Meron ka bang irregular menstrual cycle?
Masasabing irregular ang iyong menstruation o pagreregla kapag:
(1) nag-iiba ang lakas ng iyong period
(2) nag-iiba ang araw na tumatagal ang iyong regla
(3) nag-iiba ang mga araw sa pagitan ng susunod mong period; ang regular kasi ay 28-day cycle.
Kahit sanay ka na sa pagiging unpredictable ng period mo, hindi siya dapat balewalain lalo na kung ang babae ay nasa reproductive age dahil posibleng pagmulan ito ng fertility issues.
Baka rin sintomas o bahagi ito ng serious health problems sa iyong reproductive system, gaya ng pelvic inflammatory disease (infection of the uterus, fallopian tubes, ovaries, and cervix), endometriosis (painful disorder in the uterus), o cervical or uterine cancer.
The best thing to do is consult an OB-gynecologist.
For starters, kinonsulta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dr. Maynila Domingo tungkol sa mga detalyeng dapat malaman sa irregular menstrual cycle.
ANO ANG CAUSES NG IRREGULAR MENSTRUAL CYCLE?
Ang irregularity sa period mo ay may kinalaman sa hormones. Kaya nga, if a woman is trying to get pregnant at irregular ang kanyang menstrual cycle, pinapasailalim siya sa hormone treatments.
Ayon kay Dr. Domingo, "Alam mo marami kasi, talagang may irregular menses, 'no? So first and foremost, consult your doctor para ma-identify namin, 'Ano ba yung cause ng irregularity ng menses mo?' Kasi once we know the cause, we can address the cause."
Nasabi rin ni Dr. Domingo na ang abnormal mens ay posible ring resulta ng ibang sakit gaya ng thyroid problem o di kaya ay may tumutubong mass o tumor sa iyong utak.
Aniya, "For example, thyroid pala. May hyperthyroid pala siya. Kasi hindi lahat ng may thyroid problem may bukol sa leeg. So minsan, sa blood lang. 'Pag hyperthyroid, usually, hindi yun nagmemens. Kasi sobrang bilis ng metabolismo.
"O kaya minsan, may problem doon pala sa brain. May part ng brain na may mass or may problem with the production of hormone.
"So iba rin kasi ang treatment doon."
Ayon rin kay Dr. Domingo, ang mas madalas na dahilan ng irregular mens ay ang pagkakaroon ng Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS), na isang disorder kung saan hindi regular ang pagpo-produce ng iyong katawan ng hormones.
"So that is a hormonal imbalance. Iyan ang pinaka-common. Pero hindi naman lahat ng may irregular menses ay may PCOS."
Idinagdag niya sa possible causes ang growth of benign lumps in the uterus at stress.
"So maraming possible [causes]. So you have to identify," ang paalala ni Dr. Domingo.
ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG MERON KANG IRREGULAR MENSTRUAL CYCLE?
Iba-iba man ang sanhi nito, ang treatment ay magsisimula sa lifestyle, particularly sa diet at exercise.
Ang paliwanag ni Dr. Domingo, "In terms of natural [ways] na encompassing ito, kahit ano pang cause, dapat may proper diet and exercise."
Ang pagkain ng green leafy vegetables ay makatutulong dahil sa Omega-3, isang fatty acid na tumutulong sa pagkontrol ng iyong hormonal fluctuations, pati na rin ng iyong mood swings.
Bukod sa gulay, matatagpuan mo rin ito sa mga isda at low dairy products.
Nirerekomenda rin ni Dr. Domingo ang pag-iwas sa sweets.
Kung meron kang sweet tooth, bantayan mo na lang ang sugar intake para hindi ka magkaroon ng menstrual cramps at bloating during your period.
"So always remember, ang gusto nating iwasan, yung mataas ang sugar content, high glycemic food.
"So you want mga lower glycemic index kasi kapag mataas ang sugar, mas may inflammation."
Ilan sa mga pagkaing naitala na may low-glycemic index ay mga prutas, raw carrots, kidney beans, at bran breakfast cereals.
At imbes na kumain ka ng matatamis, why not try eating anti-inflammatory foods?
"It will help for you to eat yung mga high in anti-inflammatory na mga pagkain," ang advice ni Dr. Flores.
"So kunwari mga garlic, turmeric, ganoon. 'Tapos low fat, low salt."
Kailangan din ng low-sodium diet kaya iwasan muna ang maaalat na pagkain.
A good low-sodium diet consists of vegetables, fruits, dairy products, eggs, bread, and baked goods. Cut down on fast food, salted snacks, processed meat, juice blends, and salty alcoholic beverages.
Samantala, malaki ang magagawa ng exercise sa monthly period. Alam mo bang napi-prevent nito ang dysmenorrhea?
Don't worry, hindi raw kailangang every day at intense. In fact, kahit three times a week na cardiovascular workout ay okay na.
Ang sabi ng doktora, "Yung exercise, kahit mga 30 to 40 minutes ng cardiovascular exercise. Kahit three times a week lang. Hindi naman kailangan daily.
"So cardiovascular. You don't have to lift weights. Yun yung ine-emphasize namin."
Bukod pa rito, nirekomenda rin ni Dr. Domingo na mag-exercise regularly ang mga kababaihang may PCOS para mapanatili ang kanilang weight.
Aniya, "Kasi yung PCOS, bibigyan mo ng pills, magno-normal pero pag nag-fluctuate ulit yung weight, hindi ulit tama yung diet, babalik pa rin. Yun siya."
ANO ANG KINALAMAN NG BODY MASS INDEX SA IRREGULAR MENSTRUAL CYCLE?
Tungkol naman sa Body Mass Index o BMI, ang sabi ni Dr. Domingo, "Ito yung ideal weight for a particular height."
In-explain ng OB-gyn ang relation ng menstrual cycle sa BMI.
"Kapag underweight ka, hindi ka rin magreregla. Pag overweight ka naman, puwedeng lumakas nang bongga.
"So kailangan, yung weight mo per height is appropriate."
To know your BMI, gamitin ang mga online calculators sa heartfoundation.org o smartbmicalculator.com/.
Bukod sa pag-maintain ng tamang timbang, bantayan mo rin ang iyong waistline.
"'Tapos yung waist circumference is important," sabi ni Dr. Domingo.
"Not just for vanity purposes, pero kasi sa babae, iyong fats are deposited sa abdomen.
"It can be converted to the female hormone estrogen."
Ang estrogen, ayon sa livescience.com, ay importante para sa sexual and reproductive development ng mga babae.
Dugtong ng doktora, "So kapag marami ka noon, magiging balanced."
Consult a doctor ASAP if you are experiencing any of the following:
1. Ang period mo ay lampas 21 days.
2. Ang bleeding mo during menstrual period ay more than seven days.
3. Ang pain ay intolerable.