Nahawaan din ng COVID-19 ang TV host na si Pia Guanio.
Sa kanyang Instagram kagabi, January 19, 2022, sinabi ni Pia na pati ang bunso nilang anak na si Brooklyn ay nahawaan din ng virus.
Una nang nagkasakit ng COVID-19 ang asawang si Steve Mago at ang panganay nilang anak na si Scarlet pero gumaling na ang mga ito.
Sabi ng Eat Bulaga! co-host, "Together in sickness and in health. A day after @steevemago and @iamscarletmago got cleared for Covid, my youngest and I tested positive.
“But praise God that we are having it easy! And we got the best nurses who already know what to do to care for us.”
View this post on Instagram
Noong nakaraang linggo, inanunisyo ni Pia na naka-isolate sa isang bahagi ng kanilang bahay ang kanyang mag-ama dahil positibo sila sa COVID.
Mild lang naman daw ang sintomas ng dalawa at maayos na hinaharap ang kanilang recovery period.
Saad niya, “My husband @steevemago and daughter @iamscarletmago are both isolating after testing positive for Covid-19.
"Because of God’s grace and great love both of them are experiencing very mild symptoms and are in good spirits.
"Thank you LORD! We miss them badly but we are grateful they are healing and recovering well.”
View this post on Instagram
Pami-pamilya ngayon ang nagkakasakit ng COVID-19 ngayon dahil sa mapanghawang Omicron variant ng virus.
