Wala kang love life? Posibleng epekto raw ito ng walang tulog!

IMAGE Unsplash

Research shows that an eight-hour sleep has long-term effects physically, emotionally, and mentally. It also has an impact on love life and relationships.


Wala kang love life? Ang posibleng dahilan raw nito ay wala kang tulog!

Ilang oras usually ang tulog mo?

We bet, less than eight hours kahit pa alam mong maraming benefits ang pagtulog nang maaga at wasto sa oras.

Pero alam mo bang may epekto rin pala ito sa love life?

At bago mo sabihing mailap kasi si the one. I-check mo muna ang sleeping habits mo, uy. Baka kasi nagiging sanhi ito ng unhealthy cycle na siyang posibleng nagiging mitsa ng relationships mo.

Ayon sa Psychology Today, ang pagkakaroon ng consistent na high-quality sleep ay may long-term effects physically, emotionally, at mentally.

Isa-isahin natin:

Nagmumukha kang haggard.

Ayon sa mga sociologists, "well-rested individuals are judged as more attractive." Ang ibig sabihin kasi nito, maalaga ka sa sarili.

Nagiging grumpy ka.

Isa namang study na ginawa noong 2014 study ang nagsabing nagiging sanhi ito ng away sa relationships. Kahit sa mga taong single, hindi ba nagiging iritable o slow ka kapag puyat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa pang feature na inilabas ng Psychology Today, pati sense of humor mo raw ay naaapektuhan dahil kelangan nito ng "high level cognition."

Nagiging makakalimutin ka.

Kapapag natutulog ka kasi, nagre-reboot ang brain mo. Paano mo maalala ang petsa ng date mo o, kung may partner ka, ang date ng anniversary niyo?

Nababawasan daw ang sex drive mo.

Ayon sa NHS (National Health Service) website, "men and women who don’t get enough quality sleep have lower libidos and less of an interest in sex."

Kung pagod ka at parating puyat, paano magre-recuperate ang katawan mo? Kaya starting tonight, avoid puyat at alll cost. Isipin mo na lang na investment mo ito sa future family life at health mo.

Kung insomniac ka, please consult a doctor ASAP, okay.

If you need a love life, you definitely need more sleep.


Stories We Are Tracking



COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN