Nagkaroon ng infection si Lovely Abella kaya kailangan niyang sumailalim sa operasyon apat na araw matapos isilang ang panganay nilang anak ng mister na si Benj Manalo.
Isinilang ni Lovely si Liam Emmanuel Manalo noong September 15, 2023.
Read: Lovely Abella gives birth to baby boy; posts unfiltered photo on IG
Sa Instagram ngayong araw, September 22, 2023, ikinuwento ni Lovely kung bakit nawalay kaagad siya sa bagong silang niyang supling.
Hindi rin daw nila alam kung paano siya nagkaroon ng infection.
Sabi niya, “Bawat Pamilya ay may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay!
“Isa na po kami dito, maraming nagtatanong sa amin kung ano ang nangyari kaya para isahan na lang sasagutin ko po dito, napakasakit sa pamilya namin ang mga nangyayari, lalo na sa akin.
"After 4 days nagkaroon ako ng infection at need ko isurgery ulit mas malala pa nung nanganak ako ng normal, kung tatanungin niyo ako paano nangyari, saan nanggaling, bakit nagkaroon ako ang sagot ko lang po ay walang may gusto na mangyari ang lahat ng to.
“Pero never ko tinanong si Lord kung bakit nangyari sakin to, bakit nawalay ako agad sa anak ko at pamilya ko at magisa ko nilalabanan ang Depression dahil alam ko na siya lang ang bukod tanging kakapitan ko at kinakausap ko sa panahon na mag isa ako."
Nagpasalamat naman si Lovely sa mga nag-donate ng breastmilk para sa bagong silang na anak ngayong hindi siya maaring magpa-breastfeed.
Hindi raw kasi maaring i-breastfeed niya ang bata dahil sa gamot na antibiotic dahil sa kanyang operasyon.
“Sa lahat po ng nag Donate ng Breast milk sa anak ko, maraming maraming salamat, hindi ko alam paano kayo pasasalamatan sa ngayon pero pangako ko na magpapadami ako ng milk at ako naman ang magdodonate sa mga nangangailangan.
"Kaya po hindi ako makapag pa Breastfeed sa anak ko, or kahit yung napump ko dahil naka antibiotic po ako bawal po. Kaya muli salamat sa inyong lahat”


Maglalabas daw sila ng YouTube video sa pagsilang niya ng anak nila ni Benj.
Humihiling din ng dasal si Lovely para sa kanyang agarang paggaling.
Aniya, "Please Pray for me, na tuloy tuloy nang gumaling salamat mga Pangga
"Deuteronomy 20:4 4 For the LORD your God is the one who goes with you to fight for you against your enemies to give you victory.”

Nagpaabot naman ng mensahe ang mga kaibigan ni Lovely na sina Maymay Entrata, Kitkat, Iya Villania, at Sunshine Dizon para sa agarang paggaling niya.

