Bakit ayaw kang lubayan ng sipon? Ano kaya ang rason?

by Emmy Burce
Sep 30, 2019
Kung halos isang buwan ka nang may sipon, na hindi napapagaling ng kahit anong gamot, alamin kung sintomas nga ba ito ng mas malalang health condition.
PHOTO/S: iStock.com

In general, ang infection na dulot ng cold virus ay tumatagal lamang ng isa hanggang dalawang linggo.

And just like cough, water therapy and a good night sleep can make it go away without medication.

Paano kung halos isang buwan ka nang may sipon?

Ayon sa Health.com, normal daw sa mga bata ang magkaroon ng sipon once a month, at sa mga adults, two to four times a year.

Ito ay dahil sa maraming klase ng cold viruses na puwedeng masagap mo.

“There are millions of strains of the cold virus and the symptoms depend on the type of virus you get,” ang sabi ni Dr. Khlaire Pioquinto ng Pioquinto Adult and Pediatric Clinic.

Kung minsan nga, iniisip mong bumalik yung sipon mo when panibagong virus na pala ito.

But when should you start worrying?

Narito ang listahan ng mga sakit na ang isa sa mga sintomas ay sipon.

  1. Kapag may kasamang ubo na may clear o white phlegm, baka raw meron kang chronic post nasal drainage, na nagiging worse ang pakiramdam kapag nakahiga ka.
  2. Kapag may kasamang cough na may brown o green mucus, lagnat, shortness of breath, at may pain sa lung area, posible raw mauwi ito sa pneumonia.
  3. Kapag may kasamang ubo at wheezing na hindi mawala-wala, maaaring sintomas ito ng COPD (chronic obstructive lung disease).
  4. Kapag nagkaroon ka rin ng headache at lagnat on the 10th up to 14th day simula noong nagkaroon ka ng sipon, posible na meron kang sinusitis.
  5. Kapag nagkaroon ka ng dry cough at hindi magandang panlasa, baka raw acid reflux.
  6. Kapag hindi mapigilan ang pag-ubo at may kasama pang dugo, lagnat, at night sweats, maaaring sintomas sila ng tuberculosis.
  7. Kapag pabalik-palik ang sipon mo, either meron kang allergy or mahina ang immune system mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

It is best to consult a doctor upang malaman kung common or complicated ang cold viruses na nasagap mo.

Para sa common relief, makakatulong daw ang vapor rub at nebulizer, ani Dr. Khlaire.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung halos isang buwan ka nang may sipon, na hindi napapagaling ng kahit anong gamot, alamin kung sintomas nga ba ito ng mas malalang health condition.
PHOTO/S: iStock.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results