Sikat ngayon ang Shirakawa Clinic, isang acupuncture clinic sa Japan, dahil sa kakaiba nitong method.
Di ba, sa karaniwang acupuncture clinics, paisa-isa ang karayom?
Sa Shirakawa Clinic, napakaraming itinutusok na karayom sa pasyente, to the extent na magmumukha na itong porcupine.
Ito ay para raw mas matulungan ito na magamot ang pisikal at espiritwal na karamdaman.

Ang singil ng Shirakawa Clinic sa bawat session ay umaabot sa 200,000 yen o PHP66,887.77.
Tumatagal ang session ng 30 minuto.
Kahit may kamahalan, ang naturang clinic ay maraming parokyanong Japanese celebrities and athletes.
Read: Widower refuses to give deceased wife's branded clothes to sister
NAGING CLIENT NG ACUPUNCTURE CLINIC IBINAHAGI ANG “UNIQUE KIND OF EXPERIENCE”
Nitong August 14, 2024, nag-post sa Instagram ang Japanese actor na si Masataka Kubota ng kanyang mga larawan habang sumasailalim sa isang acupuncture session sa Shirakawa Clinic.
Tadtad ng karayom ang kanyang mukha at dibdib.
Ang mga larawan ay binura ng Instagram dahil ikinonsiderang “sensitive content,” pero nakunan pa rin ng screenshot ng ilang international media.

Ayon kay Masataka, “I’ve had a unique kind of experience.
“It was the first treatment in my life that pushed me to the core of my soul.
“The feeling is exhilarating.”
Bukod sa kanya, ibinahagi rin ng female Japanese table tennis player na si Ai Fukuhara sa local media ang kanyang naging experience sa Shirakawa Clinic.
Hindi naman nag-post ng mga larawan ang table tennis player.
Ayaw umano niyang makita ng publiko na tadtad ng mga nakatusok na karayom ang kanyang mukha.
Ayaw rin niyang matakot ang mga tao na magpa-acupuncture sa Shirakawa Clinic.
Ang iba pang Japanese personalities na naging kliyente ng clinic ay ang actress na si Mami Kumagai, ang singer na si Hiromi Go, at ang gymnast na si Ryusei Nishioka.
Read: Hotdog eating contest champ wins PHP5.6M prize
FOUNDER NG ACUPUNCTURE CLINIC IPINAGTANGGOL ANG MATAAS NA SINGIL
Pagbabahagi naman ng founder ng clinic na si Yusaku Shirakawa, “Most people who receive my treatment cannot help but cry.”
Okay lang ayon kay Yusaku na umiyak ang pasyente sa session.
“This is a manifestation of the soul’s purification.
“These are detoxifying tears.”
Ayon sa official website ng clinic, sa isinasagawang procedure ay napakatatalim ng ginagamit na mga karayom.
Kaya asahan na raw ng pasyente na talagang makararanas ito ng “certain amount of pain.”
Read: Meet Abi Marquez, Internet’s “Lumpia Queen”
Idinepensa rin ni Yusaku ang mataas na singil sa kada session.
Paliwanag niya, limitado na lang kasi ang kanyang tinatanggap na kliyente, at sobra siyang in demand.
Kung tutuusin aniya, hindi na rin niya dapat ginagawa ito.
“I have almost retired from work.”
Gayunpaman, nananaig sa kanya ang tawag ng propesyon na matulungan ang mga may problema sa health na kailangan ang kanyang expertise.
Ang claim pa ni Yusaku, maraming benefits ang pagpapa-acupuncture sa kanyang clinic.
Kabilang aniya sa mga positibong resulta ang pagkakaroon ng pasyente ng kakayahang makagawa ng mas magagandang desisyon sa buhay, nababawasan ang mga kamalasan, at nagkakaroon ng malalim na psychological insights.
Bagaman at naging popular ang Shirakawa Clinic dahil sa kakaibang acupuncture technique ni Yusaku, hindi lang naman siya ang nagsasagawa nito sa Japan.
Batay sa Google search, may 500 acupuncture clinics na katulad niya ay gumagamit din ng sangkaterbang karayom.
Pero dahil may mahigit 120,000 acupuncturists sa Japan, kakaunti pa rin ang masasabing eksperto sa ganitong technique, at si Yusaku pa rin ang maituturing na trailblazer lalo pa at meron siyang high-profile clients.
Read: John Tinniswood, 112, of the UK is world’s oldest living man
ANO NGA BA ANG ACUPUNCTURE?
Ang acupuncture ay isang tradisyunal na paraan ng panggagamot na nagmula sa China.
Libu-libong taon nang ginagamit ito sa pangangalaga sa kalusugan.
Ang katawan ng tao ay tinutusukan ng mga karayom para ma-stimulate ang sensory nerves ng balat at muscle.
Nakakatulong ito para magamot ang chronic pain at iba pang physical conditions.
Sa paliwanag ng Traditional Chinese Medicine (TCM), ang kalusugan ng isang tao ay resulta ng maayos na balanse ng “complementary extremes of yin and yang of the life force known as Qi, pronounced ‘chi.’”

Para sa mga advocates ng TCM, naniniwala silang ang pagkakaroon ng isang tao ng sakit ay dahil hindi balanse ang yin and yang ng kanyang buhay.
Ayon sa TCM, dumadaloy ang Qi sa meridians o pathways ng human body.
Ang meridians na ito at ang daloy ng enerhiya ay accessible sa 361 acupuncture points ng kanyang katawan.
Ang pagtutusok ng mga karayom sa acupuncture points na may tamang kumbinasyon ay magbabalanse sa daloy ng enerhiya.
Ang mga acupuncture points ay nasa mga “sites” kung saan ang stimulation ay makaaapekto sa aktibidad ng maraming multiple sensory neurons.
Tinatawag ding “receptive fields” ang mga sites, na nagkakaroon ng physical stimulation kapag tinusok ng karayom, na makakaapekto sa pain processing sa central nervous system at mga muscles, at makadaragdag sa daloy ng dugo sa iba pang parte ng katawan.
Kapag may bara ang daloy ng enerhiya sa katawan, nagsisimulang magkasakit ang tao.
Sa pamamagitan ng acupuncture, o ang pagtusok ng karayom sa tukoy na body points, pinaniniwalang matatanggal ang bara sa duloy sa energy channels at manunumbalik ang balance sa katawan at kalusugan.
Sa kabuuan, ang acupuncture ay nakakapagpapabawas sa nararamdamang chronic pain.
Nakakatulong din ito sa paglalabas ng mga kemikal na kumokontrol sa presyon at daloy ng dugo.
Napapagaling umano ng acupuncture ang migraine, insomnia, stress, asthma, constipation, irregular menstruation, dysmenorrhea, irregular heartbeat, at marami pang iba.
Nakasulat ang teorya at practice ng acupuncture sa Chinese classic on internal medicine, isang dokumento na naisulat noon pang 100 BCE (Before the Common Era o Before Christ).
