May paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa pagkain ngayong holiday season.
Sa ginanap na media forum via Zoom ngayong araw, December 15, 2023, piliin ang healthy food and drinks para maiwasan ang non-communicable illnesses gaya ng diabetes at cardiovascular diseases.
Ayon kay Department of Health Secretary Teodoro Herbosa, “Eat a balanced, well-moderated and varied diet. Let’s limit ‘ma’ foods—maalat, mataba at matamis."
Read: Bakit nagiging mabenta ang “expired” food sa Japan?

Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963
Dagdag pa ng kalihim, ang mga junk food, matatamis na inumin, at matatabang pagkain ay kailangang kainin in moderation. Kung kayang iwasan, mas maigi.
Huwag kaligtaang isama sa meals ang vegetables and fruits.
Read: Guy pays PHP12K on steak date; girl judged as "gold digger"

Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder
Batay sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority, ang ischemic heart disease ang nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino mula January hanggang November 2022.
May naitalang 121,558 kaso nito, o 18.3 percent ng death toll, para sa nabanggit na peirod.
Sinundan ito ng cerebrovascular diseases na may 57,411 kaso ng pagkamatay, at neoplasms na mayroon namang 57,354.
Ikaapat ang diabetes sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino sa katulad na panahon na may naitalang 32,339 kaso ng pagkamatay.
Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors
Sa “Ligtas Christmas” campaign ng DOH, pinayuhan din ng ahensiya ang publiko na iwasan ang pagkonsumo ng inuming nakakalasing, uminom ng maraming tubig, magkaroon ng sapat na oras ng pagtulog.
Huwag kalimutang mag-ehersisyo kahit 30 minuto lang kada araw ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors

Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views
Dagdag ni Herbosa, "We’re encouraging the public to wear masks if you’re experiencing symptoms or stay at home if you have acute respiratory illnesses, coughs, colds even if you are Covid-19 negative."
Pagdating naman sa pagreregalo sa mga bata, ipinayo ng DOH na ang regalo ay dapat na akma sa edad at kakayahan ng pagbibigyan.
Ani Herbosa, “Please avoid giving toys containing harmful chemicals. Some of the cheaper toys use lead-containing paint.
“Always check the labels and packaging of the gifts you’re buying.”
