PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Do air fryers cause cancer? Experts speak up.

Here's what you need to know about air fryers.
by Bernie V. Franco
Published 10 hours ago
air fry chicken
Is air frying really safer than deep frying, or does it also pose potential health risks? Experts shed light on claims surrounding air fryers, including allegations that air frying may increase cancer risk.
PHOTO/S: Canva

Nag-aalinlangan ka pa bang gumamit ng air fryer dahil sa mga nagsulputang claims na maaari itong mag-cause ng cancer?

May mga health risks ba ang paggamit ng air fryer?

Totoo bang healthier option ang pagluluto rito kumpara sa deep frying na ginagamitan ng mantika?

May steps ba para sa tamang paggamit ng air fryer?

Narito ang paliwanag ng ilang eksperto upang sagutin ang mga tanong na ito at malaman kung masama ba o mabuti ang paggamit ng air fryer.

Read: Pinay chef wins PHP15M on TV show with lugaw, kaldereta dishes

AIR FRYing VERSUS DEEP FRYING

Biglang umusbong ang demand para sa air fryer simula noong nauso ito taong 2010.

At face value, madaling na-convince na better option siya dahil hindi na kailangan gumamit ng mantika sa pagpiprito.

“Bawas ang mantika kaya mas healthy,” sabi ni Mark Anthony Vicente, isang registered nutritionist-dietitian, sa MedikoPH interview noong June 6, 2026.

Paliwanag niya, ang deep frying ay iniuugnay sa pagkakaroon ng health risks dahil mataas ang calorie at fat content. Nawawala rin daw ang nutrients ng pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga sakit na binanggit niya ay obesity, heart disease, high blood pressure at Type 2 diabetes.

Sa kabilang banda, nakabubuti raw ang air fryer dahil naiiwasan ang pagkakaroon ng sobrang cholesterol, at nakatitipid pa sa gas at mantika.

air fryer
Even experts agree that air fryers are a healthier alternative to traditional frying methods, but some claims allege that this way of cooking carries health risks. Experts address these claims.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIR FRYING ALLEGEDLY CAUSES CANCER

May mga nagsulputang alegasyon na ang paggamit daw nito ay maaring mauwi sa pagkakaroon ng cancer.

Ang claim sa Internet at social media: ang pagluluto sa air fryer ay nagiging dahilan daw para maging carcinogenic ang pagkain dahil sa acrylamide, isang chemical compound na namumuo sa starchy food kapag niluto ito sa napakataas na temperatura o sobrang init, tulad ng pagpiprito, pagbi-bake, at pag-iihaw.

Ito rin ay ginagamit sa industrial manufacturing sa paggawa ng plastic, dyes, at water treatment.

Dahil dito, maraming air fryer users ang biglang nagkaroon ng agam-agam.

Read: Is canned fish good or bad for you?

THE TRUTH ABOUT ACRYLAMIDE

Pero paglilinaw ng nutrition-dietitian na si Mark Anthony Vicente, ang acrylamide ay hindi mismo nagmumula sa air fryer.

“Kasi ang acrylamide, nangyayari iyan kapag sobrang init naman ng niluluto mo, di ba, yung nagba-brown na. Iyon naman talaga ang cancer sources, e, talagang tusta na.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahabang usapin daw para sabihing nagdudulot ng cancer ang paggamit ng air fryer.

“Hindi naman pag [gumamit] ng air fryer, cancer na agad,” hirit niya pa.

Sinegundahan ito ng doctor at content creator na si Dr. Dex Macalintal, na ang specialization ay lifestyle medicine and health optimization.

Si Dr. Macalintal, na isa ring “real nutrition doctor” ayon sa kanyang profile, ay may 2.8 million followers sa Facebook.

Susog niya, mas mababa ang calories sa pagluluto via air frying kumpara sa deep frying.

Pero sundot niya, “But it would be a different story kung air fryer ang gamit niyo, pero maglalagay kayo ng pamahid ng mantika [sa niluluto].”

Nagbigay ng halimbawa ang doktor kung gaano karami ang calories na nadadagdag kapag ang ginamit na mode of cooking ay deep frying.

Sa 60-70 grams na edible portion ng tilapia, mayroon itong 41 calories.

Kapag ang tilapia ay na-deep fry sa cooking oil, may karagdagan itong 45 calories kaya may kabuuang 86 calories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kayo po ay nagpapapayat, better choice ang air frying nang wala nang kasamang oil,” giit ni Dr. Macalintal sa kanyang 2025 video.

air fried pork
Nutritionists and dietitians affirm that air frying food is generally considered safe as long as it is not charred or burnt, since charred food may increase the risk of cancer.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IS AIR FRYING CANCEROUS?

Diretsahan ding sinagot ni Dr. Macalintal ang tanong kung nakaka-cause ba ng cancer ang pagluluto gamit ang air fryer.

“Ang sagot, hindi,” sabi ng doktor sa kanyang video content nitong 2026.

“Yung sinasabi tungkol sa acrylamide na nafo-form kapag nagluluto at very high temperature, yun ang puwedeng maka-cancer...”

"Ang sinasabi lamang naman natin dito ay huwag po ninyong sunugin ang mga pagkain para hindi maging isyu ang acrylamide. Kasi nangyayari lamang naman iyan pag overcooked ang food.

“Kapag ang pagkain ninyo ay lumalabas na kulay dark brown, sobrang tostado, o yung pauling na iyan, ang tinatawag na Maillard reaction...nabubuo ang isang chemical substance na kung tawagin ay acrylamide.

"At itong acrylamide na ito ay ayon sa International Agency for Research on Cancer ay ‘probable carcinogen.’

“Ibig sabihin, may link ito na nagko-cause ng cancer sa tao.”

Payo niya, kahit air fryer ang ginagamit sa pagluluto, bantayan pa rin ang niluluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat golden brown lang. Wag tayo doon sa charred.”

Nilinaw rin niya kung may radiation ba ang air fryer.

“Hindi nakaka-cancer ang air fryer. Wala rin po kasi itong ginagamit na radiation,” aniya.

May paliwanag ang Indian nutritionist at wellness coach na si Shalini Sudhakar tungkol dito.

Aniya sa kanyang vlog, “Only hot air circulation is used to cook the food so there’s absolutely no radiation."

Nilinaw rin niya na ang Teflon o non-stick basket ay safe gamitin.

Karaniwan kasing ang bahaging loob ng air fryers ay gawa sa Teflon.

Sabi ng Indian nutritionist: “A lot of researches already proved that non-stick is BPA and POAF-free, so there’s absolutely no reason to fear chemicals leeching on to your food.

Ang BPA o (Bisphenol A) at PFOA (Perfluorooctanoic Acid) ay mga chemicals na ginagamit bilang coatings at sinasabing may epekto sa natural hormones.

At kung diskumpiyado pa rin sa paggamit ng Teflon, ipinapayo ni Sudhakar ang paggamit ng butter paper o air fryer paper upang hindi dumikit ang pagkain sa Teflon kapag magluluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW OFTEN SHOULD YOU USE AIR FRYERS

Pero nagkakaisa sina Dr. Macalintal at ang nutritionist-dietitian na si Mark Anthony Vicente na huwag laging gamitin ang air fryer.

Ani Dr. Macalintal: “Variety in food preparation pa rin po ang kailangan natin para magkaroon ng mas magandang food habits. At variety sa pagkain…”

At huwag daw gawing dahilan ang air fryer para laging magluto at kumain ng processed food tulad ng frozen nuggets, hotdogs, at red meats.

Sabi ni Dr. Macalintal: “Those frozen red meats ay parang naglalaga na kayo ng sobrang daming sodium, sobrang daming nitrates, at sobrang daming preservatives na maaaring magpataas ng blood pressure, at sisira sa kidneys ninyo, not to mention your gut microflora.”

Hirit niya, ang air fryer ay hindi “magic machine” na gagawing malinis ang kinakaing processed food porke’t hindi na nagdi-deep fry.

Ang rekomendasyon ni Dr. Macalintal: “Gamitin ang air fryer sa whole foods: gulay, isda, lean meats, at i-set ang temperature sa tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang gulay mas damihan sa plato at samahan ng exercise daily. More water.”

Diin niya, “Ang air fryer ay kasangkapan lang. Ikaw pa rin ang magdedesisyon kung paano mo ito gagamitin sa pang araw-araw na buhay.”

Binanggit din ni Dr. Macalintal ang mga tira-tirang crumbs sa air fryer. Dapat daw ay laging linisin at tanggalin.

Dahil kapag na-reheat ang mga ito nang paulit-ulit, nagiging concentrated toxins na maaaring humalo sa bagong niluluto.

Halos parehas ang sinabi ni Vicente tungkol sa klase na pagkain.

“Ang air fryer, healthy naman siya as substitute lang, pero nagiging harmful ito kapag lagi kang kumakain ng French fries, processed food, hotdogs…

“It goes down pa rin kung ano ang quality ng food mo kasi kung nag-i-air fry ka, pero ang pagkain mo ganoon pa rin: hotdog, French fries…

“Ang French fries kasi yung mataas sa melting point or puwedeng maging carcinogenic kapag lagi…”

Saad pa niya, mas healthy ang pagluluto via steaming o pagpapakulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is air frying really safer than deep frying, or does it also pose potential health risks? Experts shed light on claims surrounding air fryers, including allegations that air frying may increase cancer risk.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results