Isang up-and-coming social media personality si Tíng Zi Baobao, na mas kilala bilang si Baby Tingzi.
Nagmula siya sa Guangzhou, Guangdong Province, China.
Mayroon siyang mahigit 42,000 followers sa Douyin, ang version ng TikTok sa kanyang bansa.
Ang kanyang videos ay ibinabahagi rin ng ibang TikTok users mula sa iba’t ibang bansa.
Read: Pretty girl who is 7'4" tall unsuccessful in finding boyfriend

Read: Hotdog eating champion banned from contest this 2024, why?
Si Baby Tingzi ay may taas na five feet, two inches.
Ang timbang niya ay 25 kilograms lang.
Base sa body mass index calculation, ang ideal weight para sa height niya ay 44.9 to 54.9 kilos.
Hindi nabanggit ang kanyang edad, pero kung pagbabatayan ang kanyang hitsura, mukhang nasa early 20s pa lang si Baby Tingzi.
Read: Hairstylist with ball-like fingertips, famous for scalp massage
SKINNY WOMAN IPINAGMAMALAKI ANG SLENDER PHYSIQUE
Sa kanyang mga videos, madalas na sumasayaw si Baby Tingzi sa harap ng camera.
Kung minsan naman ay mga larawan niya ang kanyang inia-upload suot ang revealing outfits.
Read: Make-up artist goes viral for transforming grandpa into a hottie

Read: Chappell Roan, barista at yaya muna bago naging pop star
Kitang-kita ang mga payat niyang mga kamay at paa, at ang sobrang liit na katawan.
Ipinagmamalaki niya ang physique na ito, at hindi siya apektado ng mga pambabatikos.
Mapapansin naman sa videos na maliksi siyang kumilos, masaya ang mukha, at mukhang malakas.
Coordinated din ang movement ng kanyang katawan.
Read: Online gamer flies to confront and violently attack fellow gamer
KAHIT SOBRANG SLIM NA, GUSTONG MAS PUMAYAT PA NG SKINNY WOMAN
Natawag ang pansin ng netizens ng sobrang kapayatan ni Baby Tingzi.
Ang mas ikinagulat ng mga sumusubaybay sa skinny woman, sinabi niyang mas gusto pa niyang pumayat kumpara sa kanyang kasalukuyang pigura.
Read: Tree cut into half by angry neighbor now a tourist attraction

Read: Employee rants about lack of work-life balance in corporate job
Regular din niyang kinukuhanan ng timbang ang sarili para i-update ang kanyang followers sa kanyang weight-loss journey.
Read: Man wants wife to quit job; she demands half of his company
NETIZENS CONCERNED SA KAPAYATAN NG SKINNY WOMAN
Dahil sa sobrang pagiging skinny ni Baby Tingzi, maraming netizens ang nagkomentong baka mayroon siyang anorexia nervosa.
Ang anorexia ay isang eating disorder kung saan ang isang tao ay takot na takot tumaba.
Ang tingin nito sa sarili ay laging tumataba kahit ang totoo'y delikado na ang estado ng kapayatan nito.
Kadalasan na ang may taglay ng ganitong condition ay sobra-sobra kung mag-exercise at nililimitahan nang todo ang pagkain para malimitahan ang timbang.
At kung nakakain nang marami, gumagawa ng paraan para mailabas iyon—gaya ng pagsundot sa lalamunan para puwersahang maudwa at isuka ang laman ng tiyan.
Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?
Marami sa nagkokomento sa videos ni Baby Tingzi ang nagpapayong kailangan niya ng urgent medical help.
Dapat umano siyang magpatingin na sa doktor.
Mukha na raw kasi siyang naglalakad at sumasayaw na kalansay.
Ayon sa isang nagkomento, “It is hard to imagine an adult weighing 25 kilograms.”
Sambit naman ng isa, kung siya ang nasa kalagayan ng naturang skinny woman, hindi na siya masyadong kikilos dahil baka magkahiwa-hiwalay ang kanyang mga buto.
May nagsabi rin na titigilan na nito ang panonood ng mga video ni Baby Tingzi.
Pakiwari raw kasi nito ay aabutin ng kamatayan ang content creator habang pinapanood nitong sumasayaw.
Read: Homeless Gen Z doesn’t pay rent for being hot and pretty
Ipinagkikibit-balikat lang ni Baby Tingzi ang mga reaksiyon sa kanyang appearance, maging sa concern na ipinakikita ng iba.
Mas gusto umano niyang maging super skinny—at walang epekto sa kanyang buhay ang kanyang pagiging mukhang kalansay.
Read: Negative social media comments—bakit wala lang yan sa akin
