Watch Now

Try mo? Patok na patok ang pagpapalagutok ng mga buto!

by Bernie V. Franco
Apr 20, 2022
chiropractor
Patok na patok na content ngayon sa social media ang chiropractic videos o pagpapalagutok ng mga buto ng mga specialist. Paano nga ba ito nakakatulong? Gaano ba ito ka-safe?
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs) / Facebook (Spinal Care Chiropractic Manila: Gonstead Chiropractic Clinic)

Patok na patok ngayon bilang content sa social media ang pagpapalagutok sa buto ng mga pasyente.

Ginagawa itong ASMR o auto sensory meridian response ng mga content creators. Isa itong effect para makapagbigay ng sensation via enhanced sound.

Very satisfying para sa netizens na marinig kapag pinapalagutok ng chiropractors ang buto ng kanilang mga pasyente.

Ang views ay umaabot ng daan-daang libo hanggang milyon.

Effective marketing strategy ito para sa chiropractors.

Marami ang nae-engganyong subukan ito lalo’t sinasabi ng mga pasyente na nakakaramdam sila ng ginhawa mula sa muscle and spinal pains.

Pero gaano nga ba kaligtas ito?

Ang tawag sa healthcare treatment na ito ay chiropractic spinal manipulation, kung saan ina-address ang spinal at back pain sa pamamagitan spinal adjustments para maiayos ang spine.

Ang espesyalista naman nito ay ang chiropractor.

Ipinaliwanag ito ni Dr. Ronald Samaniego, licensed chiropractor and doctor of physical therapy, sa Dapat Alam Mo! ng GMA News and Public Affairs, April 19, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginagawa ito sa mga tao na may mga backpains, spinal problems, masakit ang upper back o lower back," paliwanag niya.

“Nari-relieve yung stiffness at nakakatulong siya na mapaluwag ang katawan mo sa paggalaw,” sabi ni Dr. Samaniego.

“Ina-address niya yung neuromuscular saka yung musculous skeletal aspect nung tao.

“Nakakatulong siya para i-decrease yung pressure.”

chiropractor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pananakit sa spine o gulugod ay dulot ng iba’t ibang kondisyon.

Ibinigay na halimbawa rito ay ang ang pagiging physically active at biglang magiging inactive, na maaaring magdulot ng spasm o injury.

Sa tulong ng chiropratic, naisasaayos ang neuromusculoskeletal system—muscles and nerves.

Ang proseso nito ay sisimulan muna sa pagkonsulta sa espesyalista tungkol sa kondisyon ng katawan ng pasyente.

Magbibigay ng diagnosis ang espesyalista kung ano ang mga problema.

Sabi ni Dr. Samaniego, ang mild problems gaya ng ngalay na balikat ay maaaring maisaayos sa pamamagitan ng hilot o masahe.

Chiropractic naman ang kinakailangan kapag seryoso ang pananakit, gaya ng pananakit na hindi nawawala, pananakit na intense o severe, at pamamaga ng likod.

“Kelangan muna natin suriing maigi bago tayo magpagawa nito,” paalala ng specialist.

Mariing paalaala ni Dr. Samaniego, kailangan itong ipagawa sa proper specialist.

Bawat session ay maaaring magtagal mula 30 minutes hanggang isang oras.

Ani Dr. Samaniego, ang bawat session ay nagkakahalaga mula PHP800 hanggang PHP3,500 per visit, depende sa kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin daw ito makukuha sa one-time treatment.

“Kaya nga siya tinatawag na therapy kasi kelangan nating baguhin ang muscle memory ng katawan mo.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patok na patok na content ngayon sa social media ang chiropractic videos o pagpapalagutok ng mga buto ng mga specialist. Paano nga ba ito nakakatulong? Gaano ba ito ka-safe?
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs) / Facebook (Spinal Care Chiropractic Manila: Gonstead Chiropractic Clinic)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results