Who's Matilde in Coco Martin's life?

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin: "Hindi man kami lumaki nang marangya ang buhay, pero marunong kaming maghain ng masarap na pagkain."


Sundays are always for family, says Coco Martin.

No matter how busy he is with his top-rating series FPJ's Ang Probinsyano and other showbiz commitments, he makes sure that he's free for the family day.

But instead of going out, they prefer staying at home, and bond through food.

"Kasi po, ang bonding time po talaga namin sa pamilya, minsan nga po di kami kumakain sa dining table namin, doon kami sa kitchen nagsasama-sama,” he told the entertainment reporters at the launch of his endorsement Ajinomoto Sarsaya Oyster Sauce, held in Quezon City recently.

He continued, “Kaya kapag nandoon ako [sa bahay] kapag weekends, ako naman ang nagluluto para sa kanila.

"Kasi, sabi ko nga po, sa sobrang hectic ng schedule ko ngayon, hindi na po kami nakakalabas para kumain po sa labas, sa mga restaurant.

"Ang ginagawa ko na lang po, nagluluto kami, sama-sama kami, may kanya-kanya kaming putahe.

"After that, doon po kami nagba-bond."

It may come as a surprise to some, but Coco is a good cook.

"Bata pa lang po ako, na-train na ako,” Coco proudly said.

"'Yong lola ko po kasi, cook sa isang sabungan sa La Loma.

"Noong bata pa lang kami, tine-train na talaga niya kami kung ano ang lasa ng pagkain.

"Kaya po hitsura pa lang, kulay pa lang, amoy pa lang, alam ko na kung masarap ang pagkain.

"Kaya medyo mahilig talaga ako kumain."

He belongs to a family of cooks.

"Honestly po kasi, 'yong family ko, talagang mahilig magluto.

"Mula sa lola ko, sa papa ko, sa mama ko, sabi ko nga po, siguro isa 'yon sa mga maipagmamalaki namin.

"Sabi ko nga po, hindi man kami lumaki nang marangya ang buhay, pero marunong kaming maghain ng masarap na pagkain."

Hindi man lumaki sa yaman, natutunan daw ni Coco kumain nang masarap noong bata siya.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

WEEKENDS WITH LOLA. While his friends enjoyed playing on the streets, the young Coco would often reserve Sundays for his Lola Matilde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

They would usually buy their week-long supply of food at the market.

He fondly recalled, “Noong bata ako, mga nine years old pa lang po ako, gigisingin ako ng lola ko around 4 a.m. para mamalengke sa Blumetritt. Doon kasi kami namamalengke noong bata ako.

"Siyempre, noong una naiinis ka kasi ang aga-aga gigisingin ka. 'Tapos pagbubuhatin ka ng dalawang malaking bayong kasi mamalengke nga kayo, iikutin mo ang Blumentritt sa mga suki niya.

"Ang pinakamasayang di ko makakalimutan doon ay kapag nandun na kami sa mga isda. Kasi, gustung-gusto ko po tinitingnan yung mga buhay na dalag, hito.

"'Tapos, ang gagawin na lang po niya, iiwan niya na lang ako dun kapag alam niyang sobrang bigat na po ng bitbit namin.

"Basta 'yong station na 'yon, kung saan may mga isdang buhay, doon niya ako iiwan kasi alam na alam niyang naaaliw ako.

"After that, kapag puno na ang lahat ng dala naming bayong, magbe-breakfast kami sa karinderya.

"Then yun, sasakay na po kami ng jeep para umuwi sa bahay namin.

"Pagdating naman sa bahay namin, lilinisin namin lahat ng 'yon—karne, gulay, isda. Lahat 'yon lilinisin namin 'yon tapos ilalagay namin sa ref."

Aside from being his lola's palengke buddy, he was also her kitchen assistant.

"From Monday to Saturday, bonding time 'yon, every morning.

"Ako yung kakuwentuhan ng lola ko, taga-assist po niya.”

Asked which among his lola's dishes was his favorite, Coco replied with a big smile, "Yung laging niluluto sa akin ng lola ko, 'yong beef steak na atay ng baka, chopsuey, and beef brocolli, and mahilig po talaga ako sa vegetables."

Coco loves his lola so much that he wants to put up a restaurant for her.

"Ang pangarap ko po sana balang araw, mapatayuan ko ng restaurant ang lola ko.

"'Tapos, ipapangalan ko sa kanya, Matilde, naks!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pangarap lang naman yun, sana matupad," he said in conclusion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN