Mabentang mabenta ngayong tag-init ang cold drinks.
Para sa coffee lovers, napakaraming choices ng iced coffee drinks.
Kung ikaw ay coffee-lover pero budget-conscious, hindi mo kailangang gumastos nang malaki para ma-enjoy ang masarap na iced coffee araw-araw.
Sa pamamagitan ng ilang simpleng hacks at kaunting creativity, puwede kang makagawa ng café-style drink kahit sa bahay.
Masarap na, hindi pa butas ang bulsa.
Narito ang ilang iced coffee hacks mula sa Yummy.ph.
BREW STRONG, DILUTE SMART
Ang unang step ay mag-brew ng mas matapang na coffee kaysa sa usual mo.
Bakit? Kapag kasi lalagyan mo ng yelo o milk, mapapawi agad ang lasa kung ordinary lang ang tapang ng brew kung ito ay iced.
Gumamit ng double-strength ratio—halimbawa, dalawang kutsara ng ground coffee sa bawat 120ml ng tubig.
Kapag natapos na ang brew mo, lagyan lang ng yelo at kaunting tubig o milk para ma-achieve ang perfect balance.
Read: Surprising scoop: Halo-Halo is not originally Filipino?
FREEZE COFFEE into ICE CUBES
Para hindi mag-water down ang iyong iced coffee, gumawa ng coffee ice cubes na mismong brewed coffee ang laman.
Ilagay lang ang natirang brew sa ice tray at i-freeze.
Sa susunod na pagtitimpla mo, gamitin lamang ang coffee ice cubes sa halip na ordinary ice cubes.
Hindi lang swak sa flavor, makakatipid ka pa sa milk o creamer dahil hindi na kailangan dagdagan para sumarap.
SWEETEN WITH SIMPLE SYRUP
Mas mahirap i-dissolve ang regular sugar sa malamig na inumin, kaya mas mainam gumamit ng simpleng syrup na puwedeng gawin. Simple lang, 1:1 ang ratio ng asukal at tubig.
Pakuluan lang ang equal parts ng tubig at sugar at haluin hanggang sa matunaw ang asukal. Hayaang lumamig ang mixture bago ilagay sa refrigerator. Meron ka nang homemade syrup.
Kapag gusto mo ng mas tamis ang timpla, dagdagan lamang ng syrup hanggang makamit ang desired sweetness.
Read: 3 types of food to avoid, according to an Olympic nutrition coach
ADD A TOUCH OF FLAVOR
Kung gusto mong i-level up ang iced coffee mo, mag-experiment ka sa flavor.
Ilagay ang isang shot ng condensed milk para sa creamy at sweet twist, o mag-drizzle ng caramel sauce para sa café vibe.
Puwede rin magbudbod ng cinnamon o cocoa powder on top para may aroma at texture.
Simple lang pero nakakatuwang i-try ang mga ito.

DIY COLD BREW AT HOME
Cold brew ang isa sa pinakamadaling paraan para makagawa ng smooth at low-acid iced coffee.
Sa gabi bago ka matulog, i-mix ang 1 cup coarsely ground coffee sa 4 cups water sa mason jar.
Takpan at i-steep sa ref ng 12–18 na oras.
Kinabukasan, i-strain mo gamit ang fine mesh strainer o cheesecloth.
I-store sa fridge at i-serve with milk o cream—perfect para sa lazy mornings!
FROTHY MILK TOPPING (WHIPPED CREAM ALTERNATIVE)
Kung wala kang whipped cream, puwede kang gumawa ng frothy milk topping gamit ang milk frother o hand mixer.
Gumamit ng chilled whole milk o non-dairy alternative.
I-froth hanggang mag-form ng magandang foam.
I-scoop ito sa ibabaw ng iced coffee para may creamy layer ka—parang latte art effect pero budget-friendly.
Narito ang complete video guide ng Yummy PH para sa iced coffee recipes, pati na rin ng hot choco drink na puwedeng gayahin kahit na nasa bahay.
Overall, hindi kailangan ma-stress sa presyo para ma-satisfy ang iyong coffee cravings sa mainit na panahon.
Sa mga simple hacks na ito, makakamit mo ang café-quality iced coffee sa bahay. Sulit at tipid pa.