PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy girl na lapitin ng guys sa gym, pregnant pala

Twins pa ang ipinagbubuntis niya.
by KC Cordero
Published Jun 3, 2024
Mashas Peaches in gym outfit
Kapag nakatalikod, may mga lalaking lumalapit kay Mashas Peaches sa gym at nagpaparamdam. Yun pala, buntis siya. (Photos courtesy of @mashaspeaches on TikTok)

Isang nakakatawang pangyayari ang ibinahagi ng TikTok user na si Mashas Peaches habang nasa gym siya last May 21, 2024.

Sa videoclip ay makikita si Mashas habang nakatalikod.

Nakasuot siya ng gym shorts at sports bra, at obvious ang kanyang pagiging sexy.

Mashas Peaches's view from the back
Ang porma ni Mashas Peaches kapag nakatalikod. Hindi aakalaing buntis siya. Photo: @mashaspeaches on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vase na nabili lang ng PHP220, nabenta ng almost PHP6M

Maririnig naman sa video na may lalaking nagtanong sa kanya.

Anang lalaki, “Excuse me, miss. Do you come here often?”

Unti-unti siyang humarap sa lalaki, at babalandra rito ang malaking tiyan ni Mashas.

Buntis pala siya.

Maririnig ang reaksiyon ng lalaki na: “Oh, okay then.”

Sa karugtong ng video clip ay sinabi ni Mashas na 33 weeks na siyang buntis.

Kambal na lalaki ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.

Read: Misis natuklasang may other family ang mister dahil sa loan

Mashas Peaches showing her bump
Ipinakita ni Mashas Peaches kung gaano na kalaki ang kanyang tiyan. Photo: @mashaspeaches on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days

Napakalaki ng kanyang tiyan dahil sa pagbubuntis, pero hindi iyon halata kapag nakatalikod siya.

Ang kanyang caption sa TikTok video: “Men keep hitting on me at the gym, then I turn around and they get a huge surprise.

“That’s one way to get rid of them.”

Ang video ni Mashas ay nakakuha na ng 3.2 million views.

Read: Meet Carmen Dell’Orefice: World’s oldest working model

GYM IS NOT A PLACE FOR SPEED DATING

Isang online fitness coach si Mashas kaya kabisado na niya ang galawan ng mga lalaki sa gym na gustong magparamdam sa kanya habang siya ay nagwo-workout.

Paalala niya, ang gym ay hindi lugar para sa speed dating.

Nakakaasiwa raw sa pakiramdam na may mga lalaking nakatingin sa kanya suot-suot ang sexy workout outfit ay o may lalapit para makipag-usap habang nagbubuhat ng weights.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet

Mashas Peaches lifting weights
Si Mashas Peaches habang nagbubuhat ng weights. Photo: @mashaspeaches on TikTok

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

Sino ba aniya ang gustong may kahuntahan habang basang- basa ng pawis at tinatapos ang panibagong set ng 50 squats?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Uncomfortable at nakakairita raw ang ganitong scenario, lalo na kung gumising siya ng alas sais ng umaga para lang maisingit sa schedule ang pagpunta sa gym.

Read: HOT TOPIC: Babae, inokray dahil nagkakamay kumain; "unhygienic" nga ba?

NETIZENS' REACTION

Sa comments section, marami rin ang hindi inakalang buntis pala si Mashas at sobrang laki na ng tiyan.

Makalaglag-panga umano ang figure niya kapag nakatalikod, sambit ng isa.

May mga humanga dahil nakakapag-gym pa rin siya kahit ang laki na ng tiyan at kambal pa ang ipinagbubuntis niya.

Biro ng isang nagkomento, noong nagbuntis din ito ng kambal, ni hindi na nito nagawang makalakad man lang.

May mga nagpaalala namang maghinay-hinay siya sa pagdi-gym lalo na't malapit na siyang manganak.

Read: 13-year-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapag nakatalikod, may mga lalaking lumalapit kay Mashas Peaches sa gym at nagpaparamdam. Yun pala, buntis siya. (Photos courtesy of @mashaspeaches on TikTok)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results