PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Glo Garcia, Coleen Garcia's grandmother, fit and fabulous at 70

Glo Garcia gets TV guestings after viral photo shoot.
by Jojo Gabinete
Published Jun 25, 2023
glo garcia
Glo Garcia, the 70-year-old grandmother of actress Coleen Garcia, gained a lot of attention after her boudoir birthday photoshoot went viral.

Napukaw ang interes ng publiko sa Instagram post ni Coleen Garcia tungkol sa boudoir photoshoot ng kanyang 70-year-old grandmother na si Glo Garcia.

Isang fitness buff ang lola ni Colleen kaya matikas ang pangangatawan nito sa edad na 70 at naging fitspiration ng maraming tao—bata man o matanda.

Ang sexy pictorial ng septuagenarian grandmother ni Coleen ang naging daan para interbyuhin siya ni Bernadette Sembrano para sa isang show ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bernadette sembrano glo garcia

Ito ang masayang ibinahagi ng aktres sa Zoom mediacon ng bagong project niya sa Viva One—ang six-part original series na Kung Hindi Lang Tayo Sumuko—na naganap noong Sabado, June 14, 2023.

“May mga guesting siya sa ABS-CBN,” sabi ni Coleen tungkol sa kanyang lola, na hindi imposibleng magkaroon ng showbiz career dahil nakuha niya ang atensiyon ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Baka naman!" natatawang sabi ng aktres sa posibilidad na magkasama sila sa mga proyekto.

“Stunning" ang reaksiyon ni Coleen nang makita nito ang mga larawan ng kanyang lola na bata ang hitsura at ang katawan sa edad na 70.

Matindi ang disiplina ni Glo para mapanatiling maayos ang kanyang kalusugan dahil alas-kuwatro pa lamang ng umaga, nakikita na siya ng mga kapitbahay niyang naglalakad sa lugar na tinitirhan nila.

glo garcia

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Regular ding ibinabahagi ng lola ni Coleen sa mga social media account nito ang mga video ng kanyang pag-eehersisyo sa gym na madalas niya na pinupuntahan.

“Fitness grandma of 10. A greatgrandma to 1” ang profile ni Gloria na matutunghayan sa kanyang social media account.

Ang anak nina Coleen at Billy Crawford na si Amari ang apo sa tuhod na tinutukoy ng super lola na kahanga-hanga ang disiplina sa sarili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glo Garcia, the 70-year-old grandmother of actress Coleen Garcia, gained a lot of attention after her boudoir birthday photoshoot went viral.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results