Masama ba o mabuti para sa katawan ang canned fish tulad ng sardinas o tuna?
Marami bang makukuhang nutrients dito?
Gaano ba kadalas dapat kumain ng isda sa de lata?
Ano ang mga dapat ikunsidera sa pagbili ng canned fish?
Ano ba ang sinasabi ng mga eksperto?
Read: Tips: How to keep your pets safe during earthquakes and disasters
THE BENEFITS OF CANNED FISH
Sinagot ng registered nutritionist and dietitian na si Jeaneth Aro ang mga katanungang nabanggit.
Si Aro ay nutrition coach ng Filipino Olympic medallists sa Tokyo at Paris Olympics.
Ang pangunahing benefits ng canned sardines at tuna ay ang mga sumusunod: mura o abot-kaya, masarap, madaling i-prepare, accessible, at certified na magandang source ng protina at iba pang essential nutrients.
Ang mga ito ay “perfect for muscle repair and recovery after workout,” ani Aro sa kanyang January 2025 YouTube video.
Ang 100 grams ng canned sardines in tomato sauce ay may tinatayang 20 grams of protein.
Mayaman din sa calcium ang edible bones ng sardines.
May taglay pang omega-3 fatty acids, na base sa pag-aaral, ay nakatutulong sa promotion of heart health, cellular function, at nakabubuti para sa brain at mga mata.
Mas mataas naman nang kaunti ang protein ng canned tuna in oil: tinatayang 24 grams of protein kada 100 grams ng canned tuna.
Ito rin ay low in fat kapag ang ginamit ay brine o water.
Mayaman din ang canned tuna sa selenium, isang uri ng antioxidant na tumutulong para labanan ang pag-develop ng cancer.
Gaano naman karami ang daily required protein intake ng isang tao?
Paliwanag ni Aro, para sa mga atleta o gym goers, ang rekomendasyon ay 1.6 hanggang 2.2 grams of protein kada kilogram body weight.
Halimbawa, para sa isang taong may timbang na 60 kilograms, kailangan niya ng 96-132 grams daily protein.
Kaya magandang addition ang canned fish pagdating sa pagkain.
Nangangahulugan bang puwedeng araw-arawin ang pagkain ng canned fish?

Read: A peek into Mario Ho and Ming Xi’s "$30M" fairytale wedding
HOW OFTEN SHOULD YOU EAT CANNED FISH?
Ang canned fish ay isang uri ng processed food, pero ang good news, ito ay “minimally processed” kaya malaki ang pinagkaiba nito sa heavily processed food tulad ng corned beef, hotdogs, sausages, at iba pang ready-to-eat meals.
Paliwanag ni Aro, basic ang proseso ng pagpe-preserve ng sardines at tuna sa lata, na ginagamitan lamang ng oil, tubig, at tomato sauce.
May sangkap ba ito ng sodium nitrite, isang compound na food preservative?
Sabi ng nutrition coach, ang canned sardines at tuna ay hindi tulad ng corned beef na ginagamitan ng nitrites o nitrates na iniuugnay sa health risks.
Pagkumpirma pa niya, ang canned sardines at tuna ay healthy options na bukod sa matipid na, convenient pa.
Pero kung meron mang dapat isaalang-alang sa consumption ng canned fish, yun ay ang maging conscious sa sodium content o asin nito.
May mga pagkakataon daw kasing may ibang additives, tulad ng sugar at preservatives sa tomato sauce, na mataas ang level.
Rekomendasyon ni Aro, hanapin ang brands ng canned fish na may simple at natural ingredients.
Mas mainam na bumili ng low-sodium options.
Dagdag niya pa, “Ang tuna at ang malalaking isda, especially tulad ng albacore, ay may small amounts ng mercury.
“To be safe, limitahan ang canned tuna sa 2-3 servings per week,” sabi ni Aro.
Ilan sa rekomendasyon ni Aro sa pagpe-prepare ng canned fish ay "sardines silog" para sa all-day power breakfast, tuna pasta, o ginisang mga green leafy vegetables na sinahugan ng canned fish.

REGISTERED DIETITIANS ON BENEFITS OF CANNED FISH
Ang mga pahayag ni Aro ay tugma sa isang 2025 article na lumabas sa Eatingwell.com, isang kilalang nutrition and food magazine site.
Ang article na may title na, “5 Reasons You Should Eat More Canned Fish, According to a Dietitian,” ay isinulat at ni-review ng highly qualified at registered dietitians.
Ang binanggit na benefits ng canned fish ay budget-friendly, may long shelf life na tumatagal ng taon, at versatile.
Isa rin itong “smart swap” sa fresh at frozen seafood lalo pa't mayroon na ring canned salmon, mackerel, anchovies, at iba pa.
Batay sa artikulo, ang recommendation ng health and nutrition experts sa pagkain ng seafood kada linggo ay 8 ounces o 226 grams.
Paglalarawan pa sa canned fish: “nutrient-dense protein option for those who have limited access to utilities. It's also a great option for travel, camping and picnic when refrigeration isn't an option.”
Bukod sa omega-3, magandang source ito ng vitamin D at calcium para sa buto.
“In fact, 3 ounces of salmon contains approximately 570 IU of vitamin D, which is 71% of the recommended Daily Value.
Ang konklusyon ng artikulo: “If you're trying to eat more omega-3s, looking for a great dietary source of vitamin D or simply wanting sustainable, shelf-stable fish options, canned fish checks all the boxes.”
Read: What you should know before you take collagen supplements
