Watch Now

Enzo Pineda recalls taking care of his dad, both of them COVID-19 patients

by Rommel Gonzales
Apr 7, 2022
Enzo Pineda as DOK
Enzo Pineda's COVID-19 ordeal in 2020 has prepared him for his role in DOK, the first Pinoy film to be released in cinemas this 2022.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Sa isang birthday party nahawa si Enzo Pineda ng nakamamatay na virus noong 2020.

Maging ang ama niyang si Representative Eric Pineda ay nahawa rin.

Kuwento ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was my brother’s birthday party so alam niyo naman po, minsan, may nagkaka-birthday, minsan nawawala yung pag-iingat natin.

"So dun po ako nahawa ng COVID, bisita po, at my dad wasn’t in the area sa bahay, pero, somehow, nasa area din ako, parang… nahawa pa rin siya.

"Naagapan namin agad kasi nagkaroon siya ng pneumonia, very mild, pero tinawagan na siya ng doktor na habang maaga pa, pumunta na kaagad sa ospital.

“Kasi karamihan po sa atin minsan hinihintay po natin na maging malala.”

DAD's companion in the hospital room

Ang mga sintomas raw ni Enzo ay mild, pero halos lahat ay mayroon siya, “Ubo, sipon, diarrhea, pero it all happened in parang bawat araw.

"It happened within a week pero per day, iba-iba yung symptoms.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang araw niya nakaramdam ng mga sintomas bago siya nagpa-swab?

Tugon ni Enzo, “Yung una, nung nalaman kong positive yung isa naming bisita, 'tapos negative ako nung una.

"Pero I doubt it kasi nung day na yun, medyo nakakaramdam na ako, pero hindi lang siguro nag-sink in kasi it takes three to five days.

"Nung nagpa-swab ako kaagad ng two days after, 'tapos nagkaroon ako ng symptoms, nagpa-swab ako ulit.

"Alam ko na positive kahit hindi siguro ako magpa-test alam ko na, e. 'Tsaka wala na rin akong panlasa, nanghihina na ako.

"Siyempre coming from a birthday party, may konting puyatan, konting drinks, iyon talaga yung nakakababa ng immune system, e, so ayun po.

“My dad was admitted for a week. The doctor told him, na puwede siyang magsama ng companion basta naka-PPE [personal protective equipment].

"So nagpaalam ako sa dad ko, sabi ko, ‘Dad, puwede bang ako na lang ang sumama sa iyo? Can you ask the doctor if okay lang ba may dalawang positive patients sa isang room?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung mas malala ba yung symptoms nung isa mas mahahawa ba ako? Hindi naman daw so ako po ang nag-alaga sa dad ko for a week.”

Mas unang gumaling si Enzo mula sa COVID at kahit magaling na siya ay hindi pa rin niya iniwan sa ospital ang kanyang ama.

In-advise rin daw sila ng doctor na bumili ng massage table. Mas maganda raw kasi ang breathing ng mga COVID-19 patients kapag nakadapa at nakalubog ang mukha sa face cradle ng massage table.

Patuloy na salaysay ni Enzo, "Hindi ko alam yung science doon pero mas maganda raw, e, so ako pa ang nag-arrange ng massage table.

"Kinausap ko pa yung mga utility people sa hospital kung baka naman puwedeng iakyat kasi kailangan talaga. So everything na kailangan ng dad ko ako na po.”

PLAYING DOCTOR IN NEW MOVIE

Nakausap ng PEP.ph si Enzo sa premiere night/mediacon nitong Linggo, April 3, 2022, sa Sta. Lucia East Mall Cinema ng bagong pelikulang DOK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumaganap rito si Enzo bilang isang doctor na may inang dinapuan ng severe COVID-19.

Ang DOK ay produced ng Donya Productions ni Atty. Maria Angelica de Ramos na siya ring direktor ng pelikula sa kanyang unang venture into film directing and producing.

Ito ay base sa mga tunay na pangyayari sa buhay ni Attorney Angie at ng kanyang anak na doctor.

Lahad ni Enzo, “Ako po, I’m just really thankful na yung son ni Attorney Angie, si Doc Anthony, the real DOK was there all throughout the film.

"So I’m very blessed kasi hindi naman po ako nag-aral ng pagiging doktor, pero I had the opportunity to somehow learn and feel what it’s like to be a doctor.”

Unang beses din daw ni Enzo na gumanap bilang doctor, “Siyempre ako naman po, bilang artista gusto ko naman na accurate yung pag-portray ko kasi siyempre kailangan nating iangat yung quality ng Filipino films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan pag doktor ka, kailangan lahat ng galaw mo, kilos, sinasabi mo, ay tama.”

Bukod kay Enzo bilang si Tommy ay bida rin sa pelikula ang aktres na si Mickey Ferriols.

Ang DOK ang pinakaunang Filipino film na ipapalabas sa mga sinehan ngayong 2022. April 6 ang opening day nito.

Mensahe ni Enzo, “Ako po I feel very lucky just to be working. Isa po ito sa mga pelikulang unang tinanggap ko, isa po ito sa mga unang trabaho ko during the pandemic.

"Of course, it was difficult for all of us kasi we have to leave our families, may COVID, pero we felt that ito pong istorya na ito, kailangan po naming i-shoot at ipakita po sa taumbayan kasi very inspiring po ang film na ‘to.”

Tampok rin sa pelikula sina LM Mercado, Sawera Akhtar, Aryan Akhtar, Potchi Angeles, Nics Orense, Carl Acosta, Johnessa Belen, Sylvia Manansala, Charles Anoyo, Christian Villanueva, Celine Castillo, Rey Mark Claret, Jake Piedad, Kyle Almenanza, Monica Bianca, Sheryl Surara, Shobee de Vera, Jigzer Narag, Lanze Galope at Rob Sy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Introducing naman sa pelikula si Maria de Ramos, at may special appearance si Dr. Anthony Philip Villalon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enzo Pineda's COVID-19 ordeal in 2020 has prepared him for his role in DOK, the first Pinoy film to be released in cinemas this 2022.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results