Vocal si Abi Marquez sa pagsasabing kontra siya sa ginagawa ng ilang food establishments na gumagamit ng Artificial Intelligence (AI) sa paglikha ng kanilang mga posters, menu, o list of products.
Sa kabila nito, binanggit ng kilalang food content vlogger at celebrity chef na nagiging popular practice ito.
Talamak ang social media posts gamit ang mga larawang ginawa o pinaganda ng AI, pati ang menu materials ng food establishments.
Pati sa iba pang industries, tulad travel guide agencies at real estate, gumagamit din ng AI sa paggawa ng marketing materials.
Sa kabila ng kanyang hesitation sa practice na ito, hindi naitago ni Abi na usisain kung nakatulong ba ang paggamit ng AI hindi lamang para makatipid o mas mapabilis ang paggawa ng publicity materials, kundi para tumaas ang restaurant sales?
Post sa Facebook ni Abi: “LEGIT QUESTION to Food Business Owners who use AI in their menus.. Did you see a difference in orders since you started using AI?”

Sa comments section, sunud-sunod ang kanyang komento para ibahagi ang kanyang sentimiyento ukol sa isyu.
Tulad ng maraming netizens, sinabi ni Abi: “Personally, if I see AI yung photos... matik pass ako because in this economy, nakakatakot gumastos sa hindi mo sure kung ano talaga itsura. And I see so many people who share the same sentiment.”
Marami nga sa comments ang nagsabing tulad ni Abi, automatic silang hindi bibili kapag nakitang AI-generated ang menu ng establisimiyento.
Pero dagdag na komento ng kilalang food content creator, “But I'M SO CURIOUS. For food business owners, has AI actually HELPED or DAMAGED your sales?”
Pagpapatuloy niya, “Ang daming VOCAL na hindi umoorder if they see it’s AI…PERO yan ba talaga ang NET effect or reality ng food businesses?
“Baka mas maingay lang tayong mga against, pero gusto ko kasi malaman if may nabubudol ba talaga and if it really brings in new customers!
“Yun muna siguro. Kasi OF COURSE ibang usapan na yung kung babalik ba yung customer dahil it exceeded expectations, etc.
“Maybe some business here who use AI now are yet to find or just are looking to connect with artists!!!”

May mga nakapansin na bagama’t libo-libo ang comments, hindi raw sinagot ang mga tanong ni Abi.
Pero sa pagsusuyod sa mga komento, ilang netizens na business owners ang nagbahagi ng kanilang karanasan kung nakatulong ba ang paggamit nila ng AI sa negosyo.
Read: Why bottles and other containers aren’t filled to the brim
NETIZENS ADMIT AI-GENERATED MENU HELPED THEIR BUSINESS
Sa mga iilang nagbahagi ng kanilang karanasan, halos magkakapareho kung paano nila ginamitan ng AI ang kanilang mga menu. Bagama’t AI generated ito, gumamit daw sila ng original photos ng kanilang food products.
Sabi ng isang micro-business owner: “I think may direct positive impact siya sa sales namin, but only because we make sure that our customers receive exactly what they see from our ads.
“We preserve our original image and not let AI alter our photo except to lay out our poster.”
Sabi nito, nakatulong daw ang AI sa paggawa ng magandang advertising materials lalo na sa katulad nilang maliit na negosyo.

Komento ng isa pang male netizen: “YES it did increase my sales because we stayed true to our menu though AI-generated using raw photos. It can make a big difference.”
Pag-amin ng isa pang leche flan seller, AI-assisted ang ginawa niyang advertising material.
Kalakip ng kanyang post ay ang original photos ng produktong leche flan at ang finished product na ginamitan ng AI, patunay na original photos ang ginamit niya pero ginamitan ng AI ang background.
Nakatulong ba ang posters sa kanyang benta?
“Sa tingin ko nakatulong din ito. Dati, every other day lang ang production namin, pero ngayon, araw-araw na dahil mas consistent na rin ang pagdating ng orders kumpara noon.”

May katwiran ang isang netizen na umaming nakatulong ang AI-generated marketing materials.
Pero diin niya, hindi AI-generated marketing materials ang magdidikta kung magtatagumpay ba ang negosyo.
Puwede kasing nakakatakam ang produkto sa larawan, pero iba pala ang itsura at lasa kapag natanggap na ang order.
“Pero kung masarap naman, di na nagiging basis yung image or menu,” sabi niya.
Diin niya: “Nakakahatak siya for first-time customers na ngayon pa lang malalaman yung food business mo, pero kung ang goal mo ay binabalik-balikan, dapat panalo din sa lasa.”

EXPECTATION VERSUS REALITY
Kaugnay ng mga sagot na ito ng mga business owners, sinabi naman ng mga kritiko na hindi nila sinusuportahan ang mga food businesses na gumagamit ng AI dahil malayo raw sa larawan ang tunay na itsura ng kanilang produkto.
Katuwiran ng isa: “It can be considered as false advertisement kasi SOBRANG LAYO NG PRODUCT SA POSTER sa output ng product nila eh.”

Sundot ng isa pa, “As a consumer hindi nakakatakam ang AI generated food menu. Ang layo kasi ng itsura pag na-receive mo in person.”
Suggestion nito, “Siguro if gagamitan ng AI, minimal lang dapat like enhancement ng lighting.”
Ganito rin ang konteksto ng komento ng isang netizen.
Sa paggamit daw ng AI, “it widens the gap between expectation vs reality.”
Sabi pa nito, halos pare-pareho na nga rin daw ang mukha ng mga menu kaya nakakaumay.
“Better pa rin yung traditionally made menus cause you can at least feel na authentic yung food na matitikman mo.”

Read: Step-by-step guide to getting a Unified Person with Disability ID
