Carlos Agassi undergoes surgery after knee injury: "Grabe ang sakit sa katawan at bulsa."

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 15, 2022
Carlos Agassi surgery
Carlos Agassi: "Just finished a successful surgery. Thank you sa prayers and moral support, my family and friends. Grabe ang sakit sa katawan at bulsa, iwas accident lang talaga and save up.”
PHOTO/S: Carlos Agassi Instagram

Labis ang pasasalamat ng hunk actor na si Carlos Agassi na naging matagumpay ang kanyang knee surgery.

Ito'y matapos niyang maaksidente noong September 6, 2022, habang naglalaro ng basketball.

Read: Carlos Agassi suffers knee injury after basketball accident: "Please pray for me"

Sa kanyang Instagram update nitong Martes, September 13, 2022, ibinahagi ni Carlos na naging matagumpay ang operasyon sa kanyang tuhod.

Kalakip nito ang mga litrato, bago at matapos niyang sumalang sa operasyon, kasama ang non-showbiz girlfriend na si Sarina Yamamoto.

Caption niya, "Just finished a successful surgery. Thank you sa prayers and moral support, my family and friends.

"Grabe ang sakit sa katawan at bulsa, iwas accident lang talaga and save up.”

Nagpasalamat din si Carlos sa kanyang kaibigang doktor, sa kanyang nanay, at sa kanyang girlfriend na nag-alaga sa kanya.

"Swerte ko, my friend doctor @richpasion is my doctor and kalaro ko basketball haha. Mukhang retired na ko, coach team manager nalang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tnx [Thank you] my love @sarinayamamoto for being my guardian angel, thru this depression and effort of taking care of me, swerte ko. And momskie we love u so much."

CARLOS SURGERY

Sa latest YouTube vlog naman ni Sarina, ipinakita ni Carlos kung paano nila pinaghandaan ang naturang operasyon ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa 42-year-old actor, natatakot man siyang magpaopera ay pikit-mata niya itong ginawa dahil sa kagustuhang muling makatayo at makalakad.

Saad niya, "Kumbaga, wala akong major operation and circumcision, so bale ito na yun.

"Takot ako sa doctor, kahit sa mga dentist, kahit na mga kamag-anak ko sila, family friends, takot talaga ako, e.

"And ngayon, operation, excited din ako kasi gusto ko na ulit makalakad, gusto kong madiretso yung tuhod ko. Pero kinakabahan ako."

Dagdag niya, "Kahit hindi na basketball, kahit hindi na squats, makalakad lang okay na."

Matapos ang halos tatlong oras na operasyon, naging emosyunal si Carlos dahil sa kirot at sakit na nararamdaman niya matapos mawalan ng bisa ang anaesthesia na itinurok sa kanya.

Carlos Agassi surgery

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sakit, ang sakit. Pag may kaaway kayo sa tuhod niyo, sipaan at sapakin. Matindi yun, masakit na gastos pa," pabiro niyang banat.

Sa huli ay umaasa si Carlos sa mabilis niyang recovery upang muli na siyang makatayo at makalakad.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlos Agassi: "Just finished a successful surgery. Thank you sa prayers and moral support, my family and friends. Grabe ang sakit sa katawan at bulsa, iwas accident lang talaga and save up.”
PHOTO/S: Carlos Agassi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results