Kadalasan, mga mommies, defense mechanism ito ng katawan. Ibig sabihin, nilalabanan nito ang infection.
Minsan, side effect ito ng vaccine o di kaya ay teething sa mga babies.
Pero hindi rin dapat makampante.
Kapag ang lagnat ay kasama ang alin sa mga sumusunod na sintomas, dalhin agad si bagets sa hospital:
- Ang bata ay three months old or younger at may rectal temperature na 38 degrees Celsius pataas
- Ang bata ay three to 12 years old at may oral temperature na 39 degrees Celsius
- Ang bata ay two years or younger at ang lagnat ay tumagal na ng 24 to 48 hours
- Ang bata ay nilalagnat at certain hours
- Ang bata ay may rashes lalo na sa likod
- Ang bata ay hirap sa pag-ihi
- Ang bata ay nagtatae
- Ang bata ay hirap sa paghinga
- Ang bata ay hindi tumitigil sa pag-iyak
- Ang bata ay walang ganang kumain
- Ang bata ay nagsusuka
Posible kasing ang lagnat mismo ay sintomas ng isang sakit:
- Infection: flu, urinary tract, chickenpox, ear, pneumonia
- Dengue
- Virus: Roseola
Ano ang gamot sa lagnat?
Ang usual prescription ng mga pediatricians ay paracetamol, at ang dosage ay depende sa edad at milligram per milliliter.
May ilang doctor na nagpe-prescribe ng ibuprofen, na mabisa rin moderate aches and pains.
But, mga mommies, mas maigi kung kukunsulta sa doctor para malaman kung ano ang sanhi ng lagnat.
Ano ang pampababa ng lagnat?
In the meantime, there are ways to reduce the fever without medication.
- Painumin si bagets ng maraming fluids. For babies, breast milk is best.
- Maglagay ng cool compress sa noo niya.
- Keep the room at moderate temperature—hindi gaanong mainit; hindi gaanong malamig.
- Huwag balot na balot.
- Bigyan siya ng lukewarm (not cold) sponge bath.
- Huwag hahayaang matuyuan siya ng pawis sa likod.