PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Girl diagnosed with “love brain” calls boyfriend 100X daily

Masyado siyang obsessed sa kanyang boyfriend.
by KC Cordero
Published Apr 26, 2024
Photo of a hand holding a phone
Naging obsessed masyado ang dalaga sa kanyang boyfriend at ayaw na niyang mawala ito sa kanyang tabi. Mayroon siyang mental health condition na kung tawagin ay “love brain” o borderline personality disorder.

Naospital ang 18-year-old girl sa China na nakilala lang sa pangalang Xiaoyu matapos ma-diagnose na may "love brain.”

Nag-ugat ito sa sobrang obsession niya sa boyfriend.

Ayon sa mga doktor na tumingin kay Xiaoyu, posibleng nakakaranas siya ng borderline personality disorder—isang uri ng mental health condition.

Sa ulat kamakailan ng South China Morning Post, nagsimula ang lahat noong nagkaroon ng boyfriend si Xiaoyu sa unang taon niya sa kolehiyo.

Tumira siya malapit sa pinapasukang university, at humiwalay muna sa kanyang parents.

Naging intimate ang relasyon niya sa boyfriend, na hindi na pinangalanan.

Read: Love In The Time Of AI: Man finds "perfect match" in dating app using ChatGPT

Masyado rin siyang naging dependent at clingy to the point na nagde-demand siya na kailangang lagi silang nag-uusap.

Dapat ding laging magbigay sa kanya ng updates ang boyfriend kung nasaan ito pag hindi sila magkasama.

Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SYMPTOMS OF LOVE BRAIN

Nakaramdam ng pagkasakal ang boyfriend ni Xiaoyu sa kanilang relasyon dahil lagi itong tinatawagan ng dalaga araw-araw kapag wala sa kanyang tinutuluan.

May isang video si Xiaoyu na nag-viral sa social media sa China kung saang nagme-message siya nang paulit-ulit sa kanyang boyfriend at inuutusan ito na i-open ang WeChat camera nito.

Nang hindi siya pinansin ng boyfriend, nagpatuloy pa rin si Xiaoyu sa pag-video call dito.

Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis

Photo of a girl talking to someone over the phone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura

Mas lalo pang lumala ang sitwasyon nang dumating sa punto na araw-araw na kung tawagan ni Xiaoyu ang boyfriend sa telepono nang 100 beses.

Minsang hindi ito sumagot, doon na siya nag-meltdown.

Sa sobrang pagka-upset ng dalaga, pinagsisira niya ang mga gamit sa kanyang tinutuluyan.

Nang puntahan ng kanyang boyfriend si Xiaoyu, na-shock ito nang makitang halos wasak na ang tinutuluyan ng dalaga.

Sa takot naman ng boyfriend ni Xiaoyu na baka kung ano ang mangyari sa dalaga, ini-report nito sa mga pulis ang insidente.

Mabuti na lang at nang dumating ang mga pulis, naabutan nila si Xiaoyu na aktong tatalon na mula sa balkonahe.

Dinala siya sa ospital, at doon na nga siya na-diagnose sa kanyang kakaibang condition—na tinawag ng mga doktor na love brain.

Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CAUSE OF LOVE BRAIN

Bagaman at hindi itinuturing na medical term ang love brain, ginagamit ito para isalarawan ang ganitong uri ng obsessive behavior sa romantic relationships.

Ayon kay Dr. Du Na, isa sa mga doctor sa ospital kung saan ginagamot si Xiaoyu, ang ganitong borderline personality disorder ay kasabay umanong lumalabas sa isang taong nakakaranas ng anxiety, depression, at bipolar disorder.

Sinabi rin ng doctor na ang love brain ay maiuugnay sa unhealthy childhood attachments—lalo na kung hindi naging maganda ang relasyon ng may taglay ng condition na ito sa kanyang parents noong bata pa at hindi nakaramdam ng pagmamahal at pagpapahalaga mula sa mga ito.

Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time

Art card about love brain

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K

Ito rin aniya ang dahilan kaya ine-expect ni Xiaoyu na sasagot agad—o dapat sumagot agad—ang boyfriend nito sa bawat tawag niya, o kaya ay kailangang ipaalam nito sa dalaga ang bawat galaw.

Ang mild cases ng may love brain ay maaaring maisaayos pa sa pamamagitan ng emotional management techniques.

Pero ayon kay. Dr. Du, ang mga severe cases gaya ng kay Xiaoyu ay kailangan na ng medical intervention.

Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging obsessed masyado ang dalaga sa kanyang boyfriend at ayaw na niyang mawala ito sa kanyang tabi. Mayroon siyang mental health condition na kung tawagin ay “love brain” o borderline personality disorder.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results