"Mommy, sakit tummy ko": Most common causes of sakit ng tiyan ng mga bata

It can mean depression pala.
by Emmy Burce
Aug 14, 2019
sakit ng tiyan ng mga bata, tummy ache, belly ache
Kung madalas sabihin ng bata ang linyang, "Mommy, sakit tummy ko," isa sa posibleng dahilan ay anxiety o depression.
PHOTO/S: iStock

"Mommy, sakit tummy ko."

Lahat ng mommies, naririnig ang linyang ito sa kanilang mga anak. Ika nga ng mga pediatricians, it is part of every kid's childhood, lalo na ang mga babies na nangangapa pa ang kanilang digestive system.

Pero kadalasan, may limang common causes ang sakit ng tiyan nila:

1. GAS O HANGIN

Kapag meron silang kabag, lalo na ang mga babies, puyat at pag-iyak ang resulta.

Ayon sa mga doctors, ang pag-swalllow ng hangin ay dulot ng alinman sa mga sumusunod:

  • Eating or drinking rapidly
  • Chewing gum or hard candy
  • Drinking soda
  • Using straws
  • Roaming around while eating

Kapag maraming hangin kasi ang nakapasok sa tiyan, may tendency na ma-trap ito sa intestinal tracts, at ito ang magiging dahilan ng bloating at cramping.

When this happens, ang mabisang gamot sa ganitong klase ng sakit ng tiyan ay aceite de manzanilla, na pinaghalong chamomile at citronella oils.

Rubbing a few drops on the kid's tummy can help relieve the stomach gas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2. INDIGESTION

May magandang dahilan kung bakit kailangang i-train si bagets na kumain nang maayos. Sa sobrang kalikutan kasi, baka hindi matunawan.

Ang iba pang sinasabing culprit behind indigestion ay ang mga sumusunod:

  • Eating too much
  • Eating too fast
  • Eating certain foods that upset the tummy

Minsan, may kasamang heartburn ito na ang sakit ay abot hanggang leeg, kaya maging maingat sa pagpili ng mga kakainin ng ating mga anak. Iwasan ang mga acidic na pagkain, gaya ng processed foods, sugar, at sweetened drinks.

Paano maiiwasan ang indigestion?

  • Sanayin si bagets sa smaller meals throughout the day kesa sa than three large meals.
  • Huwag na siyang pakainin bago matulog.
  • Huwag pakainin ng mga spicy o fatty foods.

3. CONSTIPATION

Naku, ito yung kundisyon na mapapaiyak si bagets dahil tila isang ordeal ang trip niya sa toilet. At ang most common cause ay ang hindi pag-inom ng tubig.

Narito ang iba pang salarin:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
  • Diet (sadyang may mga pagkain na nakakatigas ng stool)
  • Pagpigil ng bata na ilabas ang stool
  • Side-effect of a medical condition

For the latter, kailangang magpa-check-up sa doctor para masuri ang underlying reason.

But generally speaking, drinking water and eating high-fiber foods, gaya ng apple, broccoli, carrots, whole-wheat bread and cereals will make poo-poo time for tots and babies a more pleasant experience.

4. DIARRHEA

Kapag si bagets ay nagkaroon ng watery stool at mas madalas ang pagpunta sa banyo, ibig sabihin nito, may nilalabas ang katawan niya na germ o bacteria o virus.

Kadalasan, kakambal nito ang pagkawala ng gana sa pagkain. Minsan, may kasama pang fever.

Huwag na huwag hayaang umabot ito sa dehydration, kaya, mga mommies, if you are breastfeeding your baby, give him/her more. Sa mga toddlers naman, give them oral rehydration solution (ORS).

This may last for days and even weeks, kaya consult a doctor kapag nakikita mong hindi nag-i-improve ang kalagayan ni bagets after two days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

5. ANXIETY

Naku, kapag mistulang favorite line na ni bagets ang, "Mommy, sakit tummy ko," baka raw may emotional problem ito.

One out of four children go through this stage daw, ayon sa study ni John V. Campo, MD, ng Western Psychiatric Institute and Clinic sa University of Pittsburgh Medical Center.

Kasama sa findings ni Campo ang causes ng anxiety o depression: social phobia, separation anxiety, at generalized anxiety disorder.

Kaya next time you hear your child say this, pay attention. Huwag balewalain. Know what has been bothering him or her.

References:

Healthline.com

KidsHealth.org

HealthyChildren.org

WebMD.com

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung madalas sabihin ng bata ang linyang, "Mommy, sakit tummy ko," isa sa posibleng dahilan ay anxiety o depression.
PHOTO/S: iStock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results