky food."
Anu-ano ang mga ito?
Noodles
“So meron tayong mahahaba tulad ng pancit, mga noodles, kasi yung mga pancit na iyan, it represents long life, longevity. Kaya magandang may mahahaba."
Green vegetables
Ang gulay ay hindi lang masustansiya.
Ang sabi ng fen shui expert, yung “mga pagkaing green tulad ng mga gulay kasi that represents prosperity and growth.”
Fish
Inirerekomenda rin niyang maghanda ng isda sa hapag-kainan dahil ito ay "symbol of abundance,” ani Johnson.
Pero paalala niya, “Dapat po buo yung isda, wag po chop-chop. Pag chop-chop kasi, medyo bulto-bulto, konti-konti dumarating sa atin [ang suwerte].”
Pork
Mainam ding magkaroon ng putaheng karne tulad ng pork.
“Pork is always a symbol of suwerte in terms of money o bulk of money, bulk of wealth na dumadating sa atin.”
Round fruits
At siyempre, hindi raw mawawala ang mga pagkain o prutas na bilog.
Paliwanag ni Johnson, “It represents smooth sailing. Ibig sabihin kasi, yung pera natin o buhay natin, tuluy-tuloy po, smooth sailing. Wala pong hirap.”
Whole chicken
Ano ang masasabi niya sa paniniwala ng maraming Pilipino tungkol sa paghahanda ng manok?
Paglilinaw ni Johnson, “Hindi po totoo yung naririnig natin na, ‘isang kahig isang tuka.'"
Sa kabilang banda, maganda raw ang maghanda ng dishes na may mga pakpak dahil nagre-represent daw kasi ito na “good news is always coming to us.”
Basta ihanda o iluto raw ang manok nang buo sa New Year’s Eve.

Tikoy
At ang panghuli at hindi dapat mawala sa Chinese New Year ay tikoy.
“’Cause yung tikoy po always represents malagkit, matamis… That always symbolizes peace and harmony that bring families together.”
