Mika dela Cruz rushed to hospital; dahil ba sa allergy?

by Jet Hitosis
Oct 28, 2019
Pamamaga ng mukha at pantal-pantal o rashes ang ilan sa mga binanggit na symptoms sa Instagram account ni Mika Dela Cruz. May allergy kaya siya?
PHOTO/S: @mikadlacruz on Instagram

Titla tumigil ang mundo para kay Mika dela Cruz nitong mga nakaraang araw.

Nakadalawang balik kasi siya sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, kung saan na-confine siya sa isang isolation room.

Sa una sa dalawang litrato sa kanyang Instagram Story nitong Linggo, October 27, ang caption ni Mika ay (published as is): “hi st luke’s (laughing with tears emoji) it’s so weird to be seeing you again.

“akala ko tapos na tayooo bat andito nanaman ako (grinning face tongue sticking out, hear no evil monkey emojis).”

Continue reading below ↓

Sa ikalawang picture, tinakpan ni Mika ng smiling censored emoji ang tapat ng mukha sa kanyang selfie.

Pero makikita ang makapal at mapulang rashes sa leeg ng 20-anyos na young actress sa litrato.

Ang caption niya (published as is) “lord heal me po ok? (kissing face emoji) sawang sawa napo ako magrest sa bahay hehe.”

Nabanggit din ni Mika sa kanyang Story na halos isang buwan na siyang may sakit at hindi makapagtrabaho dahil sa “physical symptoms na hindi mawala wala.”

Heto ang caption ng ikalawa niyang Story: “been sick for almost a month now.

“missed a lot of opportunities & work because of the physical symptoms na hindi mawala wala.

“& now this!! ngayon lang lumabas yung rashes (three laughing with tears emojis).”

Continue reading below ↓

On October 28, iisang throwback photo ang pinost ni Mika dahil hindi siya makapag-post ng selfie dahil sa mga "pantal-pantal" niya.

Isinulat niya sa caption: “teka lang a refillan ko lang tong tubig (three laughing with tears emojis) (sorry na guys wala akong mapost na current picture lam niyo namang pantal pantal ako ngayon) (peace sign emoji).”

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ma-discharge mula sa parehong ospital si Mika dahil sa “infection eberywhere & pamamaga ng mukha.”

Sa Instagram post ni Mika nitong October 18, nagbahagi siya ng dalawang litrato habang nakaupo sa ibabaw ng kama.

Sa parehong litrato, tinatakpan ni Mika ang kanyang mukha, bukod pa sa malayo ang kuha sa kanya.

ALLERGY AND ITS SYMPTOMS

Walang sinagot si Mika tungkol sa mga tanong sa kanyang sakit, pero lahat ng binanggit niyang symptoms ay may kinalaman sa allergy.

Ang pamamaga ng mukha at pagkakaroon ng rashes na dulot ng infection ay pupuwedeng bunsod ng allergic reaction sa pagkain o gamot, o reaction ng katawan sa bacteria na nakaapekto sa balat, ayon sa healthline.com.

Continue reading below ↓

Bukod sa mga nabanggit ni Mika, narito ang iba pang symptoms:

  • Sneezing and an itchy, runny or blocked nose (allergic rhinitis)
  • Itchy, red, watering eyes (conjunctivitis)
  • wheezing, chest tightness, shortness of breath and a cough
  • Tummy pain, feeling sick, vomiting or diarrhoea
  • Dry, red and cracked skin

Hindi ito dapat balewalain dahil may mga allergy na posibleng mauwi sa anaphylaxis o anaphylactic shock, isang severe allergic reaction. Ito ay life-threatening.

Ang mga symptoms ng kasama nito bukod sa pamamaga ng mukha at lalamunan ay ang mga sumusunod:

  • difficulty in breathing
  • lightheadedness
  • confusion
  • blue skin or lips
  • collapsing and losing consciousness

Samantala, ayon sa website ng Harvard Health Publishing, ang pagkakaroon ng allergy ay resulta ng "overactive immune system." Ibig sabihin nito, iisipin ng katawan ng "dangerous threat" kahit ang mga harmless substances, gaya ng bulaklak, detergent powder, ai iba pang allergens.

Ang stress din ay may epekto sa allergic response, it can make it worse.

Nakasaad sa Harvard Health Publishing, "Stress amplifies our emotional reaction to any symptoms we are having."

Buko pa rito, "stress hormones can ramp up the already exaggerated immune system response to allergens."

MIKA'S FANS ARE WORRIED

Nabanggit ni Mika na ten days na siyang hindi nakakapagtrabaho dahil sa kanyang “namamagang mukha at kaluluwa.”

Continue reading below ↓

Maraming fans tuloy ang nag-alala sa kaynag “infection everywhere.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Mika, “a lot is going on” kaya “patong patong na din,” bukod pa sa nagkataong “mahina ang immune system" niya.

Continue reading below ↓

Dahil sa muling pagkakaospital, hindi nakadalo si Mika sa birthday party ng nakatatandang kapatid na si Angelika dela Cruz nitong October 27 (sa October 29 ang actual birthday).

Nagpadala na lang si Mika ng regalong "coldcuts cheese fruits & chocolates" sa kanyang ate.

Pinasalamatan naman ni Angelika ang kapatid, sa sarili niyang Instagram Story.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pamamaga ng mukha at pantal-pantal o rashes ang ilan sa mga binanggit na symptoms sa Instagram account ni Mika Dela Cruz. May allergy kaya siya?
PHOTO/S: @mikadlacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results