PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Six popular Pinoy dishes with Chinese origins

Pancit, lumpia, ano pa?
by Bernie V. Franco
Published Sep 3, 2025
pancit, lumpia, puto
NOT ORIGINALLY PINOY. While dishes like pancit, lumpia, and puto are widely considered Filipino staples, they actually have roots in Chinese cuisine.
PHOTO/S: Canva / Yummy PH

Bago tayo sakupin ng mga Espanyol noong 16th century, nakakasalamuha na ng mga sinaunang Pilipino ang mga Tsino as early as 10th century.

Marami silang ambag sa iba't ibang aspeto ng kulturang Pilipino, kabilang ang pagkain.

Read: What is adobong pula?

Pinoy food Favorites That Came from China

Narito ang ilan sa mga pagkaing Pinoy na sa pangalan pa lang ay hindi maitatangging mula sa China.

Pancit

Kilalang-kilala ito bilang specialty sa Pilipinas.

Sa katunayan, napakaraming versions nito sa iba-ibang rehiyon—canton, palabok, bihon, Malabon, lomi, sotanghon, luglog, habhab, at iba pa.

Ang pansit ay mula sa Hokkien phrase na “pian i sit,” na ang ibig sabihin ay “something conveniently cooked fast.”

Lumpia

Ang tawag sa isang sikat na lumpia, ang Shanghai, ay hango sa pinakamalaking siyudad ng China.

Kahawig ito ng Chinese spring roll na pareho ang ingredients: meat at vegetables.

Paliwanag sa feature ng Kollective Hustle YouTube channel, ang “lun” ay nangangahulugang “spring” at ang “pia” ay “cake o pastry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
pancit, lumpia
Pancit comes from the Hokkien phrase, "pian i sit," while lumpia is from Hokkien words "lun" and "pia."
Photo/s: Canva

Taho

Ang food staple ng mga bata ay gawa sa silken tofu at arnibal at mula sa Hokkien word na “tau hu,” na ang ibig sabihin ay tofu o soybean curd.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahalintulad ito ng Chinese dish na “douhua,” isang soft tofu pudding.

Bagama't may pagkakaiba sa preparations at ilang ingredients, ang common denominator nila ay ang base ingredient na silken tofu.

Puto

Ang kilalang Pinoy panghimagas na gawa sa rice flour o galapong ay may impluwensiya rin ng China.

Ang katumbas nitong Chinese delicacy ay “fa-gao,” isang steamed cupcake pastry na minsan ay tinatawag ding prosperity cake o fortune cake.

Pero ang salitang "puto" ay mula sa Malay word na “putu,” na ang ibig sabihin ay “portion.”

taho, puto
While taho and puto are well-known Pinoy delicacies, they actually originate from Chinese food.
Photo/s: yummy.ph
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siopao

Kahawig ng “bao” o steamed buns ng China, ang palaman nito ay either asado o bola-bola.

Nung ipakilala raw ito ng mga Tsino sa Pilipinas, karaniwang kinakain ito sa almusal at meryenda kapares ng tsaa.

Chop suey

Ang origin ng mixed vegetables dish na ito ay pinagtatalunan. May mga artikulong nagsabi na nagmula ito sa U.S.

Pero ang nagdala raw sa U.S. ay mga Chinese immigrants.

Sa vlog na umamidays.com, sinabing ang “chop suey” ay pangalang inimbento sa U.S., subalit nagmula ito sa Chinese phrase na “tsap seui,” na ang ibig sabihin ay “miscellaneous leftovers.”

Galing daw ito sa Guangdong, China, na siyang pinagmulan ng mga naunang Chinese immigrants sa U.S.

Sila raw ang nagdala ng stir-fry veggie dish nang makarating sila sa Amerika.

Gayunpaman, hindi umano skilled cooks ang mga Chinese immigrants na ito.

Sa paglipas ng panahon, nag-evolve ang lasa ng dish, at ang Pinoy chop suey ay may kasamang meat o hipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
siopao, chop suey
Siopao comes from "bao" which means steamed buns in Chinese, while chop suey comes from the Chinese phrase "tsap seui," which means "miscellaneous leftovers."
Photo/s: yummy.ph

Read: Who is Gela Alonte?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NOT ORIGINALLY PINOY. While dishes like pancit, lumpia, and puto are widely considered Filipino staples, they actually have roots in Chinese cuisine.
PHOTO/S: Canva / Yummy PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results