PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Taberna reveals daughter Zoey's near-death experience

Anthony: “Totoo yun, akala ko ay hanggang doon na lamang talaga."
by Arniel C. Serato
Published Jul 5, 2022
Anthony Taberna reveals near-death experience of daughter Zoey due to cancer
Anthony Taberna on recovery of daughter Zoey Taberna from cancer: "Sa pinakamahirap at pinakamasakit na bahagi, doon ko nakita at nadama kung paano gumalaw ang kamay ng Panginoong Diyos. Sa Kaniya kami nagtiwala. Sa Kaniya kami nanghawak."
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying28 on Instagram

Ibinunyag ng DZRH news anchor na si Anthony Taberna na nag-agaw buhay noon ang panganay niyang anak na si Zoey Taberna, 13.

Inakala raw niyang yun na ang katapusan ng unang anak nila ng asawang si Rossel Taberna.

Anim na buwang namalagi sa Singapore ang pamilya nila upang isailalim sa bone marrow transplant si Zoey, na cancer-free na ngayon.

Magandang balita pa ni Anthony, nakauwi na sila sa Pilipinas nang matiwasay matapos ang katakut-takot na hirap na pinagdaanan ng kanilang pamilya.

Lahad ng Dos Por Dos host sa Facebook kagabi, July 4, “Nandito na kami sa ating bayan—pagkalipas ng lima't kalahating buwan doon sa Singapore hindi para magbakasyon kungdi upang humarap sa isang matinding hamon sa aming pamilya kung saan nag-agaw buhay ang aming panganay na si Zoey.”

Tila may hinagpis pa niyang dagdag, “Totoo yun, akala ko ay hanggang doon na lamang talaga. Ganun din pala mismo ang nasa isip ng bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Anthony ay ang mahabang post ni Zoey sa kanyang Facebook kahapon kung saan idinetalye nito ang karanasan sa pakikipaglaban sa cancer.

Read: Anthony Taberna's daughter Zoey now cancer-free: "I thought that it was the end for me."

Ayon pa kay Anthony, maituturing niyang milagro ang paggaling ni Zoey dahil bukod sa sensiya ay wala na silang ibang pinanghahawakan at kinakapitan sa paggaling nito kundi ang Panginoong Diyos.

Aniya, “Pero sa pinakamahirap at pinakamasakit na bahagi, doon ko nakita at nadama kung paano gumalaw ang kamay ng Panginoong Diyos. Sa Kaniya kami nagtiwala. Sa Kaniya kami nanghawak.

“Walang tigil na panalangin gaya ng bilin ng Ka Eduardo Manalo. At gumawa Siya ng himala. Magaling na si Zoey, kasama namin siya na umuwi. Malakas at buhay na buhay ang pag-asa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inilakip ni Anthony sa post na ito ang mahabang kuwento ng anak tungkol sa bangungot na kanyang pinagdaanan.

Ayon pa kay Zoey, akala niya ay magtatapos na ang buhay niya sa edad na trese.

Pero dahil sa maraming panalangin, cancer-free na siya ngayon.

December 2019 siya na-diagnose ng leukemia.

Read: Zoey Taberna, 12, puts on a brave front amid ongoing battle with leukemia

Nalaman ito ng publiko noon lamang December 2, 2020 nang ikinuwento ni Anthony ang sakit na kanyang naramdaman habang nagpapakalbo ang anak dahil sa malubhang sakit nito.

Read: Anthony Taberna cries while watching video of leukemia-stricken daughter's head being shaved

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna on recovery of daughter Zoey Taberna from cancer: "Sa pinakamahirap at pinakamasakit na bahagi, doon ko nakita at nadama kung paano gumalaw ang kamay ng Panginoong Diyos. Sa Kaniya kami nagtiwala. Sa Kaniya kami nanghawak."
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying28 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results