Watch Now

Mickey Ferriols reveals, "I was an anti-vaxxer," until she gets hit by COVID-19

by Rommel Gonzales
Apr 10, 2022
Mickey Ferriols stars in DOK
Former anti-vaxxer Mickey Ferriols shares her harrowing Covid-19 ordeal, and narrates how she eventually convinced herself to get vaccinated.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Tinamaan din ng COVID-19 ang aktres na si Mickey Ferriols.

Ayon sa kanyang kuwento, nitong nakaraang January 2022 raw siya nagkasakit.

Lahad niya, “Brain fog, 'tapos masakit yung ulo 'tapos fever, pero thankfully, ano lang ako, three days lang akong may sakit.

“So, binantayan ko lang ng paracetamol round-the-clock, 'tapos sponge bath. After three days, thank God gumaling naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mickey sa premiere night ng pelikula niyang DOK noona nakaraang Linggo, April 3, sa Sta. Lucia East Mall Cinema.

MICKEY'S BOUT WITH COVID-19

Paano niya nalaman na may COVID-19 siya?

Tugon ni Mickey, “Kasi parang all these times since the pandemic started in 2020, parang alam mo yung normal mo, e.

"All of a sudden, parang, ‘Bakit ang init ng mata ko? Bakit ang sakit ng ulo ko?’ Nung tumaas na yung temperature ko, nagte-thermometer ako.

"Sabi ko, ‘Teka muna, bakit thirty-eight yung temperature ko?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos, napapanood ko sa news na ano na nga, ‘Omicron, it’s very contagious.’

“I think mas triple yung pagiging contagious niya compared to the other variants like Delta pero hindi siya ganun ka-deadly, it’s not deadly. It’s just very communicable.”

Hindi na raw sumailalim si Mickey sa swab test dahil sa pangamba.

Aniya, “Kasi nasa bahay lang ako, sabi ko kung lalabas pa ako…”

Paano niya nalaman na may COVID-19 siya kung hindi naman siya nagpa-test?

Paliwanag ng aktres, “I had all the symptoms. Walang swab kasi, first of all, ayokong lumabas. Bakit? Baka makahawa pa ako.

"I’ve had trangkaso before, ito yung first time na nagkalagnat ako na parang… iba e, may brain fog.

"Yung nagkakalagnat ka parang may trangkaso ka okay lang, kikilos ka pa rin. Ito wala, talagang bagsak ako.”

Sigurado raw si Mickey na tinamaan siya ng Omicron dahil napapanood niya sa news na iyon talaga yung symptoms niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At kahit sabihin nating Omicron lang yun, iba! Iba siya sa mga trangkasong I had before, it’s different. Talagang pahihigain ka niya.

“So sabi ko, ‘Oh my gosh!’ After that, talagang…”

Dalawa lamang sila sa bahay ng kanyang anak na binatilyo at mabuti na lang ay hindi ito nahawa kay Mickey.

Lahad pa niya, “Kasi pag mas bata yata, mas malakas ang resistensiya nila. Thank goodness! And naka-vitamins lagi siya, I make sure he takes them every day.”

TRUE STORY

Rebelasyon pa ni Mickey, dati raw ay hindi siya naniniwala sa bakuna kaya wala pa siyang bakuna noong tinamaan siya ng COVID-19.

Sambit niya, “Kasi anti-vaxxer ako to begin with, I was an anti-vaxxer."

Bakunado na raw siya ngayon, “Now I’m fully vaxxed, I will have my booster in May, next month.”

Late na nga raw nagpabakuna si Mickey matapos niyang marinig ang mga stories ni Atty. Maria Angelica "Angie" de Ramos na siya ring direktora ng DOK na unang venture nito sa film directing and producing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi daw ni Attorney Angie sa kanya. "‘Naku, after magkasakit, magpapabakuna ka!’ My gosh magugulat kayo yung mga pasa ni Attorney...

“Actually, when we were shooting DOK last year, Attorney was telling me na, ‘Yeah, get vaccinated.’

“Ako parang, 'Oo nga, ‘no?’ Kasi nangyari sa kanya first-hand experience, e. So I believed that, pero alam mo yung parang, ‘Okay…’”

Ang DOK ay base sa mga tunay na pangyayari sa buhay ng abugada noong ito ay na-infect din ng COVID-19 virus.

Ito ay produced ng Donya Productions ni Attorney Angie at dito ay ipinakita ang hirap na pinagdaanan niya nang siya ay nagkasakit.

Ang kanyang character ang ginampanan ni Mickey sa pelikula at ang kanyang anak na doktor ay ginampanan naman ni Enzo Pineda.

Tampok rin sa pelikula sina LM Mercado, Sawera Akhtar, Aryan Akhtar, Potchi Angeles, Nics Orense, Carl Acosta, Johnessa Belen, Sylvia Manansala, Charles Anoyo, Christian Villanueva, Celine Castillo, Rey Mark Claret, Jake Piedad, Kyle Almenanza, Monica Bianca, Sheryl Surara, Shobee de Vera, Jigzer Narag, Lanze Galope at Rob Sy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Introducing naman sa pelikula si Maria de Ramos at may special appearance si Dr. Anthony Philip Villalon.

Palabas na ang DOK sa mga sinehan simula ngayong April 6.

MESSAGE TO ANTI-VAXXERS

Bukod sa mga ikinuwento sa kanya ni Attorney Angie tungkol sa pinagdaanan nito sa COVID, si Mickey mismo ay may sarili na ring first-hand experience tungkol sa sakit.

Mild symptoms lamang ang naranasan ni Mickey samantalang severe COVID ang tumama kay Attorney Angie.

Ano ang mga naranasan ni Attorney Angie na nahirapan si Mickey na i-portray sa DOK?

Aniya, “Hindi na siya makahinga, puro pasa, wala siyang panlasa, she went for ilang days na walang kasama, walang kausap, walang toothbrush, walang ligo.

"Totoo, it’s a reality! Imagine mo, being a human being nasa isolated na lugar ka, you’re isolated from everyone,

"She cannot stand up, she can lie down, there’s a certain position na kaya lang niya.

“Hindi siya puwedeng, ‘Ah okay, relaks lang ako,’ hindi. May certain position lang na eto lang, dito lang ako nakakahiga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saan nakuha ni Mickey ang COVID-19 niya?

“Feeling ko, yung pagpunta-punta ko sa grocery. Wala naman akong ibang pinupuntahan kund grocery-bahay-grocery.

“Feeling ko, in one of my grocery runs baka na-pick up ko, kasi nga it’s very communicable.”

At dahil nga hindi pa bakunado si Mickey noong mga panahong iyon, posible rin itong naging sanhi ng kanyang pagkasakit.

Bakit nga ba ayaw niyang magpabakuna noong una?

Paliwanag niya, “Kasi parang iniiisip ko before na since ang bilis ma-develop, baka hindi naman masyadong potent iyan, baka kung ano lang.

“So I believed siguro yung sinabi ni Attorney sa akin na nasa sixty percent, pero iniisip ko baka puwedeng i-delay ko pa.

“Pero nung nagka-Omicron ako parang, 'Oh my gosh, it is real, it is here!' So sabi ko, yeah I think it’s best to protect myself and my son by getting vaccinated.”

May mensahe si Mickey sa mga hindi pa rin naniniwala sa bakuna laban sa COVID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hay, naku guys! You know, I think it is our civil duty, it is our responsibility and duty as citizens of this world to get vaccinated.

"Proteksiyon mo na iyan sa sarili mo at proteksyon na rin ng iba para sa kanila.

“So, nagpoprotektahan tayo! So, get out and get vaccinated talaga!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former anti-vaxxer Mickey Ferriols shares her harrowing Covid-19 ordeal, and narrates how she eventually convinced herself to get vaccinated.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results