Kung susumahin ang kabuuang gastos para sa bakuna, hindi lahat ng Pilipino ay maa-afford ito.
Kahit pa sabihing hindi dapat tinitipid ang sariling kalusugan, mas priority pa rin ang pagkain at gastusin sa araw-araw.
Kaya naman, naglunsad ang Department of Health (DOH) ng nationwide immunization program lalo pa't sunud-sunod ang cases ng polio, dipththeria,. at measles sa bansa.
Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang DOH upang isa-isahin ang mga bakunang puwedeng makuha nang libre sa health centers at public schools.
Ayon family health department ng DOH, ang vaccines ay naka-categorize into three groups: vaccines for babies, public school students, and the elderly.
FREE VACCINES FOR BABIES
As early as childbirth, maaring mapabakunahan nang libre ang iyong anak through the Expanded Program on Immunization (EPI) ng DOH.
Ang program na ito, ayon sa DOH, ay in-establish as early as 1976 para masiguradong may access ang mga baby, toddler, at nanay sa "routinely recommended infant or childhood vaccines."
Bahagi nito ay ang pagbibigay ng libreng BCG or Bacille Calmette-Guerin vaccine at Hep B vaccine sa mga newborn babies.
Mahalagang mabigyan ang iyong baby ng mga bakunang ito dahil ang BCG vaccine ang proteksiyon laban sa tubercolosis, habang ang Hep B ay pangontra sa virus ng hepatitis B.
Pagdating ng one and a half months old, maari mo ring mapabakunahan nang libre ang iyong baby ng OPV, IPV, Pentavalent, and PCV vaccines.
Ang OPV ay binibigay sa babies as oral drops in three doses, habang ang IPV ay binibigay sa pamamagitan ng injection kasabay ng third dose ng OPV.
Parehong proteksiyon laban sa polio ang nasabing vaccines.
Ang Pentavalent vaccine naman ay pangontra sa limang deadly diseases na Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Hepatitis B, at Haemophilus influenzae type B.
Ang PCV or pneumococcal conjugate vaccine ay mahalaga rin bilang proteksyon sa pneumonia.
Bukod pa rito, nagbibigay rin ang DOH ng libreng MCV and MCV 2 vaccines sa mga nine-month-old babies.
Ang mga vaccines na ito ay proteksiyon ng inyong anak laban sa meningococcemia, isang life-threatening disease na puwede ring magdulot ng pagkabingi at pinsala sa limbs, nervous system, and brain ng sino mang magkaroon ng ganitong sakit.
FREE VACCINES FOR ELEMENTARY PUBLIC SCHOOL STUDENTS
Ang school-based immunization program naman ng DOH ay para sa older children and adolescents.
Bibisita ang DOH sa mga pampublikong paaralan from June to September of every year upang mabigyan ng MCV at Td o tetanus-diphtheria vaccine ang mga grade one students.
HPV o human papillomavirus vaccine naman ang binibigay sa mga female students na 9 to 14 years old.
Samantala, ang grade seven students ay bibigyan ng MCV at BCG vaccines.
Mabuting maging updated sa mga announcements ng paaralan ng inyong anak dahil sabi ni Health Secretary Francisco Duque, babakunahan lamang ang mga batang may consent mula sa kanilang magulang.
Ayon sa website ng DOH, "The health chief stressed that only learners with parental consent will be vaccinated after a quick health assessment and evaluation of their immunization status against measles."
FREE VACCINES FOR SENIOR CITIZENS
Bukod sa babies at kids, nagbibigay din ang DOH ng libreng bakuna sa mga adults na 60 years old and above.
Ito ay bahagi ng kanilang health and wellness program for senior citizens na ayon sa kanilang website ay para sa "older persons who are encountering degenerative diseases."
There are two types of vaccine na binibigay nang libre sa mga senior citizens.
Isa na rito ang PPV, na pangontra sa pneumococcal infection na maaring magdulot ng permanent brain damage at death sa sino mang tamaan nito.
May libreng flu vaccine rin para sa edad 65 years old pataas.