Itinuturing ang avocado bilang “nature’s butter.”
Sagana ito sa health benefits.
Kabilang din ito sa mga prutas na puwedeng kainin araw-araw—ayon kay Dr. Joseph Salhab, isang gastroenterologist na nakabase sa Altamonte Springs, Florida, at eksperto sa digestion, liver, pancreas.

Sa isang video na ini-upload niya sa TikTok last June 28, 2024, ipinaliwanag ng doktor kung ano ang mangyayari sa isang tao kapag kumain ng avocado.
AVOCADO IS GOOD FOR THOSE WHO HAVE BIG TUMMIES
Batay sa pag-aaral na nailathala sa journal na Current Developments in Nutrition, sa loob ng 26 weeks, nakita ang magandang epekto nito sa kondisyon ng mga adult na may abdominal obesity o malalaki ang tiyan.
Ang mga pagbabago sa kalidad ng diet ay walang direktang epekto sa cardiometabolic disease risk factors, ayon kay Dr. Salhab.
Sa isinagawang trial, isinailalim ang 1,008 participants na edad 25 pataas at malalaki ang tiyan.
Hinati ang mga participants sa multi-center at randomized controlled trials.
Natuklasan ng mga researchers na ang mga individuals na kumain ng avocado araw-araw ay nagpakita ng “potentially clinically relevant” increase na 4.74 points sa kanilang HEI-2015 scores kumpara sa controlled group na kumain ng regular diet.
Ang HEI ay nangangahulugang Health Eating Index.
Ang improvement ay iniuugnay sa dagdag na total vegetable intake at sapat na ratio ng unsaturated to saturated fats—na parehong may direktang kaugnayan sa araw-araw na pagkain ng avocado.
Read: Are canned sardines good for you? Here’s how much to eat
GENERIC BENEFITS OF EATING AN AVOCADO DAILY
Ayon pa kay Dr. Salhad, ang isang medium size nito ay makapagbibigay ng halos 10 grams ng fiber, samantalang ang large ay kayang magbigay ng hanggang 14 grams.
Malaking tulong ito para makumpleto ang daily required amount ng fiber na 25-30 grams.

Binanggit din ni Dr. Salhab na ang mga taong mahilig kumain ng fiber ay mas humahaba ang buhay at bumababa ang tsansang magkaroon ng malulubhang sakit.
Bukod dito, ang taong laging kumakain ng avocado ay may tendency na magkaroon ng mas malawak na gut microbiome diversity.
Ang gut microbiome diversity ay tumutugon sa variety ng microbial species na naninirahan sa human gut, at malaki ang papel na ginagampanan sa overall health and well-being.
Kapag mas diverse ang gut microbiome, mas marami ang bacterial species, at nangangahulugan ito ng mas maayos na kalusugan.
Ang gut bacteria ay tumutulong din sa iba’t ibang proseso ng katawan at lumilikha ng beneficial metabolites—kapag mas diverse, mas maganda.
Ayon pa kay Dr. Salhab, ang avocado ay isang natural prebiotic.
Sa video ay sinabi niya na ang isang lalaking mahilig kumain ng avocado ay mas mababa ang risk na magkaroon ng colorectal cancer—ito ay dahil na rin sa fiber and prebiotic benefits ng naturang prutas na tumutulong para magkaroon ng healthy gut environment.
Read: Mukbang Queen keeps amazingly sexy body despite eating too much
BEST WAY TO EAT AVOCADO
Para kay Dr. Salhab, ang pinakamainam na paraan ng pagkain ng avocado ay imasa ito at gawing palaman sa toast.
Pigaan ng lemon at lagyan ng durog na paminta.
Pinakamagandang oras ng pagkain nito ay tuwing almusal.

Maaari rin siyang gawing sangkap ng salad.
Isama ito sa leafy greens, quinoa, corn, beans, and grilled chicken. Lagyan ng olive oil at lime juice sa ibabaw saka haluin.
Puwede rin itong gawing smoothie. Ihalo ang kalahating avocado sa spinach, almond milk, banana, at konting honey.
Kung walang ibang sangkap, sakap na ang avocado at gatas lang.
Paalala pa ni Dr. Salhab, hugasang mabuti ang avocado bago biyakin at kainin.
