Ano ang dapat gawin ng mga taong may insomnia?

You need to fix your sleep pattern.
by Emmy Burce
Jul 28, 2019
Hindi ka na naman ba makatulog? Emotional issues, daytime habits, at sleep environment ang ilan sa sinasabing cause ng insomnia.
PHOTO/S: Unsplash

Hindi ka ba makatulog? Yung tipong pagod ka na pero ayaw ka talaga dalawin ng antok?

Bigla ka bang nagigising sa madaling araw 'tapos hindi na makatulog pagkatapos?

At kinaumagahan, masama ang pakiramdam mo kasi nga, hindi ka nakatulog nang mahimbing at tama sa oras.

Ang tawag sa kondisyon na iyan ay insomnia, na kapag lumala ay puwedeng maging cause ng serious health problems.

Ayon sa HelpGuide.com, kalimitang dahilan ng insomnia ay emotional issues, gaya ng stress, anxiety, at depression.

May effect din sa pagtulog ang daytime habits, sleep environment, at medical condition.

ANO CURE SA INSOMNIA?

Kung kukunsulta ka sa mga sleep doctors, ang sasabihin nila ay dapat ayusin ang sleep pattern.

Ibig sabihin nito, for a period of time, maging consistent sa oras ng pagtulog at paggising hanggang sa makasanayan na ng katawan.

Ibig sabihin nito, whatever makes you fall asleep easily, ke music o ilaw o comfortable pillow, dapat isaalang-alang para madaling makatulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin rin nito, iiwasan ang mga bagay na pampagising, gaya ng:

Alcohol

Maituturing itong sedative, pero hindi mahihimbing ang pagtulog mo, at kung nasobrahan, hindi rin maganda ang gising mo.

Caffeine

Isa itong stimulant, kaya mainam uminom ng kape sa umaga. Huwag lang sobra.

At base sa poll ng National Sleep Foundation sa U.S. noong 2005, ang common denominator ng mga taong nagkaroon ng insomnia ay ang pag-inom ng four (or more) cups ng kape throughout the day.

Nicotine

Isa rin itong stimulant kaya hindi advisable ang paninigarilyo bago matulog.

Drinking too many liquids

Ang tendency kasi ng mga taong mahilig uminom ng maraming tubig ay maiihi kaya maaantala ang tulog.

Eating heavy meals

Two hours bago matulog, huwag nang kumain. Give your stomach enough time to digest what you ate before falling asleep.

Ang recommended hours of sleep para sa mga 18 to 64-year-old adults ay seven to nine hours.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

If you've been getting less even if you have been trying to fix your sleeping habit, i-try mo ang acupuncture, which, according sa mga nag-undergo ng ilang sessions, helps stimulate the production of melatonin, isang hormone na siyang in charge sa sleep–wake cycle.

Kapag nag-cause na ng iba pang health problem ang insomnia mo, it is best to consult a doctor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi ka na naman ba makatulog? Emotional issues, daytime habits, at sleep environment ang ilan sa sinasabing cause ng insomnia.
PHOTO/S: Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results