Delikado pala ang varicose veins, hindi dapat balewalain

Delikado rin pala.
by Emmy Burce
Aug 31, 2019
Naku, kapag may varicose veins, goodbye shorts and skirt na.
PHOTO/S: iStock

Naku, delikado pala ang varicose veins.

A lot of ladies want them removed for vanity’s sake, pangit kasi tingnan. And once you have it, you can say goodbye to shorts and skirts for good.

BAKIT BA NAGKAKAROON NG VARICOSE VEINS?

Yung mga ugat kasi natin ay may one-way valves para ang pagdaloy ng dugo ay sa iisang direksiyon lamang. Kapag ang walls ng mga ugat na ito ay na-stretch, rumurupok ang valves causing the blood to flow in the opposite direction. Kapag na-stuck ang blood sa ugat, lalaki ang mga ito.

Usually, ang mga ugat na pinakamalayo sa puso ang affected. Kaya nga mas visible sila sa legs dahil mas hirap ang blood na dumaloy pabalik sa puso.

But did you know it can lead to serious health problems?

ANU-ANO ANG MGA SAKIT NA PUWEDENG IDULOT NG VARICOSE VEINS?

Normally naman, they just cause discomfort lalo na kung matagal kang nakaupo o nakatayo, but the doctors revealed these possible complications:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sores or skin ulcers

Resulta ito ng “poor blood flow,” which, subsequently, gives prolonged pressure on the tissues.

Superficial thrombophlebitis

Iang uri ito ng blood clot below the surface of the skin. Maaring magdulot ito ng pain, pamumula, at pamamaga.

Deep vein thrombosis (DVT)

Isa rin itong blood clot which happens deeper under the skin. Mararamdaman ito kapag nakaupo ka nang matagal, at ang feeling ay parang may mahabang ugat na naninigas.

Sa mga long-haul flights, ang blood clot ay posibleng mag-travel tpapunta sa lungs. Ang tawag sa kondisyon na to ay pulmonary embolism, na nagko-cause ng chest pain, and may even lead to death

PAANO MAIIWASAN ANG VARICOSE VEINS?

Mobility is crucial, ayon sa website ng Medical News Today. Kaya galaw-galaw pag may time.

  • Mag-exercise.
  • I-maintain ang weigtht.
  • Iwasan ang pagtayo nang matagal.
  • Iwasan ang pag-upo nang naka-cross leg.
  • Maupo o matulog nang naka-elevate ang mga legs.
  • Kapag mahaba ang air travel mo, wear compession stockings na nakakatulong sa blood circulation.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PAANO MAGAGAMOT ANG VARICOSE VEINS?

It’s best to consult a vascular specialist or a doctor who specialises in veins to know your best options.

Magdedepende kasi sa size at location ng veins ang treatment.

Narito ang ilan sa mga naitalang options sa iba't ibang health websites:

Endothermal ablation

This uses energy either from high-frequency radio waves (radiofrequency ablation) or lasers (endovenous laser treatment).

Ultrasound-guided foam sclerotherapy

This involves injecting special foam into your veins.

Ligation and stripping

This ties off the vein in the affected leg and remove it.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naku, kapag may varicose veins, goodbye shorts and skirt na.
PHOTO/S: iStock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results