Pregnant Jessy Mendiola tests, recovers from COVID-19: “Covid-19 is still very much around.”

by Arniel C. Serato
Sep 15, 2022
Jessy Mendiola COVID-19 recovery journey
Jessy Mendiola, who is five months pregnant, cries upon learning that she tested positive for COVID-19: "Kung ako lang 'to, rock and roll lang ako, e, okay lang. But siyempre, I have a baby inside of me, inside my womb, so I'm hoping that it won't affect my baby."
PHOTO/S: Courtesy: @jessymendiola on YouTube

Nagpositibo sa COVID-19 si Jessy Mendiola.

Ito ang kinumpirma ng limang buwang buntis na si Jessy sa kanyang Instagram at YouTube ngayong gabi ng Huwebes, September 15, 2022.

Ayon pa sa kanya, kung kailan lumipas na ang halos tatlong taon ng COVID-19 pandemic ay tsaka pa siya nahawaan ng virus.

Ang ikinabahala raw ni Jessy nung nalaman niyang positibo siya sa sakit ay ang batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.

Lahad ni Jessy, “After almost 3 years of being so paranoid and careful… I tested positive for Covid-19 last Sept 3.

"I had symptoms and, for me, it was the hardest 11 days of my life. It was my first time to get infected with the virus.

“I never thought I would get it while 5 months (and 3 weeks) pregnant.”

Ibinahagi raw niya ang kanyang naging karanasan dahil nais niyang ipaalam sa publiko na may COVID pa rin sa ating kapaligiran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagluluwag na kasi ang bansa ngayon sa safety protocols.

Saad niya, “I’m sharing this difficult experience with you because I want to spread awareness that Covid-19 is still very much around.

“Even if protocols are easing up and there already is a mandate allowing people not to wear masks outdoors.. I hope we still protect each other in our own little ways.

“Sa mga preggy mommies/ladies, I’m sure makaka-relate kayo dito.. ang hirap pala talaga magkasakit kapag alam mong may dinadala ka sa iyong sinapupunan hindi dahil sa sarili mo, pero dahil magaalala ka talaga para sa baby/anak mo at siyempre para sa asawa mo.”

Ngayon, negative na si Jessy matapos ang pagkakasakit ng labing-isang araw.

September 3 siya nagpositibo, at September 13 naman siya nagnegatibo.

Aniya, “Finally.. negative na ako! [heart emoji] Thank you, Lord! [praying hands emoji]”

Sa kanyang YouTube vlog, ipinakita ni Jessy ang COVID-19 journey niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita ring sinamahan siya ng mister na si Luis Manzano sa kuwarto at binantayan talaga siya noong mga unang araw niyang nagpositibo

Na-expose daw si Luis kay Jessy pero hindi naman siya nahawaan.

Pero pumayag na rin si Luis na sa ibang kuwarto matulog matapos ang ilang araw na pagsama kay Jessy sa kuwarto nilang mag-asawa.

Sa isang bahagi ng vlog, makikitang umiiyak si Jessy.

Sabi niya, "Kung ako lang 'to, rock and roll lang ako, e, okay lang. But siyempre, I have a baby inside of me, inside my womb, so I'm hoping that it won't affect my baby."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola, who is five months pregnant, cries upon learning that she tested positive for COVID-19: "Kung ako lang 'to, rock and roll lang ako, e, okay lang. But siyempre, I have a baby inside of me, inside my womb, so I'm hoping that it won't affect my baby."
PHOTO/S: Courtesy: @jessymendiola on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results