Inuubo ka ba?
Kadalasan, nagkakaroon ka nito dahil nakasagap ka ng isang irritant, at ang pag-ubo ang siyang nagiging reaksiyon ng katawan mo.
Halimbawa na lang ay kung merong mucus na nakabara sa airways mo, hindi ba't ang tendency is i-clear mo yung throat mo?
Another common cause is respiratory tract infection, na dahil sakop nito ang sinus, vocal chords, hanggang sa lungs, nagiging isa sa mga symptoms ang pagkakaroon ng ubo pati na rin ng sipon, sore throat, and even fever.
Isa ring culprit ang paninigarilyo kaya nga may tinatawag na smokers cough, na ayon sa Healthline.com, ay chronic at may distinct sound.
Ayon kay Dr. Khlaire Pioquinto, a pediatrician at Pioquinto Adult and Pediatric Clinic and Pharmacy, may dalawang klase ng ubo: "Acute cough –less than 2-3 weeks, chronic, more than 2-3 weeks."
ANO ANG MGA GAMOT SA UBO?
In general, the cough viruses go away on their own, usually within two months, lalo na kung magwa-water therapy, matutulog nang maaga, at kakain nang tama.
But if you want to address yung matinding pag-ubo o masikip na paghinga, may dalawang klase ng over-the-counter medicine.
Una ay ang expectorant, na tumutulong ilabas ang mucus mula sa lungs.
Hindi nga lang titigil agad ang pag-ubo, sa halip, mas mapapadalas ito hanggang sa mailabas lahat ng plema at nakabara sa airways.
Pangalawa ay ang suppressant, na, as its name suggests, pinipigil ang pag-ubo.
Ayon sa paliwanag ng drugs.com, it inhibits a "coordinating region for coughing located in the brain stem, disrupting the cough reflex arc." Recommended daw ito sa dryand irritating cough na wala gaanong kasama na plema.
Mas preferred din ito ni Dr. Pioquinto sa mga patients na merong allergic cough.
Pero bago ka pumunta sa pharmacy, alamin mo muna kung ang brand na plano mong bilhin ay "FDA approved and are prescribed by your doctors," ayon kay Dr. Pioquinto.
Do not self-prescribe.
Ang dagdag ng pediatrician, "You could be giving the wrong medicine, wrong amount, wrong duration."