PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza suffers heart attack from "too much exercise"

Gardo Versoza to undergo angioplasty.
by Jojo Gabinete
Published Mar 30, 2023
gardo versoza wife ivy vicencio
Ivy Vicencio, wife of Gardo Versoza: “Sa lahat po ng nagpapadala sa amin ng mga mensahe at dasal, maraming-maraming salamat po. Yan po ang pinakamagandang tulong na naibibigay ninyo sa amin. Yung mga dasal, walang katapat na halaga kaya sobra po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga concern sa naging sitwasyon ni Gardo."
PHOTO/S: @gardo_versoza / @ivy_vicencio on Instagram

Maalaga at maingat sa pangangatawan ang aktor na si Gardo Verzosa pero ang nangyari sa kanya ang paalaala sa lahat na hindi rin mabuti sa kalusugan ang sobrang ehersisyo.

Inatake sa puso si Gardo noong March 28, 2023, at kasalukuyan siyang nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ibinahagi ng maybahay ni Gardo na si Ivy Vicencio sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang kasalukuyang estado ng kalusugan ng kanyang asawa.

“As of now po nasa ICU pa po siya dahil nagkaroon po siya ng heart attack last March 28.

“May nakita pong dalawang ugat na barado at kailangan siyang sumailalim sa angioplasty asap.

“Pero dahil critical na po ang lagay niya, hindi po kayang isabay yung isang ugat. After two to three months po ang next schedule ng angioplasty sa kanya,” pahayag ni Ivy.

Ang angioplasty ay isang uri ng medical procedure para buksan ang mga baradong ugat sa puso o coronary arteries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni Ivy ang posibleng dahilan ng pagkakaroon ni Gardo ng atake sa puso nang tanungin ng PEP.ph ang kasaysayan ng kalusugan ng pamilya ng aktor.

“May history sa heart ang family niya, pero ang naging cause po nung kanya ay too much exercise naman po.

“Extreme po kasi yung biking niya last time from Pasig to Tarlac.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Grabe rin siya mag-workout sa gym.

"Dun niya nakuha ang heart attack dahil okay naman ang resulta ng test sa kanyang cholesterol, uric, at blood sugar levels.”

Nagpapasalamat si Ivy sa lahat ng mga nagpapahatid sa kanila ng mga panalangin at moral support.

Mensahe niya: “Sa lahat po ng nagpapadala sa amin ng mga mensahe at dasal, maraming-maraming salamat po.

“Yan po ang pinakamagandang tulong na naibibigay ninyo sa amin.

“Yung mga dasal, walang katapat na halaga kaya sobra po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga concern sa naging sitwasyon ni Gardo.

“Maraming salamat din sa production staff ng Jack and Jill at ng Unbreak My Heart na palaging naka-monitor sa amin.

“Medyo may konting lungkot lang dahil almost one year kaming walang work at ngayon pa lang siya mag-start ng taping tapos biglang ito ang nangyari.

“Lastly, sa lahat po ng doctors at nurses ng Cardinal Santos Memorial Medical Center na nag-aasikaso kay Gardo, maraming-maraming salamat po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivy Vicencio, wife of Gardo Versoza: “Sa lahat po ng nagpapadala sa amin ng mga mensahe at dasal, maraming-maraming salamat po. Yan po ang pinakamagandang tulong na naibibigay ninyo sa amin. Yung mga dasal, walang katapat na halaga kaya sobra po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga concern sa naging sitwasyon ni Gardo."
PHOTO/S: @gardo_versoza / @ivy_vicencio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results