PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Walk 2-5 mins to Prevent Diabetes & Diseases

It should be AFTER eating. Take note.
by KC Cordero
Published Nov 7, 2023
Girl eating and walking
Ang paglalakad ng dalawa hanggang limang minuto pagkakatapos kumain ay nagpapababa sa glucose ng average na 17.01 percent kumpara sa laging nakaupo habang nagpapababa ng kinain.

Sa mga laging nakaupo pagkatapos kumain, tayo!

May magandang dahilan para maglakad-lakad ka—nakakababa ito ng blood sugar.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng US health journal na Sports Medicine nitong February 2022, sapat na ang paglalakad ng dalawa hanggang limang minuto ara bumaba ang blood sugar.

Kahit nga ang simpleng pagtayo pagkakain ay may magandang epekto, ayon sa study co-author na si Aidan Buffey.

Man eating

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Husband demands his donated kidney back from wife who filed for divorce

Si Aidan ay isang doctoral student sa Physical Education and Sport Sciences Department ng University of Limerick sa Ireland.

Paliwanag niya, ang paminsan-minsang pagtayo sa loob ng isang araw habang nasa trabaho at pagkatapos kumain ay nagpapababa sa glucose ng average na 9.51 percent kumpara sa palagiang pag-upo.

“However, intermittent light-intensity walking throughout the day saw a greater reduction of glucose by an average of 17.01 percent compared to prolonged sitting.”

Dagdag pa niya, “This suggests that breaking prolonged sitting with standing and light-walking breaks throughout the day is beneficial for glucose levels.”

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

FINDINGS ABOUT GOOD EFFECTS OF WALKING

In-analyze sa journal ang pitong pag-aaral na ginawa kung saan ikinumpara ang impact ng nakaupo, nakatayo, at naglalakad sa insulin and blood sugar levels ng katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga tao na ginamit sa pag-aaral ay inatasang tumayo at lumakad sa loob ng dalawa hanggang limang minuto kada 20 hanggang 30 minuto sa loob ng isang araw.

Girl walking

Read: 26-year-old mom has 22 kids; spends PHP10.9 million on surrogacy

“Between the seven reviewed studies, the total activity time throughout the observation was roughly 28 minutes with the standing and light walking breaks lasting between 2 to 5 minutes,” ayon kay Aidan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natuklasan din sa analysis na mas mainam na tumayo muna pagkakain kaysa manatiling nakaupo sa hapag-kainan o maupo agad sa work desk o sa couch.

Pero kapag naglakad kahit sandali lang ang isang tao matapos kumain, tumaas man ang kanyang blood sugar levels ay unti-unti iyong bababa.

Mas stable din ang kanyang insulin levels kung maglalakad pagkakain kumpara sa nakaupo o nakatayo.

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

PREVENTING SPIKE IN BLOOD SUGAR LEVEL

Maganda para sa katawan ng tao kung mapipigilan ang pagtaas ng kanyang blood sugar para makaiwas sa diabetes at sakit sa puso.

Ang blood sugar levels ng tao ay tumataas sa loob ng 60 hanggang 90 minuto matapos kumain, kaya importante na gumalaw-galaw.

Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K

Kailangan kasi ng mga muscles sa ating katawan ng glucose para mag-function.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng pagkilos, natutulungang kumawala ang sugar mula sa bloodstream.

Ito ang dahilan kaya marami sa mga lumalahok sa track and field events ang nagka-carbohydrate loading bago tumakbo.

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis

MAGING ACTIVE 150 MINUTES A WEEK

Para naman sa mas magandang resulta sa inyong kalusugan, bukod sa pagpapababa lang ng blood sugar levels, gawin ang minimum physical activity standards.

Sa loob ng isang linggo ay maglaan ng 150 minutes ng moderate-intensity physical activity, at dalawang araw na muscle strengthening activity.

Ang mga halimbawa ng moderate-intensity physical activity ay paglalakad nang mabilis, water aerobics, biking, paglalaro ng doubles tennis, at basic exercises.

Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health

Girl walking the dog

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says

Kabilang naman sa mga halimbawa ng muscle strengthening activity ang pagbubuhat ng weights, paggamit ng resistance bands, heavy gardening, pag-akyat sa mga hagdan, paglalakad sa matatarik na lugar, pagsasayaw, push-ups, sit-ups and squats.

Iniulat ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na ang mga taong physically active sa loob ng 150 minuto kada linggo ay 33 percent na mas mababa ang tsansang magkasakit kumpara sa mga physically inactive.

Simply put, kinakailangan lang na maglaan ng 21.43 minuto kada araw para maging physically active at makaiwas sa diabetes, high cholesterol, heart disease, stroke, at maging cancer.

Nagpapatibay rin ito ng mga buto, nababawasan ang risk sa dementia at depresyon, at nakakatulong magpababa ng timbang.

At para maisakatuparan ito, kailangan ang oras, effort, at disiplina.

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang paglalakad ng dalawa hanggang limang minuto pagkakatapos kumain ay nagpapababa sa glucose ng average na 17.01 percent kumpara sa laging nakaupo habang nagpapababa ng kinain.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results