Watch Now

How Mike Agassi lost 36 pounds and tiyan during Widows' Web lock-in taping

by Rommel Gonzales
Apr 12, 2022
Mike Agassi's fitness journey for role in Widows' Web
When Mike Agassi began taping for Widows' Web, "sobrang taba ko pa." But in less than 40 days, he lost 36 pounds!
PHOTO/S: @michaelagassi on Instagram

Tumatak si Mike Agassi sa mga TV viewers kamakailan dahil sa kanyang lambitin scene sa GMA-7 series na Widows' Web.

Sa may railing ng balkonahe, kitang-kita ang karakter ni Mike na naka-brief.

Mike Agassi in Widows' Web

Carmina Villarroel and Mike Agassi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumaganap siya bilang George, ang young lover ni Barbara, na karakter ni Carmina Villarroel.

Mike Agassi plays George, lover of Carmina Villarroel's character in Widows' Web

Pero hindi ang paglambitin sa eksena ang naging challenge para kay Mike.

Mas challenge sa kanya sa scene na ito ay ang magpapayat.

Ito ang ikinuwento ni Mike sa exclusive Zoom interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong March 30, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, hindi talaga ako makakapag-complain, pero pag katulad nung role ko sa Widows’ Web, when I accepted the role, sobrang taba ko pa.

"'Tapos with one day, two days' notice, sinabihan nila ako, ang role ko, basically, magpapakita ng abs."

Kaya sa 40 days na nasa lock-in taping siya, sineryoso niya ang pagpapapayat.

Sa pagpapatuloy ng aktor, “So during those lock-in taping, quarantine, napakundisyon ko ang sarili ko, I lost 36 pounds. So napalabas ko lahat ng muscle ko and everything for the show.

“So for me, nag-benefit ako dun sa lock-in taping kasi mas napo-focus ko yung work.”

Ang resulta: From flabs ay nagmumura ngayon ang kanyang abs!

Mike Agassi from flabs to abs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FITNESS ROUTINE DURING LOCK-IN TAPING

Paano niya na-lose ang 36 pounds at gaano katagal ito inabot?

"Actually, every three years basta may project ako, I lost weight, I could lose weight.

"Ito lang ang naging challenge sa akin, because this is my fifth time… before, I used to work out sa gym.

"Inisip ko, e, pag nag-Europe ako, 40 days hindi ako makakapag-gym, so tumataba ulit ako, kasi I love travelling.

"When I travel to Europe, sa States, kailangan yung workout program ko, puwede kong gawin anywhere.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadalawang beses na raw nakapunta sa Europe si Mike—una ay noong 2018 at sumunod ay noong 2019.

“So ang dami kong tinesting na iba-ibang exercise, at ngayon, nagagawa ko yung exercise na kahit sa kuwarto ka, without any equipments [sic], kaya mong i-workout.

"'Tapos it's fit for everyone. So iyon, basically nag-high intensity training lang ako sa room, mga 12 minutes a day everyday nung nagpapa-lose weight ako."

Ayon sa healthline.com, ang High-Intensity Interval Training o HIIT "involves short bursts of intense exercise alternated with recovery periods." So puwede siyang running as fast as you can for 15 seconds, then slow jog for one minute. Uulitin lang ang pattern na ito for 10 to 20 minutes.

Pag dating naman sa diet ni Mike, "...nag-less than 1,000 calories ako. Siguro it took me 12 days, 22 pounds?"

Kailangan daw ay consistency sa fitness routine at "low-calorie diet... 'tapos low carbs. It was very fast!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

But a word of caution from Mike, hindi para sa lahat ang paraan niya ng pagpapayat.

Aniya, “It was very fast. Pero yun nga, hindi ko ina-advise sa mga ibang binibigyan ko ng program na ganun kabilis kasi medyo delikado. Usually it takes four to seven weeks.”

Mike Agassi fit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ibinigay na larawan sa amin si Mike kung saan malaki ang kanyang tiyan. Bakit may mga panahong tumataba siya?

“Ahmmm, I love to drink,” at natawa si Mike. "'Tapos mahilig ako sa tinapay.”

Hindi raw siya humihinto sa pag-inom, pero dalawang beses sa isang linggo lamang, at binabalanse niya sa tamang diet at exercise.

Madali kay Mike ang magpapayat at umabot pa nga raw sa puntong nasabihan na siya ng direktor ng Widows’ Web na si Jerry Sineneng na sobra na siyang payat.

“Sabi ko, ‘Wow, first time ko iyang narinig!’ Sabi niya, ‘Kailangan mong magpa-laman.’

“So I was eating kahit ano na, e. And ang problem, yung program na ginawa ko, ang bilis makapayat talaga. Kasi ano siya, e, more of heart-rate training.”

Ano ba ang mga exercise routines na ginagawa niya?

“Wala, alam mo yung… Jumping Jack, Butt Kick, Knee Raise, mga ganun lang.”

Naimpluwensiyahan rin ni Mike ang roommate niya sa lock-in taping at co-star sa Widows’ Web na si Josh Ivan Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mike Agassi with Widows' Web co-star Josh Ivan Morales

“He lost 20 pounds in less than 21 days! Sinunod niya yung diet ko 'tapos mino-monitor ko yung workout niya.

“Meron akong mga friends, nasa 50s na, four inches ang [nawawala sa] waistline in one week."

Ngayong hunk na hunk na muli si Mike, handa na ba siyang pagpantasyahan na naman ng mga kababaihan at kabadingan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Why not,” ang nangingiting sagot ni Mike. “Kumbaga I did it for them naman, basically, for the role, actually.”

Mike Agassi fitnee journey

Hindi na raw magpapataba muli si Mike.

“Hopefully ito na yung fifth time and last time kong maging fit 'tapos I could maintain it. Kasi itong [exercise] program na ‘to hopefully kahit 60-plus na ako, kaya ko pang gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit may mga pagkakataong “bumibitiw” siya sa kanyang diet and exercise program na nagiging sanhi ng pagtaba niya?

“Kasi first time akong nagka-abs, I was depending on a gym so kailangan kong mag-gym every time. 'Tapos later on, naging dependent naman ako sa boxing, Muay Thai, so I have to do it with someone naman.

"E, right now, I do my program by myself, in my room, so saktung-sakto sa lock-in taping.”

KAPAMILYA TO KAPUSO

Nag-umpisa si Mike bilang Kapamilya, tulad ng kanyang kuya na si Carlos Agassi. Naging bahagi si Mike ng Star Circle Batch 9.

Pero taong 2019, lumipat si Mike sa Artists Circle Talent Management Services at naging manager niya si Rams David.

Si Rams ay ni-refer kay Mike ng singer-actor na si Bradley Holmes, na talent din ni Rams.

Nagkasama at naging magkaibigan sina Mike at Bradley simula nang nagkasama sila sa ABS-CBN teleserye La Luna Sangre (2017). Nagkasama rin sila sa ilang episodes ng Ang Probinsiyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang isang Kapuso, unang napanood si Mike sa Pepito Manaloto at Bihag noong 2019, at Bilangin Ang Bituin Sa Langit noong 2020.

Ngayong 2022 ay napapanood si Mike sa Widows’ Web, kung saan nakaranas siya ng una niyang lock-in taping.

Pabor ba siya na ituloy ang lock-in or “bubble taping” na set-up kahit medyo lumuluwag na ang COVID-19 quarantine restrictions?

Tugon niya, "Actually safety muna, 'no. Pero siguro pag lock-in taping, ewan ko, ngayon ko na-feel yung may rest yung mga crew and yung mga bosses namin.

"So I think it’s good for them, kasi sa kanila ako naawa, e, sila yung first in, last out, e."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When Mike Agassi began taping for Widows' Web, "sobrang taba ko pa." But in less than 40 days, he lost 36 pounds!
PHOTO/S: @michaelagassi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results