PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovely Abella, husband Benj Manalo test positive for COVID-19

"Di pa din tayo safe—ang mundong ginagalawan natin ay di pa din safe."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 24, 2022
Lovely-Benj
Lovely Abella: "Vaccinated ako may booster pa pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon. Mas natakot ako 'di para sa sarili ko, kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin...'Di pa rin tayo safe—ang mundong ginagalawan natin ay 'di pa din safe."
PHOTO/S: Lovely Abella Instagram

Nagpositibong muli sa COVID-19 ang Kapuso comedienne na si Lovely Abella.

Ito ay kahit fully vaccinated at nakapagpa-booster shot na siya.

Ibinahagi ito ni Lovely sa kanyang Instagram post noong Lunes, August 22, 2022, nang mag-upload siya ng larawan ng ginamit niyang testing kits.

Caption niya (published as is), "Positive for the 2ND time around.

"Nagpapaalala na nasa tabi-tabi lang siya at 'di nawawala, nagpapaalala na mag-ingat pa din tayo lalo na ang iba, 'di naman nag-iingat, nagpapaalala na ibalik ang dati kung paano tayo katakot sa kanya.

"Nagpapaalala na dapat isipin mong asymptomatic ang kausap mo at ayaw mong mahawa sa kanya."

Ayon sa aktres, mas malala ang mga sintomas na nararamdaman niya ngayon kumpara sa unang beses niyang pagpopositibo noon.

"Yes, vaccinated ako may booster pa pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon.

"Mas natakot ako 'di para sa sarili ko kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di pa din tayo safe—ang mundong ginagalawan natin ay 'di pa din safe."

Dahil sa pagpopositibo sa COVID-19 ay marami daw siyang planong hindi na natuloy.

Kinumpirma rin ni Lovely na nahawa sa kanya ang asawang si Benj Manalo, dahil ito ang nag-aalaga sa kanya.

"Nag ingat naman ako pero siguro may nakaligtaan ako kaya muli [akong] nagka-COVID," sabi niya.

Unang nagpositibo si Lovely sa COVID-19 noong third quarter ng 2021.

Read: Kapuso comedienne Lovely Abella, inaming nagka-COVID-19

Tila may na-realize din si Lovely kung bakit daw siya muling dinapuan ng COVID-19 virus.

Saad niya, "Isa lang ang alam ko bakit ako nagkaganito, walang araw na nagpahinga ako sa trabaho kaya kinalabit din siguro ako ni LORD na kailangan magpahinga.

"Hindi man maganda ang way pero masarap palang magpahinga mula sa work, sa stress, at sa social media."

Sa huli, ang paalala niya, "Please tripleng ingat. Malakas siya at kawawa ang mga mahihina ang resistensya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovely Abella: "Vaccinated ako may booster pa pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon. Mas natakot ako 'di para sa sarili ko, kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin...'Di pa rin tayo safe—ang mundong ginagalawan natin ay 'di pa din safe."
PHOTO/S: Lovely Abella Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results