Hindi lahat ng purple root crops ay ube.
Maraming netizens ang napa-react sa posted video ng isang Filipino digital and broadcast media channel para sa OFWs, ang One Filipino TV.
Video clip ito ng isang TV interview sa Sweden.
Ang topic ay tungkol sa isang Swedish na lumikha ng purple drink na gawa sa “purple sweet potato.”
Hindi tiyak kung anong show ito at kung kelan ito umere.
Swedish ang language na ginamit, pero maririnig na binanggit ang “Philippine culture” at “patata.”
Sa English subtitle, ang nakalagay ay “purple sweet potato” o purple camote.
Pero ang caption sa video clip: “Filipino food: Ube craze hits Sweden.”
Sa comments section, ilang netizens ang nagsabing magkaiba ang purple yam (ube) at purple sweet potato (camote).
Lumalabas namang marami pala ang hindi aware sa pagkakaiba ng dalawa.
Read: DTI: “No Video, No Refund” policy of sellers is illegal
HOW TO TELL UBE AND PURPLE SWEET POTATO APART
Ilang content creators ang gumawa ng mga videos tungkol sa usaping ito.
Ang scientific name ng ube ay Dioscorea alata at ang purple sweet potato naman ay Ipomea batatas.
Sa itsura pa lamang ng balat, madali nang matukoy ang pagkakaiba ng dalawa.
Makinis at kulay purple ang balat ng purple sweet potato, habang ang balat ng ube ay magaspang at mas dark. Kahalintulad nito ang balat ng gabi.
Kapag titignan ang loob nito, purple ang gilid ng laman ng ube pero may pagkaputi ito sa gitna.
Kulay purple naman ang buong laman ng purple sweet potato.



Kapag inilaga ang dalawa, mas tumitingkad pa ang pagka-purple ng kamote, habang napapanatili ng ube ang purple-and-white color nito.
Kapag ginawa namang desserts, ang purple sweet potato ay kadalasang “sweet floral caramel” habang ang ube ay may “signature creamy vanilla” taste.
Mas matamis ang lasa ng purple sweet potatlo kesa sa ube.
Mas madali ring tumubo at low maintenance ang purple sweet potato.
So, next time makakita ng purple rootcrop, kapag magaspang ang balat, ito ay ube. Huwag ka lang magkakamaling tawagin itong gabi.
Read: Is gold a good investment? Here’s what the experts say
