True or false: Ang pag-iyak ba ay nakakapayat?

Grab some tissue? Crying can help lose weight.
by Emmy Burce
May 19, 2019
Does crying really help a person lose weight? The latest study shows that shedding tears will not only make one feel calmer and happier, but help lose weight, too.
PHOTO/S: Anthony Tran and Luis Galvez on Unsplash

Ang pag-iyak ay nakakapayat. At hindi ito tsismis.

Hindi ba't kapag masama ang loob natin o malungkot tayo, sinasabihan tayo ng mga kaibigan na, "Sige, iyak ka lang, ilabas mo iyan."

It turns out, may epekto pala ito sa timbang.

Ito ay ayon sa scientific studies ng Tennessee-based stress expert na si Dr Pete Sulack.

Ang kanyang explanation, na ipinublish ng PopSugar.com: Ang "stress tears" ay naglalabas ng "hormones prolactin, adrenocorticotropic hormone, and leucine enkephalin."

Yung hormone na cortisol, na siyang responsible sa pag-regulate ng stress levels, ay sinasabing sanhi ng pagkakaroon ng "fat deposition in the abdominal area."

Kaya nga maraming studies ang nagsasabing nakakataba ang stress.

Pero nang dahil sa adrenocorticotropic hormone, kapag naglalabas ang katawan natin nito, nababawasan rin ang cortisol level sa katawan.

Samantala, sa artikulong lumabas sa New York Times, may isa pang study na isinagawa naman ng St. Paul-Ramsey Medical Centre, sa pangunguna ng biochemist na si Dr. William H. Frey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasulat rito na ang pag-iyak, katulad ng "exocrine processes such as sweating and urinating," ay nakakatulong sa paglabas ng "potentially harmful toxins and stress-induced hormones."

Pero kailangang "emotinally charged" ang iyong crying session.

Hindi uubra pag-iyak habang nagbabalat ng sibuyas o yung nagdadrama ka lang. Pero okay raw yung pag-iyak kapag affected ka sa pinapanood na movie.

Ayon pa kay Dr. Frey, ang "best time to cry" ay mula alas siyete hanggang alas diyes ng gabi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Does crying really help a person lose weight? The latest study shows that shedding tears will not only make one feel calmer and happier, but help lose weight, too.
PHOTO/S: Anthony Tran and Luis Galvez on Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results